P A R T T E N

2642 Words
______________ •Elaine's POV• Kanina pa ko nabibingi sa kumakatok sa pinto. Sino ba kasi yang katok ng katok at mukang hindi makapag hintay? “Sunday pagbuksan mo nga ng pinto yang katok ng katok baka nandyan na yung inorder ko galing sa shopping site.” Utos ko kay Sunday. Ayaw pa sana nyang kumilos kaso pinilit ko at sinabihang hindi ko sya bibigyan sa inorder ko. Mga make-up kits pa naman yun kako, ayun dali daling pumunta sa harap ng pinto at binuksan yung pinto. “Ahhhhyyyyieeeeee Elaine, tara dito tara!” Nagtititiling sabi ni Sunday na ikinakunot noo ko. Delivery lang naman kilig na kilig. Ahh baka pogi yung rider. “Bakit ba?” sarcastic na tanong ko. Nagtititili pa rin sya. Kanina nakabusangot ngayon masayang masaya. Ano bang nangyayari? “Elaine lumabas ka dito bilisan mo!” Pagmamadali ni Sunday habang tumitili pa rin. Pasalamat ka Sunday kaibigan kita kung di, matagal na kitang tinanggalan ng dila. kaya kahit may ginagawa ako at busyng busy, lumabas na ko. “Ano bang meron at tili ka ng tili jan?” tanong ko kay Sunday. Pagbungad ko sa pinto, nakita ko si Jericho may dalang bulaklak na sa tingin ko para sa kin. ???, ???????? ?????? Shempre para kanino pa ba, edi sa kin. Oh di ba marupok pa rin hahaha joke lang. Malamang naman kay Sunday. Eh hindi naman yun mahilig sa bulaklak bulaklak. “Je-Jericho? Anong ginagawa mo dito?” kabadong tanong ko. Bigla akong pinaghahampas ni Sunday sa balikat, nakakailan na talaga tong babaeng to. Nakakaasar na. “Aray naman, isa pa. Sasampalin na kita!” Pagbabanta ko kay Sunday. Tumigil na sya sa paghampas sa kin kaso niyugyog naman ako sa sobrang kilig. “Hoyyyy Elaine, napaka manhid mo talaga. May dalang bulaklak at gitara, ibig sabihin nyan. Liligawan ka nya ULIT. Ahhyyieeee sabi ko na mangyayari to e. Elaine, sagutin mo na agad para tapos ang ligawan at magtuloy tuloy na ulit ang love story nyong dalawa!” Nagtititili pa ring sabi ni Sunday habang niyuyugyog ako. Nakapoker face lang ako at wala sa mood makipag anuhan. “Pwede ba umalis ka na! Wala ako sa mood makipag-asaran!” “Balak ko lang naman sanang umakyat ng ligaw sayo ULIT Elaine. Pwede mo ba kong pagbigyan, muli?” tanong nya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kasi hindi ko alam. “Umalis ka na! Tara na Sunday, isara mo na yung pinto!” Ang sabi ko. Biglang lumungkot yung mukha ni Sunday. Che! Lalo syang papanget nyan. Papasok na sana ako ng bigla akong hawakan sa kamay ni Jericho at sabihing... “Please Elaine, pakinggan mo muna sana yung kanta ko para sayo. Baka sakaling mabalik ang dating tayo!” Nakangiting sabi ni Jericho. Medyo narelieve ako. Ligawan pa lang naman e, malay mo tumigil rin sya. Tumango lang ako habang si Sunday. Wala pa ngang kinakanta, nagtatatalon na sa kilig. Nagsimula nang patugtugin ni Jericho yung dala nyang gitara kaya mas lalong kinilig si Sunday. Habang ako naman ay inaantay lang yung kakantahin ni Jericho, siguraduhin nya lang na maganda yan ah. Jericho: ?Lagi nalang ganito Isipan ay gulong gulo ?Lagi nalang nabibigo Ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso ?Ilang liham na ang sinulat sayo ?Ilang luha na rin ang natuyo ?Kailan kaya muling makakatawang Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip ?Kailan kaya muling makakamit Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip ?Kailan ?Kailan ?Kailan ang dating tayo Medyo napapangiti ako ng konting konti lang naman parang mga 59% plus 41% ayy basta.. Oo na, hindi ko na napigilang ngumiti. Dahil sa kinanta nya, parang nagflashbacks sa kin yung mga memories na magkasama kami. Yung mga happy memories namin noon. Na masaya lang kami at sweet sa isa't isa. Lahat nang yun, bumalik muli sa alaala ko. Habang nakatitig ako sa mga mata nya, parang nangongonsensya. ?Kailan kaya muling matatamasang Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta ?Kailan kaya muling mararanasan Sa pagdilat ng mata ika'y hindi lang ala-ala....... “Mapapatawad ko pa nga ba sya?” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa kanya. Sa tingin ko oras na siguro para magpatawad ako di ba? Ayos na sigurong naghintay sya para sa kin. Ayos na sigurong nandito sya sa harap ko at muling kinikuha ang kamay ko. Ayos na sigurong mapatawad ko na sya. Ayos na rin sigurong kalimutan ang lahat ng nangyari sa nakaraan at ituon ang atensyon ko sa kasalukuyan. At ayos na rin sigurong mahalin ko syang muli. Pero handa ko na nga bang buksan ang puso ko sa isang taong nanakit sa kin noon? Sumilay ang nagbabadya kong ngiti na napansin nila Jericho at Sunday. Hindi ko na kasi maitago, bukod sa bumabalik sa alaala ko ang lahat ng masasayang nangyari noon. Nakaramdam rin kasi ako ng kilig, yung kilig na naramdaman ko ulit kasi mahal ko pa sya. Biglang nagtititili na naman si Sunday. Kaya lalo kong nailabas ang mga ngiti ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Jericho kasi nahihiya ako. Ayokong makipag eye-to-eye sa kanya kasi feeling ko, wala akong karapatan kahit kaharap ko lang naman sya. Pero nakikita ko namang nakangiti sya sa kin. Kaya kahit nahihiya, ngumingiti na rin ako. “Ayyieee Elaine ahh, baka naman.... baka naman may pag-asa nang magkabalikan ulit kayo!” kinikilig na sabi ni Sunday. Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Nakita ko namang napakamot sa batok si Jericho. “Hehehe, sana nga... sana nga sagutin ako ulit ng kaibigan mo e. Pilitin mo naman para sa kin oh!” Sabi ni Jericho kaya mas lalong kinilig si Sunday habang ako, nakangiti pa rin na medyo kinikilig. “Sagutin mo na Elaine, pakipot ka pa!” Ang sabi ni Sunday habang binubunggo bunggo yung tagiliran ko. Isa pa to, bunggo pa. Napailing iling ako at tatawa tawa nalang. “First day of ligaw palang, sagot na agad? Pwede bang patagalin muna?” sarcastic na tanong ko. Kaya biglang nagtatatalon si Sunday. Senyales na siguro to ng kabaliwan nya. Noo, actually matagal na pala syang baliw. Mas lalo lang nabaliw ngayon. Pero kahit ganyan yan, kaibigan ko pa rin yan. Same kaming baliw hahaha. “So, may pag-asa pa nga ayieeee!” Kinikilig na turan ni Sunday. Nakita ko namang napa-smirk si Jericho at halata sa mata nyang masayang masaya sya. “Ewan ko sa inyong dalawa! Papasok na ko sa loob! Sunday pag dumating yung order ko, pakikuha nalang ah!” Bilin ko kay Sunday bago ako pumasok sa loob. “Babalik ako bukas para manligaw ulit sayo. At sa mga susunod na bukas pa at sa mga susunod pa!” Ang sabi ni Jericho. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Okay!” Tipid na sabi ko at tinalikuran na sila. Napangiti ulit ako at aaminin ko, kinikilig na talaga ako. Narinig ko pang nagtititili si Sunday. “Sa tingin ko, mahal ko na ulit sya!” Bulong ko sa sarili ko. ******** Kasalukuyan akong naglalagay ng make-up sa mukha ko. Kaso sabi ni Sunday ang panget ko daw mag make-up kaya sya na yung nag make-up sa kin. “San ka ba pupunta at kailangan mo pang mag make-up?” tanong ni Sunday habang inaayos yung eye liner ko. “Ahhh..... kay ano.....” putol ko. Pano ko ba to sasabihin. Hmm... kasi... “Kay ano?” tanong nya ulit. Sa pagkakataong ito, nilalagyan na nya ko ng blush-on sa pisngi. Pampapula daw lalo sabi nya. “Ahh dun sa publisher ko. Sa publisher ng libro ko. Alam mo na...... sabi nya kasi kanina sa kin. Makipag kita daw ako sa kanya mamayang 8 o'clock ng gabi. Pag-uusapan daw namin yung tungkol sa pano nya ipupublish yung gawa ko, alam mo na di ba? Matagal ko nang pangarap to. Gusto kong maging formal at maayos, malay mo kunan ako ng picture. Edi ready ako di ba?” sabi ko habang nakatitig sa sarili ko. ????, ???? ?? ???? ??? ??? ????? ?? T_T “Ingat ingat ka, baka scammer yan. Marami na kayang scammer ngayon! Yung iba nambubudol, yung iba nagpapanggap na katulad nyan. Pero baka naman totoo yan, puntahan mo na rin. Malay mo jan magsimula yung pangarap mo. Basta mag iingat ka lang ahh!” Bilin ni Sunday. Nahahalata ko sa tono ng pananalita nya na parang takot. Hinawakan ko yung kamay nya at saka sinabing.... “Dont worry Sunday, mag iingat naman ako.” Sabay ngiti. ******** “Elaine! Ingat ka!” Kumakaway na sabi ni Sunday. Kumaway ako sa kanya pabalik. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa sinabing location ng publisher ko. Shempre, kinakabahan ako. Pero kakaibang kaba yung nararamdaman ko. Yung kabang hindi dahil sa kakausapin ako tungkol sa libro ko. Kundi sa kung anong bagay. Basta kakaibang kaba. May nakita akong lalaking naka-upo malapit sa tabi. Sa tingin ko sya yung publisher... “He-hello po. Ako po si Elaine Mendosa yung minessage nyo po kanina about sa ano....” putol na sabi ko. Sa tingin ko gets na nya yung sinabi kong ano. “Oo, tara dito. Maupo ka muna at pag-usapan na natin yung libro mo!” Ang sabi nya kaya umupo na rin ako sa tapat nya. Kakaiba yung itsura nya, parang may iba at may mali. Yung tindig nya, parang may gagawing kung ano. “Ahhh, ano po bang gagawin? Ibig sabihin ko po, paano po ba yung proseso?” tanong ko. Hindi mapakali yung mga paa ko. Nag-smirk lang yung lalaki sa harap ko. Tumayo ito at lumapit sa kin. “Pwede sigurong wag na nating pag-usapan dito. Sa ibang lugar nalang at nang makapag usap tayo ng MAAYOS.” Madiin pa yung pagkakasabi nya ng maayos. Pakiramdam ko may mali na e. Hinawakan pa nya yung magkabilang balikat ko at minamasa-masahe pa. Iniilag ko at ginagalaw yung balikat ko pero nakukuha pa rin nyang masahiin. Bumulong pa sya na nakapagpa tayo pa sa kin. “Tara sa hotel, miss.....” sabi nya kaya bigla akong napatayo. Shempre, hotel. Anong gagawin namin sa hotel, siraulo ba tong lalaking to? Publisher, tapos sa hotel, g@go ba to? “Ahmm.. siguro po aalis nalang ako. Salamat nalang po sa oras!” Ang sabi ko. Aalis na sana ako kaso hinawakan nya yung kamay ko. Napakahigpit, ang sakit parang mababali yung mga daliri ko sa kamay. “Ahhrayyy. Masakit aalis na po ako!” Kabadong sabi ko. “Miss, ayaw mong sumikat ang libro mo? Tara sa hotel at dun natin pag-usapan yun.” Naka-smirk na sabi nya. Tuluyan ng dumagundong ang kaba sa kaloob looban ko. Talagang may mali na dito. Inagaw ko yung kamay ko sa kanya pero naaagapan nyang makuha kaya hindi ko mabawi. “Aalis na po ako, salamat nalang!” “Wag miss, sayang naman!” Sabi nya. Sa mga oras na to, gusto ko ng sumigaw pero hindi ko magawa dahil iniisip ko kung paano? Paano kung hindi sila maniwala sa kin? Lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa kin kaya medyo napapaaray na ko, kanina pa nga e. Ngayon ko lang naipakitang ang sakit sakit na ng ginagawa nya. “Aray, ano ba? Aalis na ko. Bi-bitawan mo nga ko! Sabing.... bitaw, bitawan mo ko! Tulong po, tulong!!!” Napag-isipan ko na ring humingi ng tulong kasi kinakaladkad na nya ko e. Medyo sumasakit na yung ulo ko at nahihilo na rin ako. Pakiramdam ko anumang minuto mula ngayon mawawalan nako ng malay. Nanghihina na rin ako gawa ng dahil sa iniinda ko sa ulo ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kabila kong kamay. Nang linungin ko, si Jericho. “Bitawan mo sya pre. Girlfriend ko to baka gusto mong sa ambulansya ka mapunta?” galit na utos ni Jericho. “Pre, wala akong pake kung girlfriend mo to! Girlfriend ka lang, ako publisher ng libro nya kaya wala kang pake!” Ang sabi nitong lalaking publisher daw. Upakan ko to, napakasinungaling. “Di mo sya bibitawan pre?” tanong ni Jericho. “Ikaw bumitaw jan!” Sagot nung lalaki. Bigla syang pinagsusuntok ni Jericho. Lamog ang mukha at shempre, duguan. Gumanti pa yung lalaki kaso... *Bogshhh* ako yung nasuntok sa mukha kaya natumba ako at nanghina. Nakita kong nagalit si Jericho sa ginawa sa kin nung lalaki, pinagsusuntok nya to. Sige lang suntukin mo yang lalaking yan. Bwiset na scammer yan. Walang hiya nya kamo! T_T sayang yung make-up ko.... Matapos bugbugin ni Jericho yung lalaki. Tumakbo ito palayo kaya pinuntahan na ko ni Jericho. Binuhat nya ko, shempre hindi ko na kayang maglakad saka nanghihina na rin ako. Ikaw kayang masuntok tapos sa mukha pa. Ang sakit kaya! “Ikaw kasi e. Nakikipagkita kung kani-kanino. Kung makikipag date ka, sa kin nalang! Wag na sa iba.” Naka-smirk na sabi ni Jericho. Binatukan ko sya. G@go to ah! “Baliw hindi naman date yun! Napaka ano mo. Nakipagkita ako kasi sabi nya sa kin publisher daw sya! Hindi ko naman kasi alam na scammer pala sya, sana hindi na ko tumuloy! Saka pano ko malalaman kung scammer e ang galing mag entertaine!” Sabi ko. Pano ko nga naman kasi malalaman, ang galing magkunwari. “Basta sa susunod mag iingat ka na! Sige ka, wala na kong liligawan!” Naka-smirk pa rin na sabi nya. Binatukan ko na naman sya. Parang t@nga lang? Hanggang dito ba naman ligawan pa rin yung nasa isip nya. “Aray, sorry naman. Wag mo na kong batukan. Sige ka, mabibitawan kita!” Pagbabanta nya. Sige lang bitawan nya ko nang wala na syang ligawan! ??? ????.... Tumawa lang ako kaya nakitawa na rin sya. Same vibes lang? Habang naglalakad kami, ay sya lang pala. Habang naglalakad sya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Parang nangyari na kasi to noon. Ay oo nga, nangyari na to noon nung kami pa. Nung hindi pa nya ko sinasaktan. “Salamat pala ah!” Sabi ko sa kanya habang naglalakad pa rin to. Ang bigat ko ba? Matagal tagal na kasi akong hindi nagtitimbang at madalas akong busog e sorry naman hehehe. “Para saan naman?” tanong nya sa kin. Bvbv ba to o siraulo or ano? Malamang sa pagligtas nya ano pa bang dahilan para magpa salamat ako? “Shempre sa pagdating mo kanina. Kung hindi ka dumating, baka narap3 na ko!” Ang sabi ko. Tumigil sya sa paglalakad at ibinaba ako. Nagtataka man, naglakad na rin ako. Umupo muna sya sa isang tabi kaya naupo na rin ako sa... tabi nya. “Kung hindi pala ako dumating. Malamang, wala ka na!” Malumanay na sabi nya. “Kaya nga salamat di ba?” tanong ko. Tumingin sya sa kin at ngumiti. “Wala yun. Lahat naman ng lalaki gagawin yun para sa babaeng mahal nila!” Sagot nya. Napahinto ako sa ginagawa kong pagpindot sa cellphone. Balak ko sanang i-text si Sunday para sunduin kami kaso dahil sa narinig ko. Kailangan ko na sigurong harapin ang katotohanan. Mahal nya pa talaga ako, parang nakokonsensya na tuloy ako sa ginagawa ko sa kanya. Sa p**********p ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa kawalan. “Alam mo ba Elaine. Nung nawala ka, nung umalis ka dito sa bansa. Umiyak ako nun, kasi pakiramdam ko. Pinalaya kita e. Nung umiyak ka nung gabing yun, nasaktan ako. Pakiramdam ko, niloko ko yung sarili ko. Pakiramdam ko, nagkamali ako! Sobra akong nagsisisi at hinintay kita ng five years para lang makasama ulit. Sana sapat na yung paghihintay ko para mapa sakin ka ulit Elaine. Alam kong napakahirap non para sayo, pero pinagsisisihan ko na yun. Mahal pa rin kasi kita e at hindi yun magbabago.” Ang sabi nya. May tumulong luha sa gilid ng mata nya. Gusto ko na ring maiyak dahil sa mga sinabi nya. Siguro, deserve na nya yung pagpapatawad ko. ______________ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD