______________
•Elaine's POV•
Kakasabi ko lang nung isang araw na wag na syang magpapakita sa akin. Ayun, nandito sa tapat ng bahay ko. Nakaabang, at kumakatok pa! Bahala sya sa buhay nya. Wala naman ako sa bahay, at wala muna akong balak umuwi dun hangga't nandyan sya. Bahala syang mamuti ang mata kakaantay. Basta hindi pa ko uuwi.
Saktong sakto tong suot ko ngayon. Nakajacket ako since pakiramdam ko ang lamig ng panahon kahit nakatirik naman yung araw. Ewan, parang nasanay ako sa panahon ng ibang bansa.
Isinuot ko yung hood ng jacket saka nag disguise bilang isang ordinaryong taong hindi sya kilala. Hindi ko naman talaga to dapat makikilala kung di dahil kay Valerie.
Nanginginig pa ko habang naglalakad. Madadaanan ko kasi si Jericho kasi yung pinanggalingan ko, kailangang lagpasan yung bahay ko kaya natatakot akong baka mapansin ni Jericho.
“Elaine, buksan mo yung pinto. Kausapin mo ko please!” Ang sabi ni Jericho habang kumakatok.
Nagpipigil akong tumawa kasi mukha syang t@nga. I mean, sino bang kinakatok nya dyan e wala namang tao jan.
“Kumatok ka lang jan, sige lang!” Natatawang sabi ko sa isipan ko.
Buti nalang talaga at lumabas ako ng bahay. Kung di jusko, kukulitin na naman ako neto. Bumili kasi ako ng pagkain. Ayokong umorder since wala akong tiwala sa mga delivering sites. Nabalitaan ko kasi, talamak dito yung mga nagbebenta ng mga expired na pagkain on order. Para makapag ingat. Ako nalang yung bumili.
“Hihihihi.” Mahinang tawa ko.
Biglang lumingon si Jericho. Paktay, narinig yata yung tawa ko. Pero ang hina lang naman nun ah?
Kumunot noo sya, mag sasalita na sana sya kaso bigla akong tumakbo. Takte bahala ka sa buhay mo.
Tumakbo ako abot ng aking makakaya. Takbo, takbo, takbo, takbo. Takbo hanggang saan dalhin ng mga paa. Hindi naman ako hinahabol pero mabuti nang maging maagap kesa naman maabutan ako.
Tumigil na ako sa pagtakbo at hingal na hingal. Hawak hawak ko yung dibdib ko. Hiningal ako sobra.
“Walang yang Jericho yan!” Bulong ko sa sarili.
??? ?? ???? ???????? Eh pano ako di tatakbo, malay ko bang sundan ako nun.
Hindi ko namamalayan, sa kakatakbo ko. Napunta na pala ko sa bahay ni Sunday.
Hingal na hingal pa ko nung buksan ni Sunday yung pinto.
“Haaaa haaaa haaa kanina pa ko kumakatok, bat ngayon mo lang binuksan?” hingal na tanong ko.
Pinapasok na nya ako at pinainom ng tubig. “Sorry naman hehehe akala ko kung sino e. Saka bat hingal na hingal ka. Tumakbo ka ba sa pahabol ni yorme?” tanong ni Sunday.
Nangunot noo pa ko. “Anong pahabol ni yorme ka jan, baliw ka na?” sabi ko.
“Pahabol tuloy, yung palaro sa bayan ni Yorme! Di ba fiesta ngayon?” tanong ni Sunday.
Ayy, oo nga pala. Nakalimutan ko, siguro dahil sa ilang taon kong nawala rito. Dami kong na-miss na mga pa-gawa sa baranggay. Kaya maging yung fiesta, limot ko na.
“Pupunta ako mamaya sa bayan para makipagdiwang sa fiesta, at para pati makikain hihihi. Pupunta ka ba?” tanong nya ulit.
“Ewan ko e. Baka hindi.” Sagot ko.
Hinawakan nya yung braso ko tapos ginawa nya kong, yung kung pano humahawak yung mga malanding babae sa serye? Yung nakayapos na sila. Ganun, ginanun ako ni Sunday. Akala mo lalaki yung inaano.
“Sus, sumama ka na sa kin. Sabay na tayo mamaya. Wala akong kasama e. Please Elaine.” Paki-usap ni Sunday.
“Ayoko, nakakahiya!” Sabi ko.
“Sumama ka na kasi, kasama naman ako e. Please na, bawi mo na rin since ako yung nagbantay ng bahay mo ng five years.” Nakangiting sabi ni Sunday.
Tumaas yung isa kong kilay. “Ano na naman to, sumbat o paki-usap?” tanong ko.
Ngumiti pa sya sa kin. “Pwedeng both? Hihihihi.” Sabi nya.
Inalis ko sya sa pagkakayapos sa kin. “Bitawan mo na nga ko, nagmumuka kang malanding kontrabidang walang ginawa kung di umepal!” Sarcastic na sabi ko.
“Hehehehe sorry naman. Sumama ka na kasi please, kasama naman ako e. Wala kasi akong kasama.” Naka-smirk na sabi nya.
Naiirita na ko, oo na sige na. Sasama na ko, basta wag ko lang makita kita si Jericho. Ni makasalubong, wag sana. O makita habang buhay.
“Okay fine, sasama na ko. Sa isang kondisyon.....” pambibitin ko.
“Ano yun?” naka-smirk pa rin sya. Akala mo may masamang balak. Kung hindi ko to kilala, malamang iisipin kong may balak sa kin to.
“....... treat mo, wala kasi akong dalang pera. Naubos nung bumili at kumain ako sa labas.” Sabi ko.
“Bat hindi ka umuwi sa bahay mo tas kumuha ka ng pera!” Suhestiyon nya.
“Bawal!” Sagot ko.
“Anong bawal?” tanong nya.
Bumugtong hininga muna ko bago sumagot. “Hindi ako makakauwi.”
Biglang nagpanic si Sunday. Kung ano anong ginawa, ang oa oa naman neto. Akala mo may ambag sa bahay. Hehe meron naman talaga pero napaka oa kasi.
Ito na naman po tayo, yugyugan na naman. Niyugyog nya ko ng niyugyog. Akala mo talaga may ginawang masama sa kanya. Affected na affected, sa bagay. Sya rin kasi yung nagbantay sa bahay ko ng five years.
“Anong nangyari, dinemolish na yung bahay mo? Ano wala ka nang bahay? Ano kinuha na sayo ng papa mo? Ano wala ka nang titirhan? Ano saan ka na titira nyan? Ano, ano?” nagpapanic na mga tanong nya. Puro ka ano-ano.
Napailing iling ako. Napaka oa jusme. “Dami mong sinabi! Saka wala na si papa, gusto mo yatang multuhin?” tanong ko.
“Eh ano ba kasing nangyari, bat bawal kang umuwi?” tanong nya ulit.
“Bawal ako umuwi kasi nasa bahay ko si Jericho. Wala sya sa loob ng bahay, nasa labas. Oo tama, nasa labas sya ng bahay ko sa tapat ng pinto. Nakakaasar nga e. Hinayaan ko nalang na magmukang t@nga kakakatok sa bahay at pagtawag sa kin kahit wala naman ako dun. Bayaan mo syang makakausap ng multo.” Natatawang sagot ko.
Biglang nagtatatawa si Sunday. Pinaghahampas yung lamesa sa harap nya. Tawang-tawa? Kanina ang oa oa kakapanic, ngayon lumala kakatawa. Eh pilit na tawa lang naman yung pinakita ko.
“Naaalibadbaran ako sayo Sunday. Ang oa mo!” Ayoko sanang magsalita. Kaso naiirita na ko sa sobrang kaoa-yan nya.
Tumigil sya sa pagtawa at sa tingin ko naoffend sa sinabi ko. Sorry naman. “Sorry naman aba, ang oa mo kasi e!”
Akala ko iiyak, walang yah. Biglang tumawa. Tumalsik pa yung laway sa bibig ko.
“Pwe, pwe! Bat ka ba tawa ng tawa Sunday? Happiness mo ko?” tanong ko.
“Nakakatawa lang kasi yung itsura mo kanina habang nagkwekwento!” Sagot nya.
Napailing-iling ako. Akala ko naman sa kwento ko natawa, sa itsura ko pala. Ano bang nakakatawa sa itsura ko? Minsan talaga, hindi ko malaman kung kaibigan ko ba to o kaaway. Minsan kasi kaibigan ko, minsan kaaway. Minsan parang nababaliw, minsan akala mo iiyak. Minsan akala mo mamamatay sa kilig. Tapos ang oa oa pa. Ewan ko basta ang alam ko si Sunday to.
“Anong oras ba mamaya?” seryosong tanong ko.
“Mga alas dos pa naman pero mga one palang pumunta na tayo para sure.” Sagot nya.
“Ahhh...” bored na sabi ko.
“Baka pwede ka ng umuwi mamaya, kasi baka nakaalis na si Jericho.” Sabi ni Sunday.
“Ayoko, mamaya nyan. Nandun pa pala. Mga gabi na siguro ako uuwi.” Ang sabi ko.
“San ka manghihiram ng damit?” tanong nya.
Tumingin ako sa kanya at nag-smirk. “Kondisyon rin ba yan?” tanong nya ulit.
Hindi na ko sumagot. Gets na rin naman nya yung ibig sabihin ng pag smirk ko. Imposibleng hindi, hindi naman sya slow.
“Hahaha oo na papahiramin na kita. Basta sasama ka ah, wala ng atrasan to!” Ang sabi ni Sunday kasabay ng pagyakap sa kin.
“Oo, di ako makakaatras kung yung aatrasan ko bangin!” Natatawang sakay ko.
______________
?? ????????
? * ? * ? * ? *
Samu't saring mga tunog ang naririnig ko. May mga tunog ng mga trumpeta, mga tambol, flute at kung ano ano pa. Natural, fiesta eh. Napatakip ako ng tenga ko dahil sa sobrang ingay. Sumabay pa sa ingay ng mga parada yung mga sigawan at hiyawan ng mga tao. Crowded na yung lugar namin dahil sa daming tao. Kaya hindi ko marinig yung mga sinasabi ni Sunday.
“Ano?” tanong ko kasi nga hindi ko marinig si Sunday dahil sa ingay. Inilapit ko na yung tenga ko sa bibig nya pero hindi ko talaga marinig.
“Kako, naiihi na ko!” Sigaw ni Sunday na para sa kin ay isang mahinang boses.
“Ano di ko marinig, pakilakas nga!” Sabi ko, inilalapit ko na yung tenga ko sa bibig nya.
“NAIIHI NA KO, MAIWAN MUNA KITA!” Ang sabi nya kasabay ng pag-alis nya.
Nagtaka ako kung bakit umalis si Sunday. Napalingon lingon pa ko kasi bigla syang nawala, kumurap lang ako. Di kaya iniwan nya na ko? Ay hindi e, hindi ako iiwan ni Sunday sa gantong lugar noh. Kilala ko kaya yung babaeng yun.
Nagkibit balikat nalang ako. Makailang sandali, nagsalita na yung host ng fiesta. May sinabi na kung ano na hindi ko narinig dahil ang ingay. Wala akong naintindihan kahit isang letter. Puro kasi ganto yung mga tao......
“Wahhhhhh....”
“wooohhhh...”
“wehhhhh...”
“wuuhhhhh....”
“Ako na dyan....”
“Ako dun ahh....”
“Basta katabi kita mamaya...”
“Uyy pakain sa inyo!”
“Anong handa nyo? Baka naman pwedeng makikain. Wala kasing handa samin puro itlog!”
Napailing iling nalang ako sa mga naririnig ko. Tapos may mag shota pang nagjumbagan sa harap ko...... Joke lang. Naghalikan lang sa harap ko. Pero hindi na sila nahiya.
“Alina, sasagutin mo na ba ko?” tanong nung lalaking makaporma akala mo sasabak sa rampa ng mga pogi. E di naman pogi.
?????? ?? ??????. Sorry naman.
“Oo sinasagot na kita.” Sagot nung Alina.
Nagyakapan sila tapos biglang naghalikan. Jusmeyo, literal akong napaiwas ng tingin. Pa'no ba naman, makahalik yung lalaki akala mo wala ng bukas. Parang hindi na nga halik yun e. Sinubo yung bibig nung babae. Napalunok lunok ako ng sunod sunod. Hindi ako nagpahalatang nandidiri kasi baka maooffend, pero sa kaloob looban ko. Gusto ko nang masuka.
“Nasaan ka na kasi Sunday, naiistress na ko dito!” Sabi ko sa sarili ko.
Ibinaling ko nalang yung atensyon ko sa nagsasalita na host. Kahit hindi ko naiintindihan yung sinasabi nya.
Nagpalingon lingon ako sa kanan at kaliwa, sa likod at harap ko. Pero wala pa rin si Sunday.
“Yung babaeng nakablack na dress!” Hindi ko inintindi yung sinabi ng host kasi hindi ko naman narinig.
Paulit ulit na nagsasalita yung host. Nabaling yung atensyon ng lahat sa akin. Napakunot noo pa ko kasi bakit sila nakatingin sa kin?
Kumaway yung host at tinuro ako. Tinuro ko naman yung sarili ko at um-oo sya. Nagtataka man ako, pumunta ako kung nasan yung host. Inabot nya sa kin yung mike.
????? ??????? ?? ?? ??????
“Anong masasabi mo?” tanong ng host. Ngayon naririnig ko na kasi malapit na ko sa kanya.
Nag-aalangan akong magsalita. Kasi hindi ko naman alam yung sasabihin ko. Ni hindi ko narinig yung sinabi nung host kanina bago ako tawagin.
Iniangat ko yung mike papunta sa bibig ko. Tumama pa nga sa ngipin ko kasi nanginginig yung kamay ko.
“Nasan ka na ba kasi Sunday, lagot ka sa king bwisita ka!” Ang sabi ko sa isip ko.
“Ahhh, ehhh, uhmm.... ang ma-masasabi ko po ay MERRY CHRISTMAS AT HAPPY NEW YEAR!” Ang nauutal na sabi ko.
Nakaramdam ako ng hiya nang biglang magtawanan ang lahat. Tama naman ah? Merry christmas and a happy new year. Magpapasko na kaya.
Ngumiti lang yung host at umalis na ko. Nakakahiya walang hiya yan.
Dali-dali akong umalis, aalis na ko. Nakakahiya. Nagtinginan pa sila sa kin, yung tingin na akala mo may ginawa kang kahiya-hiya.
“Elaine!” Tawag ni Sunday sa kin. May dala dala tong ice cream na para saming dalawa.
Lagot ka sa king babae ka! Napahiya ako ng wala sa oras T_T
Lumapit ako sa kanya at inabot nya yung ice cream. Kinuha ko yun at dinilaan. Sinabunutan ko sya. Bagay sa kanyang masabunutan, bwiset.
“Aray! Bat mo naman ako sinabunutan?” tanong nya.
“Gaga napahiya ako, san ka ba kasi magpupupunta?” tanong ko sa kanya pabalik.
“Di ba sabi ko iihi lang ako? Di mo ba narinig?” sabi nya habang dumidila ng ice cream.
“Sa tingin mo magtatanong ako kung narinig ko? Malamang hindi, kaya nga tinatanong kita e. Napahiya ako, ayoko na uuwi na talaga ako!” Nakabusangot na sabi ko.
“Hahahaha bat ka naman napahiya?” natatawang tanong nya.
“Yung host kasi, pinapunta ako sa harap tapos tinanong kung ano ba raw masasabi ko edi sabi ko MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR. Tapos bigla silang nagtawanan. Edi napahiya ako. Magpapasko naman ah? Bat sila natawa!!” Sabi ko.
Biglang natawa si Sunday dahil sa sinabi ko. Yaan na naman, ka oayan na naman.
“Gaga ka talaga Elaine. Fiesta ngayon. Oo magpapasko pero fiesta yung ngayon!” Napatampal ako sa noo at napasukpay suklay ng buhok gamit ang kamay ko.
Oo nga pala. Napaka ano ko jusme. Nilantakan ko nalang yung ice cream na binigay ni Sunday ng mabawasan yung pagkakairita ko. Namnam, ang sarap naman nitong ice cream. Banana flavor. Favorite ko pa naman yung banana, tamang tama.
“Sunday san mo ba nabili tong ice cream na banana flavor, bili mo pa nga ko!” Ang sabi ko habang dinidilaan yung ice cream.
Umiling sya kaya napakunot noo ako. “Hindi ko to binili!” Sabi nya.
Dumidila pa rin ako sa ice cream. “Anong di mo binili? San ba to galing?” tanong ko.
Kinain na muna nya yung cone bago sumagot. May tira pang ice cream sa bibig, akala mo batang dugyot. Dinilaan nya yung daliri nyang may ice cream. Napangiwi ako, kadiri naman to.
“Dun oh sa kanya!” Turo nya sa isang direksyon. Kaya napalingon ako habang dinidilaan yung ice cream. Bigla akong kinabahan, jusko po. Si Jericho! Sa kanya galing yung ice cream?
Agad kong kinalabit si Sunday saka hinila para umalis na. Hindi sya nagpahila. Biglang lumingon sa direksyon namin di Jericho at mukang lalapit pa! Napatakip ako ng mukha ko gamit yung dalawa kong kamay. Shempre para di makita. Pero paepal talaga tong si Sunday e. Sinabi ba naman.....
“Elaine, hanap ka ni Jericho oh!” Sabay turo sa kin na katabi nya lang. Kaya ng iangat ko yung mukha ko, pagmumukha kagad ni Jericho yung nakita ko. Titig na titig sa kin. Papatay ba, papatay?
Matagal na titigan yung nangyari. Sya naka-smirk habang nakatitig sa kin tapos ako nakabusangot naman. Ano titigan nalang? Kukupas yung ganda ko! Matutunaw na ko katulad ng ice cream na kinakain ko.
Binunggo ako ni Sunday mula sa tagiliran ko. Tapos bigla akong binulungan. Bulong na sa tingin ko narinig naman ni Jericho. Pano, hindi na bulong yun sa daldal ba naman ni Sunday. “Oyyy Elaine, baka ayain kang makipag date.”
Inirapan ko lang sya. “Elaine, aayain sana kita. Pwede ka ba?” tanong ni Jericho. Nakangiti pa rin to.
Hindi na sana ako sasagot kaso epal talaga tong si Sunday. Nakakaasar! Sabi ba naman, “......oo Jericho pwede sya. Hihihi, Elaine ayos lang na mag-isa ako. Basta kasama mo si Jericho. Sige na sumama ka na. Maiiwan nalang ako mag-isa dito.”
Napailing iling ako. Pano, ayoko ngang makita tong si Jericho. Iniwasan ko nga tong lalaking to kanina tapos makikita at makakasama ko pa? Baliw ba tong si Sunday?
“Sige na sumama ka na, makikikain muna ko. Kita nalang tayo mamaya dito bago mag alos singko!” Ang sabi ni Sunday kasabay ng pag-iwan nya sa ming dalawa ni Jericho.
Napangiwi ako, hindi dahil sa kilig. Kundi sa kaba at nerbyos. Napakamot ako ng ulo ko ng akbayan ako ni Jericho. Bwiset na araw naman na to oh! Naglakad kami papunta sa isang pwesto ng kainan. Gusto ko mang tumakbo, hindi ko magawa dahil hindi ko na kabisado yung lugar. Dito naman ako lumaki e, pero dahil limang taon akong nawala. Malamang sa malamang, madami nang pinagbago dito.
Bumitiw sa pagkaka-akbay sa kin si Jericho at inalalayan akong umupo katabi nya. Naiilang man, nagpasalamat ako. Shempre para sa generousity at pagka-gentleman nya. Pero hindi ibig sabihin nun, okey na kami.
Tumawag sya ng waiter at um-order ng pagkain. Sakto kako, nagugutom na rin ako. Pagkatapos nyang um-order. Umalis na yung waiter. Nagulat pa nga ko ng hawakan nya yung kamay ko e. Inalis ko yun pero naagapan nyang makuha ulit. Kaya wala akong choice kundi magpahawak nalang.
“Ang ganda mo pala ngayon sa suot mong black dress!” Nakangiting sabi nya.
Ay jusme, kung alam mo lang kung anong kahihiyan yung nangyari dahil dito. Hindi ko sya pinansin at nagkunwaring walang narinig.
“Elaine?” banggit nya sa pangalan ko. Bakit ba?
“Oh?” mahinang ‘oh’ lang yun pero sa tingin ko malakas para sa kanya.
“Mahal mo pa ba ko?” tanong nya. Palagi yan yung tinatanong nya kaya palagi akong naiilang e. Ayoko kasing um-oo pero hindi rin naman ako maka-hindi kasi hindi ko alam kung bakit.
Umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Kaya nngtanong ulit sya.
“Do you love me, again?”
Masuyo nitong inaangat yung mukha ko kasi nakayuko ako at ayoko nga kasing tingnan sya pero mapilit. Napatitig tuloy ako sa kanya. Yung mga mata nya, para bang nagsasabing PATAWAD. Sa totoo lang kaya ko naman syang patawarin ang akin lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Siguro dahil nasaktan ako ng sobra.
Inilapit nya yung mukha nya sa kin. At sa tingin ko hahalikan nya ko. Ayyy hahalikan? Bigla kong iniiwas yung mukha ko. Akala nya makakaisa sya ulit pwes hindi!
Iniiwas ko na yung mukha ko, pero ibinalik nya ulit sa dati. Unti unti nyang inilalapit yung mukha nya sa kin.
??? ???? ????????? ??????. ??? ???? ???????? ???????.
Paulit ulit na nagsasalita yung isip ko. Pero hindi ko maigalaw yung ulo ko kaya anong gagawin ko, malapit na nya kong mahalikan. Wala na kong nagawa nung halikan nya ko.
Teka, parang na-miss ko yung labi nya. Medyo napapangiti ako at gumanti ng halik. Pero bigla kong naalalang wala palang kami kaya nasampal ko sya.
*Pak* isang malakas na sampal na kayang kaya kong ibigay na nagawa ko na.
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
❃
______________