chapter 3. Start working

1997 Words
Ashley Pov. Maaga akong nagising para maaga ko din masisimulan ang aking trabaho. dahil sa sobrang laki nitong bahay tiyak ko na matatagalan akong matapos. dahil sobrang laki nito na kailangan kong linisin. at tsaka sabi pa kasi ni manang minsan bigla-bigla lang daw ito dumadating kaya kailangan kong linising mabuti at maayos ang bahay para naman hindi siya ma disappoint na tinangap niya ako para mag work dito kung sakali man na bigla nalang siyang dadating at hindi ako mapagalitan baka sabihan pa ako na hindi marunong maglinis. Nag simula akong maglinis mula sa 1st floor to 5th floor, gosh grabe sobrang nakaka pagod para akong sumabak sa isang labanan. pawis na pawis na ako at na fe-feel ko na ang lagkit- lagkit kona pero hindi pa ako tapos sa trabaho ko. sobrang nakaka pagod pero sa t'wing iniisip ko ang nanay at kapatid ko nawawala kahit papaano ang pagod ko. dahil handa Kong gawin ang kahit na ano para lang sa kanila. habang naglilinis ako hindi ko parin mapigilan ang aking sarili na hanggang ngayon napapahanga parin talaga ako sa ganda nitong bahay. sa main center nitong bahay ay may nakalagay na malaking chandelier at ang gaganda ng mga gamit at ang laki ng lamesa sa dinning area tapos sa 4th floor hanggang sa 5th floor ay puros glass window na kitang -kita ang view mula sa labas ng bahay. tinulungan naman ako ni manang cellia kanina maglinis. pero ngayon ako nalang mag-isa. masaya ako dahil nakakasundo ko si manang at masaya din ako dahil mabait siya hindi kagaya sa mga napapanood ko sa tv ng aming kapit bahay na kahit maid lang o mayordoma kung wala ang kanilang amo ay maldita lumalabas ang pagka de***yo. at puro masasama ang mga ugali. buti nalang hindi ganon si manang cellia. nakakapagod maglinis dun sa baba ngayon itong swimming pool naman ang lilinisin ko dito sa rooftop. mas maganda pala dito at malamig ang simoy ng hangin..hmmp...mukhang nakatagpo ako nang lugar na pwedeng gawing tambayan ko. dito pala ako tatambay minsan total my mga bench's naman dito at masubukan din nga maligo dito minsan. mas maganda siguro tatambay dito pag gabi masubukan nga mamaya. hehehe natapos ko nang linisin ang buong bahay at pumasok muna ako sa kwarto ko para magpahinga sandali, ngunit hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, dahil sa sobrang pagod. nagising lang ako dahil sa isang katok sa labas ng pinto. si manang cellia lang pala at inutos niya sa akin na mag hapunan na daw dahil anong oras na. at pagkatapos noon ay nauna nang bumaba si manang gamit ang elevator pero ako hindi ako sumakay doon at nag hagdan lang. pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. gutom na ang maga baby worm ko sa tummy ko. sinabihan pa nga ako ni manang na wag daw magpapalipas ng gutom dahil hindi daw maganda yun. ako nalang mag-isa ang kumain dahil tapos na daw si manang dahil maaga daw siyang nag hahapunan. pero kahit na masarap ang mga nakahain na pagkain sa harapan ko ay malungkod parin ako bigla ko kasi naisip sila nanay sa probinsya. iniisip ko na kumain na kaya ang mga iyon? wala pa naman na ako doon para mag lako ng mga gulay para may pambili ng bigas, Sana nakakuha si mama ng saging sa bukit para may makakain sila. hayyyysst.... "tiis lang po muna kayo dyan nanay at enzo pagdating ng sweldo ko magpapadala ako dyan pangako." bulong ko at nag simula ng kumain, natutulog na siguro si manang. pagkatapos kong kumain ay tinungo ko muli ang aking silid para makapag pahinga muli. --- lumipas ang ilang araw at ngayon ay linggo na at day off ko. tuwing linggo kasi day off ko daw para naman daw makapaglibang ako with my friends diba taray!! usapan naming tatlo nila Anna at Levi na magkikita kame sa isang mall. kaya eto ako ngayon hinahanap sila dito sa loob ng mall nauna kasi sila dumating dito. "hayysst...saan na ba kasi yung mga yun?! hindi ko naman kasi sila matawagan kasi wala akong load." bulong-bulong ko habbang hinahanap ang dalawang kaibigan ko ang laki kasi nitong mall. gusto ko naman silang tawagan e, kaso wala akong load poorita kasi ang Lola niyo. maya-maya'y nag ring ang phone ko at pagtigin ko si Levi pala ang tumatawag, buti naman naisipan nila akong tawagan dahil kanina pa ako dito na parang si sisa na hinanap si chrispin at basillio. sinagot ko naman ang tawag. "asaan na kayo kanina pa ako dito ngunit hindi ko kayo makita." tanong ko. " princesa ng mga gulay! andito kame sa isang fast food punta ka dito bilisan mo." "saang fast food naman iyan.?" "dito sa bubuyog.!" sagot nito. ha! ano daw? bubuyog? ano yun loading ang utak ko sa sinabi ni levi. kausap ko ang sarili nung panahong iyon. nung natapos mag loading ang utak ko ay agad ko silang hinanap dun at ayun kumakain na sila. "girl tagal mo naman dumating kaya nag order na kame. ikaw nalang ang mag order para sayo." Sabi ni Anna kaya tahimik lang ako nakatingin sa kanila dahil wala naman akong pang bayad. "wag kang mag alala, heto tangapin mo para maka order kana dun at makakain narin." Sabi pa ni Anna na napansin siguro na hindi ako kumibo kanina. tumangi ako sa pera na binibigay niya iyon at sinabing hindi naman ako nagugutom dahil kumain na ako kanina nang umalis ako sa bahay kanina. pero hindi ako nito pinansin at siya nalang ang pumila doon at nag order, hindi kasi kuripot si anna. Ang lagi niya kasing sinasabi basta pagkain lang hindi siya magiging madamot ayaw daw niya maging madamot pag dating sa pagkain. ito ang ugali ni Anna na nagustuhan namin ni Levi. at palagi din naming bonding tatlo ang kumain. Sa grupo namin maarte man si Anna pero mas maarte si baklang levi. tulad nito gayon andito kame sa loob ng mall. ayun panay ang tingin niya sa mga gwapong lalake, at parang maiihi na ewan ang reaction niya sa t'wing may gwapong dumadaan. nahahawa na pati si Anna sa kanya. tumitili ng impit silang dalawa habang nakatingin sa dalawang lalake na nakatayo sa harapan namin. na mukhang ka edad lang din namin. pero ako walang gana ewan ko ba.... Wala akong hilig sa mga lalake para sa akin kasi hindi pa naman ako lumalampas sa kalendaryo. Sinulit namin magkakaibigan ang araw na ito dahil simula bukas ay magiging busy na naman kami pareho sa kanya kanyang namin mga trabaho. sa pagkikita namin ito ngayon ay libre lahat ni anna at Levi. pero sabi ko naman sa kanila na pagdating ng sahod ko ay ako din ang manlilibre sa kanila. masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nila na laging nandyan para tulungan at suportahan ako. alas 6:00pm. na ng gabi kaya naisipan ko ng umuwi baka kasi pagalitan ako ni manang cellia. inaya pa ako ng dalawa na mag dinner daw muna kami bago umuwi pero tumanggi na ako kasi naman kaninang lunch at merienda sila na ang gumastos tapos pati ba naman dinner sila pa din. hindi na ako pumayag at sinabi ko na lang na doon nalang ako sa bahay ng amo ko, ako kakain ng hapunan. dahil tiyak ako na nagluto na naman yun si manang ng marami nakakahiya na rin sa kanila kung sasama pa ako sa kanila mag dinner kahit sabihin natin na kaibigan ko sila. kanina pa kasi sila panay ang bili ng pagkain para sa akin, kaya nagkakahiya na. hindi porket mabait sila ay kailangan ko nang abusuhin iyon hindi ako ganun atsaka alam ko rin na kailangan din nila ng pera dahil mag-aaral din sila sa pasukan. Pagdating ko sa bahay ay saktong naabutan ko si manang na nag aayos sa lamesa at mukhang kakain na. "good evening ma'am cellia, mano po.?" bati ko at sabay mano ganito kasi ako sa aming probinsya kaya nasanay na ako nakita ko naman si manang na parang nagulat pero sandali lamang iyon at kinuha narin ang kamay ko. "kaawaan ka ng diyos iha." Sabi niya at ngumiti. "teka kumain kana ba ? kung hindi pa halikana at sabayan mo ako." tanong ni manang at sinabi ko naman na hindi pa with matching pakamot sa batok. inaya na ako ni manang cellia na sabay na kami kakain kaya nag madali naman akong kumuha ng plato umupo na sa harap na upuan ni manang. tahimik lang kami hanggang sa natapos kaming kumain at syempre hindi ko muli siya hinayaan na siya ang maghuhugas ng pinagkainan namin. sa araw-araw na dumadaan at sa araw-araw akong naglilinis nitong malaking bahay ay parang nasanay na rin ang aking katawan sa pagod kaka linis nitong bahay. nakakapagod lang naman kasing maglinis tuwing monday, wednesday atsaka friday pero on tuesday, thursday at sabado hindi naman masyadong nakakapagod. kasi hindi naman kailangan masyadong linisin ang bahay hindi tulad sa (M,W,F) na halos ilagay mo na lahat ng gamit sa labas upang makapaglinis lang sa buong bahay ganun daw kasi ka strikto ng amo namin dito gusto palaging malinis ang bahay. pero sa nakikita ko parang sobra naman yata yung gusto niyang linis ng bahay. na araw araw ng naglilinis program halos ilagay na namin ang lahat ng gamit sa labas ng bahay para linisin ang buong bahay na ito. nakakapagod sobrang laki pa naman nito. pero wala naman akong karapatan. na question-in ang gusto ko ng amo ko kasi maid lang naman ako dito at siya ang may-ari ng bahay. grabe ang pagod namin ni manang dahil linis dito linis doon palit ng kurtina dito palit ng kortin doon araw-araw namin ginagawa dahil ang sabi ni manang ayaw daw po ng amo namin na maalikabok ang mga curtains. wala naman daw allergy sa alikabok yun sandyang maarte lang daw talaga sabi ni manang. Malapit na pala ako mag isang buwan dito ngunit hanggang ngayon hindi ko pa na me-meet ang maarte kong amo. pero sabi naman ni manang malapit na daw iyon umuwi. dahil tumawag daw sa kanya nung isang araw at nangamusta rito sa bahay. damating sa akin ang curiosity kung ano bang itsura noon. hiling ko din na sana mabait siyang tao. na e-excited narin ako dahil malapit narin ang sahod ko, makakapag padala na ako dun sa probinsya kila nanay at enzo. naisipan ni manang na mag bake ng cupcake ngayon para daw sa meryenda namin dalawa tinuturuan din ako ni manang kung paano mag bake, pakiramdam ko parang nanay ko na rin si manang. at parang anak na din ang turing niya sa akin. tinuruan din ako ni manang kung paano gumawa ng icing. bihasang-bihasa na talaga si manang sa pag gawa nito at sa pag be-bake ng cupcakes. "manang saan niyo po natutunan mag bake kasi po ang galing niyo kasi." Sabi ko. "nag-aral ako dati ng culinary pero sa kasamaang palad hindi ako nakatapos dahil mahirap lang kame at hindi na kaya ng mga magulang ko na paaralin ako. kasi gaya mo taga probinsya din ako pero magkaiba lang tayo ng probinsya." Saad ni manang, kaya pala magaling siya pati sa pag luto. masarap din kasi siya mag luto. "Kaya ikaw 'wag mong sayagin ang pagkakataong makapag tapos ng pag-aaral mo kasi mas importante yan, dahil kapag nakapagtapos ka nang pag-aaral makaka kuha ka nang magandang trabaho. pwede ka pang pumunta sa ibang bansa upang mag trabaho kung gusto mo." payo ni manang saakin. "opo manang pangako ko po na magtatapos ako." sagot ko naman na itinaas pa ang kamay signed of promise. at sumagot naman ito ng "mabuti." nag kwentuhan pa kame ni manang ng Kung anu-ano hanggang sa natapos na naming lutuin ang mga cupcakes. ---- excited na ba kayo sa pagkikita nila ng boss niya.? hehehe comment lang po if nagustuhan niyo po ba or hindi para mas lalo ko pong gagalingan sa pag susulat salamat po in advance muah...muah..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD