P A R T N I N E

2352 Words
______________ •Elaine's POV• Napahawak ako sa pisngi ni Jericho. Sorry naman, nanghahalik kasi. “Sorry, sorry. Ikaw kasi nanananching ka na naman kasi!” Nag-aalalang sabi ko habang hinihimas himas yung pisngi ni Jericho. Mukang napalakas yata yung pagsampal ko. Namula kasi yung pisngi ni Jericho, pero bakit pati yung isang pisngi nya namula rin? Hinawakan nya yung kamay kong humihimas sa pisngi nya. Kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. Nakangiti sya na para bang ewan. Na-gets ko kagad yung pag ngiti nya. Agad kong inagaw yung kamay ko sa kanya. Yuckkks, kaderder -_- Joke lang. “Miss mo halik ko no?” naka-smirk na tanong nya. Napakagat labi ako. Ano sya sinuswerteng nanalo sa jackpot round ng lotto? “...... miss mo na ko no?” tanong nya ulit. Kaya napairap ako at sinampal sya ulit, pero mahina lang naman yun. Natawa lang sya, parang t@nga nga e. Sarap tuloy bigyan ulit ng napakalakas na sampal pero sa kabilang pisngi naman para lalong mamula. Dumating na yung waiter dala yung mga in-order ni Jericho. Natatakam na ko, mukang masasarap ahh. Napadila ako sa labi ko kasi nga natatakam ako. Tapos biglang kumulo yung tiyan ko, edi confirm na gutom na talaga ako. Inilapag ng waiter sa harap ko yung masarap na pagkain. Hindi ko alam yung tawag dun basta sa tingin ko palang. Masarap yun, namnamnam. Nahihiya pa kong galawin yung pagkain ko kasi nahihiya ako. Alam nyo na, wala akong ambag. Hehehehe. “Wag ka ng mahiya. Ako naman magbabayad nyan, date naman natin to.” Biglang sabi nya kaya napakunot noo ako tapos bigla akong kinabahan. Date namin to? Ibig sabihin inaya nga nya kong makipag date sa kanya? Jusko po, kung date pala to sana pala hindi na ko sumama. Hindi pa ko ready sa padate date na yan. Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Jericho. Hinawakan nya yung kamay ko tapos sabi nya. “Sayang yung pagkain, tapos iiwan mo lang?” kaya wala akong nagawa, gutom na rin kasi ako. Ewan ko, pumunta lang ako sa ibang bansa. Palagi na kong gutom pag-uwi ko. Umupo na ko at kahit nahihiya man, ginalaw ko na yung pagkain. Grasya kaya to. Hindi nga ako nagkamali. Ang sarap nung pagkain ko. Sobrang sarap, parang gusto ko pang humirit ulit ng ‘Isa pa’ kaso nakakahiya naman. Wala na nga kong ambag, hihirit pa ko. Kaya wag nalang. Abala ako sa pag nguya. Nang magsalita si Jericho. Ay susme, bahala syang magsalita jan. Basta ako kakain lang pagkatapos aalis na. Walang modo e no hahaha. Bwisita kasi tong si Sunday. Date pala tong aya ni Jericho. Sana hindi na ko sumama. “Elaine, sorry talaga sa nagawa ko sayo five years ago. Sana napatawad mo na ko.” Sabi ni Jericho habang kumakain sya. Nung una hindi ko pa sana iintindihin yung sinabi nya kaso naisip ko. Baka kapag sinagot ko na sya sa palagi nyang tinatanong sa kin. Siguro titigilan na nya ko. Gusto ko na rin kasing tumigil sya, hindi sa inaano ko sya. Pero kasi, sa huli sya yung masasaktan e. Gusto kong maliwanagan na syang hindi na magbabalik yung dating ako. Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita. Nagulat pa nga sya nung magsalita ako e. “Gusto mo talagang malaman kung napatawad na kita?” tanong ko. “Oo Elaine.” Nakangiting sabi nya. Nag-smirk muna ko bago magsalita. “50/50.” Nagtaka sya sa sinabi kong 50/50. Hayytsss kailangan ko pa bang ipaliwanag? “50/50?” tanong nya. Napabuga ako ng hangin bago magsalita. “50 percent na napatawad na kita 50 percent na hindi!” Sagot ko. Nangunot noo sya. Slow ata to. “Okey okey wala na kong dapat pang ipaliwanag. Basta maliwanag nang 50/50. Aalis na ko, thanks nalang sa libre mo. Hindi ako masaya pero busog ako!” Ang sabi ko kasabay ng pagtayo ko sa upuan. Tumayo rin sya saka hinawakan yung kamay ko. Arghhh, kakain na naman? Busog na ko ah! “Ayok-....” magsasalita pa sana ako kaso bigla na kong niyakap ni Jericho. Na-shock ako shempre, biglaan ba naman. Tapos yakap pa. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Jericho. Feeling ko tuloy, hihimatayin ako sa nerbyos. “Thank you Elaine for this day!” Bulong nya sa kin kasabay ng paghalik nya sa pisngi ko. Naramdaman kong nag-iinit na yung mukha ko. Senyales ba to ng ano, kilig? Napatulala ako shempre, feeling ko iiyak na ko sa sobrang pagkaano. Napakagat labi ako tapos bigla nalang akong tumakbo. Di ko alam kung bakit. Narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Jericho pero wala kong pake. Hindi ko nililingon, baka kasi hinahabol ako edi naabutan pa ko. Nung medyo makalayo na ko, lumingon ako. Salamat kako kasi hindi sya sumunod. Bigla na namang nag-init yung mukha ko. Tapos biglang sumilay yung ngiti ko. Ewan ko talaga kung bakit pero pakiramdam ko, ang swerte ko ngayong araw. Wala pang alas singko, kaya inantay ko si Sunday sa tagpuan namin kanina. Makalipas yung 30 minutes. Sa wakas dumating rin. May dala dala pang mga pagkain na sa tingin ko galing sa mga handa ng mga pinagkainan nya. Napailing iling nalang ako habang hindi mawala wala yung ngiti sa labi ko. “Kamusta date nyo ni Jericho, happing happy ka ah. Ngiting ngiti oh!” Sabi nya sabay turo sa bibig ko. Hindi ako nakasagot at lalong sumilay ang ngiti ko. Kaya napatili si Sunday. “Ahhhhyyyyieeeee, nagsama lang kayo kanina. May nabuo na naman closuer ahh! Baka sa susunod nyan, mabalitaan ko nalang. Kayo na ulit. Ahyyyieee hindi na ko makapaghintay na mangyari yun!” Nagtititiling sabi ni Sunday. Sinabunutan ko sya kaya napatigil sa pagtili. “Aray, bat mo ko sinabunutan?” tanong nya habang hinihimas himas yung ulo nya. Pakalbo ka na para hindi na kita masabunutan. “Epal ka kasi e!” Sabi ko. Umirap sya saka biglang tumawa. Baliw na? “Ano may pag-asa pa ba, ULIT?” tanong nya sa kin. Klaseng tanong ba yan. Ngumiti ulit ako bago magsalita. “Ewan ko!” Nakita kong eksayted si Sunday sa sagot ko pero nung sumagot ako ng ewan ko biglang sumimangot. “Ayy basta, ipre-predict ko future mo. Si Jericho yung lalaking nakatadhana para sayo!” Sabi ni Sunday. “Jusko, hula mo lang yan at walang hula ang nangyari sayo.” Kaso bigla akong natahimik. Sinabi nga pala ni Sunday kanina na.... “???? ??????, ???? ????? ???? ??????? ????.” Tapos nangyari nga? Baka naman alien tong si Sunday at sinisikreto nya lang sa kin. Mababatukan ko talaga to. “Hoy Sunday. Sabihin mo nga sa kin. Alien ka ba?” diretsong tanong ko. Bigla syang tumawa pagkatapos umiling. “Alien alien pinagsasabi mo jan? Bat mo natanong?” tanong nya sa kin pabalik habang tumatawa. “Bat mo nahulaan na date yung aya sa kin ni Jericho?” tanong ko. Sa pagkakataong ito, naglalakad na kami para umuwi. Bitbit ko pa rin yung kahihiyan na nangyari kani-kanina lang. “Hahaha yun? Chamba lang yun. Hindi ko naman hinulaan, chinambahan lang kaya nga may BAKA e.” Sagot nya. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na umimik. Bahala sya kung alien sya basta ako tao 0_• Habang naglalakad kami, kinakausap nya ko. Hindi ko nalang iniintindi kasi puro lang naman sa fiesta yung kinukwento nya. Iniisip ko kasi yung palaging tanong ni Jericho sa kin. “????? ?? ?? ?? ??, ???????” Kapag palagi nyang tinatanong yan, hindi ako makasagot kasi hindi ko alam. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya o ano. Basta ang alam ko, 50/50. At sa tingin ko, babagsak na ko sa 49 percent dahil sa mga efforts na pinapakita nya. Pinapakita nyang sincere na sya sa paghingi ng tawad sa kin. Hindi ko talaga alam, naguguluhan pa ko. “.... tapos yun nakita ko na sya.” Sabi ni Sunday. Hindi ko na kasi inintindi yung mga sinabi nya, bahala sya sa buhay nya kung mag asawa sya ng kung sino sino lang. Tumango lang ako para hindi nya masabing hindi ako nakikinig sa mga kinukwento nya. Tumigil na rin sya sa pagkwento ng mapansin nyang hindi na ko nakikinig. Actually kanina pa talaga na hindi ako nakikinig, ngayon lang nya napansin. “Iniisip mo si Jericho no?” biglaang tanong nya kaya napalingon agad ako sa kanya at napakunot noo. “Huh?” ha lang kasi anong sasabihin ko, baka kanina pa pala to nakakapansin hindi lang nagsasabi. “Sabi ko, iniisip mo si Jericho!” Sabi nya kaya napabuntong hininga ako bago magsalita. “Ah si Jericho? Hindi, iniisip ko lang kasi kung napatawad ko na nga ba sya o hindi pa. Shempre, alam mo na....” sabi ko. “Patawarin mo na kasi, ang dali dali lang sabihin. Sabihin mo, ‘Jericho, pinapatawad na kita’ ganun. Ang dali dali lang, hirap na hirap para sayo!” Sabi ni Sunday. “Ang dali dali para sayo, pwes sa kin hindi. Ang hirap kaya magpatawad lalo na kung yung tao, nasaktan ng sobra. Kagaya ko, ang sakit kaya non no.” Sabi ko, akala nya iiyak ko hahaha. Hindi na ko iiyak sa gantong usapin. Matagal na kong graduate sa iyakan na yan. “Sus, akala ko ba nakamove-on ka na, e bakit hindi mo pa rin mapatawad. Sabihin mo nga yung totoo, mahal mo pa si Jericho noh?” naka-smirk na tanong ni Sunday. Ang kulit naman ng babaeng to oh. Napa-smirk na rin ako, ano bang isasagot ko? Kung iisipin ko ng maigi, napatawad ko na nga ba sya? Mahal ko pa ba sya o ano? Kasi kung tutuusin kaya ko namang gawin pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko magawa. Feeling ko may kulang pa. Forgiveness? Betrayal? Love? Or ano........ baby? Walang hiya ka self, baby talaga? “Siguro......” tipid na sagot ko. Siguro nalang yung sinabi ko kasi nakalimutan ko yung tanong nya sa dami ko ba namang inisip. Ang naalala ko lang na tanong nya e kung napatawad ko na ba si Jericho. Kaya siguro. Bigla ba namang nagtititili si Sunday sa kung anong sinabi ko. Anong nakakakilig sa salitang SIGURO? “Ahhhhyyieee sabi ko na ba may pag-asa pa si Jericho sayo e. Pakipot ka pa! Siguro daw, baka mahal mo na ulit. Ayieeee Elaine!” Sabi ni Sunday habang binubunggo bunggo yung tagiliran ko. Nangyari dito sa babaeng to? Siguro nga yung sagot ko e. Bat may pa pag-asa pag-asa at pa mahal mahal na nalalaman tong babaeng to? “Baliw anong nangyari sayo, bat may pa ganyan ganyan ka? Siguro nga di ba? Di ka ba nakakaintindi ng salitang siguro?” tanong ko. Bigla ba naman tong tumawa tapos pinaghahampas ako. “Aray, aray! Tumigil ka nga. Nababaliw ka na!” Inda ko sa paghahamapas nya sa kin. Ang sakit sakit kaya, nakakailan na to. “Siguro, it means. May pag-asa nga ayieeee Elaine ahhh. Aminin mo nalang kasi yung totoo. Na mahal mo pa si Jericho, wag ka ng pakipot oyy!” Sabi ni Sunday. Nababaliw na talaga tong babaeng to. Para tumigil na sa kakaano, tatanungin ko na kung ano yung tinanong nya kanina. “Di ba tanong mo kung napatawad ko na si Jericho edi sabi ko ‘Siguro’! E bat kilig na kilig ka dyan?” taas kilay na tanong ko. Makulit sya, taasan na nang kilay to. “Hoyyy Elaine, hindi lang yan yung tanong ko sayo uy. Sabi ko nga kung mahal mo pa si Jericho tapos sabi mo siguro!” Natatawang sagot nya. Napakagat labi ako, oo nga pala. Tinanong nya pala yan, siguro yan yung pagkakaintindi nya sa sinabi kong siguro. Malamang, siguro ang akala nyang sagot ko sa tanong nya kung mahal ko pa si Jericho. Pwes mali sya, ang tinutukoy kong sagot na siguro e sa tanong nya kung napatawad ko na ba si Jericho. Edi siguro..... hindi pa ko sure kaya nga siguro e. ______________ •???????'? ???• Sa tingin ko, na-miss ako ni Elaine. Well, yan yung tingin ko. Pero pakiramdam ko, namiss nya talaga ako. Not just me, pati yung halik ko. Kasi gumanti sya ng halik sa kin e. Naramdaman kong humalik din sya sa kin pabalik kaso sobrang sandali lang nun kasi parang bumalik sa ulirat si Elaine kaya nasampal nya ko. Ang sarap tuloy balikan yung dating kami na palaging sweet sa isa't isa. Totoo ang lahat ng nangyari noon at hindi lang basta plano lang. Totoong minahal ko sya at kahit hindi ko aminin sa sarili ko. Sobra kong namimiss ang dating sya. Iba na kasi ngayon si Elaine, sa tuwing nagkakaharap kami. Ibang Elaine na yung nakikita ko. Kung noon kaya ko pa syang makitang masaya sa harapan ko, ngayon nakikita ko nalang syang masaya kapag wala ako. I miss Elaine, i mean. Miss ko na yung dating Elaine na nakilala ko. Yung Elaine na minahal ko at minahal ako. I miss everything with her. At araw araw kong pinagsisisihan ang araw na niloko ko sya. Sapat na siguro ang five years na paghihintay ko para mapatawad nya ko, di ba? Today is Monday. Ngayong araw din sanang ito, aakyat ako ng ligaw kay Elaine. At alam kong nasa bahay lang nya si Elaine. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Shempre, liligawan ko ulit yung babaeng minamahal ko. At the same time kabado kasi baka bastedin na ko. Pero kahit magkaganon, ayos lang. Di ba nga kapag mahal mo talaga, kahit ipagtabuyan ka. Lalapit at lalapit ka pa rin dahil mahal na mahal mo? Nandito na ko sa tapat ng bahay ni Elaine. “Hayyy, houuu kaya ko to!” Kabadong bulong ko sa sarili ko. Lumakad na ko at dumiretso sa tapat ng pinto ng bahay ni Elaine. “Elaine!” Ang sabi ko habang kumakatok. Hay, kinakabahan talaga ako. Kahit wala akong permisyo ni Elaine na manligaw sa kanya, wala akong pake. Basta liligawan ko pa rin sya. ______________ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD