P A R T S E V E N

1321 Words
______________ •Elaine's POV• Nagising akong may mabigat na nakadagan sa akin. Humikab muna ako bago ko buksan ang mga mata ko. *Bogshhh* Isang malakas na hampas ang ibinigay ko kay Jericho. Nakadagan sya sa akin. Kaya pala ang bigat bigat e. Bumangon sya sa pagkakahiga sa akin at ininda yung ginawa ko. “Bwis3t ka! Di ba sabi ko sayo wag kang gagawa ng kung ano?” inis na sabi ko. “Aray, sorry naman. Humiga lang naman. Inaantok rin kasi ako kanina e.” Sabi nya. Pinaningkitan ko sya ng mata. “Bakit, sinabi ko bang pumunta ka dito? Kung inaantok ka rin pala, sana hindi ka na nag abalang gumising ng NAPAKA AGA para lang istorbuhin yung pagtulog ko. Hindi yung humihiga ka sa akin! At saka, panong.... pano ka napunta dito sa pwesto ko? May ginawa kang kung ano sa akin no? B@stos b@stos!” Pinaghahampas ko. Iniiwasan nya yung mga hampas ko. “Kalma Elaine. Dito na ako inabutan ng antok e. Sorry naman.” “Kung inaantok ka sana jan ka nalang natulog hindi yung nakahiga ka sa akin. Ang sakit sakit ng katawan ko kung alam mo lan....” natigilan ako ng may maisip akong kung ano. “hayyyyyyyyyy b@stos ka Jericho walang hiya ka. May ginawa kang kung ano sa akin no? Sabihin mo yung totoo, sabihin mo. Kakatayin kita ng buhay walang hiya ka! Dinumihan mo yung puri ko. May ginawa ka sa kin habang tulog ako. Oo tama, may ginawa ka sa kin walang hiya ka!” Ang sabi ko kasabay ng paghampas at pambubugbog ko sa kanya. Pilit nyang iniiwasan yun at nagpipigil na tumawa. “Ahh tatawa ka? So may ginawa ka nga? Walang hiya ka! G@go!” Mura ko sa kanya. “Hahahaha umagang umaga almusal ko kagad, mura mo. Hinalikan lang naman kita habang tulog ka, yun lang. Kung ano ano na yung naiisip mo. Siguro yan yung gusto mong mangyari no? Pwede ko namang gawin.” Pang iinis pa nya. Hinalikan ako habang tulog, di ba chansing yun? Napakunot noo ako at nakangiting lumapit sa kanya. Akala mo wala akong gagawin sayo! “Gusto mo ng baby?” tanong nya. “Uhmmmm....” pambibitin ko. Hinawakan ko yung balikat nya pagkatapos ay inipit ko sa braso ko yung leeg nya. “Ahhh, E-Elaine. Nasasakal ako!” Mangiyak ngiyak na sabi nya. “Gusto mo yatang mamatay ng maaga?” tanong ko. Pinaghahampas nya yung braso ko. “E-Elaine!” Binitawan ko na sya at tatawa-tawang bumalik sa pwesto ko. Uubo-ubo pa sya ng magsalita. “Bakit mo naman ginawa yun. Gusto mo na bang mamatay ang lalaking magmamahal sayo?” tanong nya. May pahawak hawak pa sya sa dibdib nya. Akala mo naman mamamatay na! “Black eye, gusto mo?” tanong ko. Napalunok lunok sya ng sunod-sunod. “Jo-joki joki lang. Eto naman si Elaine hindi mabiro hehehehe. Bakit mo ba kasi ako ginanon?” tanong nya. “Nananching ka habang tulog ako!” Sagot ko. “Halik lang naman e. Chanding ba yun?” sabi nya. “Hindi ba chansing yun? Anong gusto mo. Wala lang sa kin yung ginawa mo? Ang sakit sakit kaya! Akala mo hindi ako nasaktan sa ginawa mo. Pwes nagkakamali ka! Akala ko minahal mo ko yun pala ginamit at inuto mo lang ako. Ano masaya ka na? Tapos kapag tinanggap kita ulit sa buhay ko. Sasaktan mo na naman ako!” Sabi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Kumunot sya ng noo at taka akong tiningnan. “Okey ka lang ba Elaine?” tanong nya. “Wow, tinatanong mo ko kung okey lang ako? Pwes hindi! Sa tingin mo okey ako? Hindi, hindi ako okey. Pano ako magiging okey kung sobrang sakit pa rin ng nangyari? Bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay ko. Nakalimot na ko tapos bigla kang magpapakita sa akin? Dun ka na sa kapatid ko, dun ka na kay Valerie. Wala na akong pakielam sayo!” Paninigaw ko. Akala mo mauuto mo na naman ako ah. Pwes hindi! Hindi mo na ko maloloko! Biglang tumulo ang luha ko kasabay ng pagkalabit sa kin ni Jericho. Bumalik ako sa ulirat ko. “Bakit ka umiiyak Elaine? Oo na hahaha chansing na yun sige na wag ka ng umiyak.” Natatawang sabi ni Jericho. Hindi na ko sumagot at nanahimik nalang. Napakagat labi ako, akala ko totoo na yung nasa isipan ko. Nananaginip lang siguro ako ng gising. Tumayo na ako at pinagpag ang dumi sa damit ko. “Sa susunod, wag mo nang gagawin yun.” Sabi ko kasabay ng pagpunta ko sa banyo. Binasa ko ang mukha ko at tumigin sa salamin. ????? ?? ????? ???? ?????? ??. ????? ????? ?? ?? ???????? ??. ???? ????? ?? ???? ?????????. ????? ?? ????! Pinagsasampal ko yung mukha ko. “Abrubrubrubrubrubrubrubru! Nababaliw ka na Elaine!” Bumugtong hininga muna ako bago lumabas ng banyo. “Kalma!” Tinulak ko palabas ng bahay si Jericho. ????? ?? ???? ?????????! “Ayoko nang makita ka pa. Please, ayoko na makita pa yung pagmumukha mo!” Sabi ko. “Elaine, ano bang problema mo?” takang tanong nya. “Problema ko, ikaw! Ginugulo mo na naman yung buhay ko! Ayoko na ahh, ayoko nang umiyak, ayoko nang masaktan!” Sabi ko. “Hindi na kita sasaktan Elaine, please pangako. Hindi na kita paiiyakin. Mahal na mahal kita, Elaine.” Sabi nya. “Ang pangako, palaging napapako. Kaya ayokong maniwala sa salitang PANGAKO. Umalis ka na! Ayoko nang makita ka pa!” Ang sabi ko kasabay ng pagsara ko ng pinto. Napasandal ako sa pinto at napakagat labi. ????????? ??? ??, ????. Kinakalabog nya yung pinto kaya hindi ako umalis sa harap nito. Nang ilang sandali, tumigil na sya. Sumilip ako sa butas. Nakita kong papaalis na sya. Nakasalubong pa nga ni Sunday. Tiyak ko magtatanong na naman yun kung anong nangyari. Hayy, pagod na akong sumagot sa mga tanong nya. Kumatok na nga si Sunday. “Elaine, papasukin mo ko. Yuhuuu si Sunday to, umalis na si Jericho!” Sabi ni Sunday. Alam ko. Ayan na, magtatanong na yan! Pagkabukas ko ng pinto. Sinalubong agad ako ni Sunday ng yakap, kaya napayakap din ako. Pinapasok ko na sya. Umupo kaming dalawa sa sofa. “Nakasalubong ko pala si Jericho. Galing ba yun dito?” tanong ni Sunday. Napairap muna ko bago sumagot. “Oo!” Bored na sabi ko. Bigla syang nagtititili dahil sa sinagot ko. Oo lang kinilig na agad? Hinawakan nya yung balikat ko at niyugyog ako. “Anong ginawa nyo? Ayieee gumawa na ba kayo ng baby? Ninang ako ah!” Nakangiting sabi ni Sunday. Niyugyog ko rin sya. Akala nya, makayugyog akala mo mamamatay na! “G@ga anong baby, anong ninang? Baliw ka na?” inis na tanong ko. Bigla syang tumigil sa pagtili. “Eh anong ginawa nya dito?” “Ayun, binulabog ang napakasarap kong pagtulog ng napaka aga! Pumunta dito tapos nananching pa habang tulog ako!” Nakabusangot na sabi ko. Bigla na namang tumili si Sunday. “Ahhhhhhhhhyyyieeeee so may nangyari nga! Ayyyyyyyyyy...” niyuyugyog na naman nya ako. “........ edi may pag-asa na ulit si Jericho? Ayyyyieeeee Elaine ahh, marupok ka pa rin pala!” Natatawang sabi ni Sunday. Napailing ako sa sinabi nya. “Chinansingan lang ako, may pag-asa na agad?” tanong ko. “Oh bakit, ayaw mo nun. Kayo na ulit ni Jericho?” sabi nya. “Akala mo kasi madaling magpatawad e. Hindi pa naman nawawala yung sakit na naramdaman ko nung saktan nya ako. Masakit pa rin e, parang nagsisisi ako.” Sabi ko. Tumigil sa pagtawa si Sunday at niyakap ako. “Ayos lang yan Elaine. May lalaking nakalaan para sayo. Malay mo rin si Jericho!” Sabi nya. “Hindi ko alam e.” Ang sabi ko, sabay ngiwi at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD