Seryoso akong nakikinig at nanonood ng balita sa TV. Dahil ang laman ng balita ay tungkol sa sagot kong kanino galing ang isa pang klase ng dugo na natagpuan sa damit ni Rambo. Ang sinasabing pinaghimalaan ng hindi pa matukoy na nilalang. Halos pigil ang aking paghinga hanggang sa marinig ko ang bagong balita. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ng ibalita na ang dugong iyon ay mula daw sa taong nanaksak kay Rambo. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa aking dibdib. Pero nagtataka din ako kong paano iyon nangyari. Dahil alam ko at Segurado ako na akin ang dugong pumatak sa damit na suot ni Rambo noon. Pero sa kabilang banda ay masaya at payapa na ang aking isipan tungkol sa bagay na eto. Ligtas na ako at wala ng dapat pang ipangamba. Nananatiling sekreto ang aking sekreto at

