Chapter 4

1382 Words
Jera PoV Pagdating sa pinto ng unit ko, may nakita ako isang kumpol na bulalak. Napatingin naman sa magkabilang kanto bago dinampot ang bouquet ng bulaklak. "Sino naman kaya ang nag-iwan dito?" tanong ko sa aking sarili habang inaamoy ang bulaklak. Nakita ko na may sulat itong kasama at para 'to sa akin. Kinuha ko nalang 'to at dinala sa loob. Seryosong nag-uusap kami ni Jason nang biglang tumunog ang doorbell ko. Si Jason na ang boluntaryong nagbukas ng pinto ngunit bumalik ito na nakasimangot. "Ohh, sino iyon?" tanong ko kay Jason na hindi maipinta ang mukha. "Walang tao sa labas. Siguro nagkamali lang sila ng pindot." "Hayaan mo na at siguro napagtripan lang tayo." Sampong minuto palang ang nakalipas tumunog ulit ang doorbell ko. Agad naman tumayo ulit si Jason at binuksan ang pinto ngunit pareho ng nauna wala paring tao. "I think Je, tama ka. Kailangan mo ng mag-installed ng CCTV. Mukhang pinagtripan ka yata ng kapit bahay mo." "Baka nagkataon lang. Wala naman akong kapitbahay dahil nasa ibang bansa ang may-ari ng kabilang unit," sagot ko naman sa kaibigan ko. "I don't think so." Nagsisimula na kaming mag-usap ni Jason ulit tungkol sa pag-file niya ng kaso sa sariling ama.Tinanggalan kasi siya ng mana ng kan'yang step-mother. "Actually, pwedi ko naman ipagtanggol ang aking sarili pero ngayon ibang usapan na 'to," saad niya sa akin habang isa-isang binubulatlat ang mga papelis. "Don't worry, Son. Matagal na kitang kaibigan kaya maasahan mo ako. Tutulungan kita kahit walang bayad." Makalipas ang halos dalawangput limang minuto, tumunog ulit ang doorbell ng pinto ko. "Ako na." Boluntaryong saad ko kay Jason. Pagbukas ko nang pinto bumungad sakin ang kinaiinisan kung tao. "Hanggang dito sinusundan mo ako?" "Ops.. Nagkakamali ka dahil ngayon magkapitbahay na tayo." "Nangangarap ka ba? Paano?" "Secret ko nalang iyon." Nakangiting saad nito sa akin. "Tapos kana ba? Kung ganun makakaalis kana. Bumalik kana sa unit mo dahil nakakadistorbo ka," inis na saad ko sa kanya sabay sarado ng pinto. Hindi pa ako nakakahakbang nang tumunog ulit ng dalawang beses ang doorbell ko. "Ano ba ang problema mo?" "Ang suplada mo naman. Ganyan ka ba sa bagong kapitbahay mo. Wala man lang bang pa-welcome sa akin." "Wala. At isa pa hindi kanaman nagsabi, sana nagpaparty ako at nagpagawa ng welcome banner mo, Mr. Mayabang." "Huwag kanang magsungit. Puwede bang makikain. Ngayon lang kasi ako natapos maglipat at hindi pa ako nakakain, tapos marami pa ako aayusin na mga gamit ko." "Ang lakas ng trip mo no... Ang dami mong pera tapos makikikain ka? At saka kunti nalang ang ulam ko. Minsan lang ako magluto dito sa unit ko." "Matitiis mo bang matutulog ako na gutom. Kung lalabas pa kasi ako ngayon para kumain sa labas baka mahimatay ako sa daanan. Gutom na gutom na talaga ako" nag-iinarteng saad niya sa akin. May pahawak-hawak pa ito sa tiyan. "Huwag mo ako artihan. Makakaalis kana ." Biglang nalungkot ang mukha niya at tumalikod nalang siya sa akin na hindi nagpaalam. Nakaramdam naman ako ng awa dahil mukhang nagsasabi 'to ng totoo. Tinawag ko 'to at tinanong ulit kung kumain na ba siya talaga. Attorney ako, matigas ang puso ko pagdating sa mga kinakaharap kung mga kaso pero pagdating sa mga ganitong sitwasyon ay nagiging malambot ang puso ko. "Pssst...Hindi ka pa talaga kumain?" Mabilis itong lumingon at biglang ngumisi sa akin. "Hindi pa talaga ako kumain kaya nga ako nagbabasakali na baka may pagkain ka diyan." Hinayaan ko nalang siyang pumasok dahil makikain lang naman siya. Siguro tamad lang itong magluto. "Ang malas nang magiging asawa ng mayabang na 'to," pabulong kung saad. Pagbalik ko nang sala, nagulat si Jason na may kasama na ako. "Ohh may bisita ka pala, Je?" "Hindi siya bisita kundi boysita. Bagong kapitbahay ko pala, Son." "Ako pala si Theros, ang guwapong kapitbahay ni Attorney." "Ang hangin mo din no!" "By the way, I'm Jason, kaibigan at katrabaho ni Attorney Batoy." "Mabuti naman at kaibigan lang. Akala kung ano na." Agad ko itong tinanong nang marinig ko na may sinasabi siya ngunit hindi ko maintindihan. "May sinasabi ka?" "Ahhh, w-wala." "Akala ko may sinasabi ka e. Sumunod ka sa akin. Huwag kang magreklamo sa ulam ko," supladang saad ko dito para hindi na umulit pa. "Ikaw ang nag-design ng unit mo?" "Yes, gusto ko ng simpleng unit lamang. Ayaw ko ng masyadong makulay ." "Ang ganda ng design mukhang hindi manang ay may-ari." "Kung ayaw mo palayasin kita umayos ka. Siguro naman puwede na kitang iwanan. Kung gusto mo pang kumain kumuha ka lang diyan. Kung may kailangan pa, nandoon lang ako sa sala." Bago ako umalis marami pa itong tanong ngunit hindi ko na pinansin. "Anong klaseng pagkain 'to pero mukhang masarap ang pagkaluto." Pagkatapos nito kumain tumayo 'to sa harapan namin habang nakasusok ang kamay sa bulsa ng pantalon nito. Sobrang yabang nang dating nito. "Uuwi kana ba?" Tanong ko agad sa kanya. Naalibadbaran kasi ako sa pagmumukha nito "Ito naman pinapalayas ako agad. Puwede ba ako mag-stay muna dito? Boring kasi unit ko. Wala pa akong TV at net kaya dito muna ako." Napailing ako sa kakapalan ng mukha nito. "Kung makaasta mukhang siya ang may-ari ng unit ko," saad ng aking isipan. Natapos na kami mag-usap ng aking kaibigan kaya nagpaalam na ito sa akin na uuwi na. "Ikaw hindi ka pa ba uuwi?" "Ang lapit lang ng bahay ko kaya mamaya na." "Bahala ka sa buhay mo, diyan ka nga." Iniwanan ko na siya at pumasok na silid ko. Pinod-lock ko ang aking pinto dahil matutulog na ako. Nagising ako mula sa mahimbing na pagkatulog. Agad ako bumangon at uminom ng tubig. Naalala ko ang mayabang na kapitbahay ko kaya sinilip ko siya sa sala at nagulat ako dahil hindi pala 'to umuwi. Hinayaan ko nalang siya at bumalik sa silid ko. Napangiti ako nang maalala ang suot niyang damit. Long sleeve ang suot nito at ayos na ayos ang buhok. "Mukhang mabait kanaman kaya lang ang yabang mo talaga." THEROS POV Parang akong trumpo na pabalik-balik sa CCTV ko upang tingnan kung dumating na siya. Ang gulo na ng silid ko dahil halos ng damit ko ay nakakalat na sa kama. Kinuha ko ang pinamagandang damit ko kung saan sobrang guwapo ako dito. Pagkatapos sinilip ko ulit ang CCTV ngunit wala parin ito. Nabuhayan ako bigla ng loob nang makatanggap ako ng mensahe mula sa guard. Pinangakuan ko ito na bibigyan ng bonus basta i-report niya sa akin ang pagdating ni Jera at pag-uwi nito. Napasuntok naman ako sa hangin nang malaman ko na paparating na siya. Agad akong lumabas at nilagay ang bulaklak at isang bar ng chocolate sa may pintuan ng unit niya. Mabilis akong bumalik sa loob upang tingnan ang kanyang reaksyon. Napangiti ako nang makita ko siya nakatayo sa may pinto niya ngunit bigla napawi ang mga ngiti sa labi ko nang makita kung may kasama siyang ibang lalaki. Hindi ko alam ang gagawin kaya tinawagan ko ang aking kaibigan. Unang nakasagot ang asawa nito na ubod ng tapang. Pagkatapos payuhan ako ni Spencer kung ano ang dapat gawin agad ko kinuha ang perfume at pinabangohan ang buong katawan ko. Wala akong ibang dahilan kundi magkuwanri na nagugutom. Mabuti nalang at tumalab ang pagmamakaawa ko sa kanya. Pagdating ko sa loob ng bahay niya namangha ako sa ganda ng design nito. Sobrang amaze ako sa kanya. Everything naka-organize ang kanyang mga gamit. Nang binigyan niya ako ng pagkain agad ko ito kinain dahil amoy palang sobrang bango na. Pagkatapos kumain naglakas loob na ako pumunta sa sala at magkunwaring walang nakikita pero sa totoo lang palihim ko silang tinitingnan. Tuwang- tuwa ako nang umalis na kaibigan niya dahil ang akala ko magkakaroon na kami ng oras pero mali ako dahil iniwan niya ako agad. Hindi ko na siya kinulit dahil pagod naman talaga ako. Madaling araw binalak ko nang umuwi pero naramdaman ko ang pagbukas ng pinto niya kaya nagkuwanri akong tulog. Habang nagsasalita siya malapit sa mukha ko, bigla ako nakaramdam ng pagnanasa lalo na ng naramdaman ko ang init ng hininga niya. Ayaw ko masampal kaya hindi ko kailangan magmadali. Hinayaan ko siyang bumalik sa silid niya at ako nag-umpisa ng magluto. Gusto ko ma-inlove siya sa akin kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD