Chapter 3

1244 Words
Luisa Narating namin ang plaza kung saan maglalaro ng basketball ang team nila Dexter. Naabutan naming nagpa practice muna ang mga ito bago ang laro. Nakita ni Louie si Stephanie kaya lumapit agad ito sa kanyang nobya. Ako naman ay naupo lang sa katabing silya malapit kay Stephanie at hinahanap ng mata ko si Dexter. Ngunit wala ito. Nalungkot ako ng malamang wala ito sa laro. Nagsimula na ang laro, nasa 1st quarter na ang laro ngunit wala pa rin si Dexter. “Hindi na ata pupunta yun” bulong ko sa sarili. Tinignan ko si Stephanie na panay ang sigaw kada makaka shoot ang boyfriend nitong si Louie. Kinalabit ko ito, napalingon naman ito sa akin. “Labas lang ako sandali” paalam ko dito. “Saan ka pupunta?” Tanong naman nito. “Bibili lang ako tubig at snacks natin” sagot ko naman. “Sige” tumango ito saka ko ito iniwan. Naglalakad ako palabas ng court ng may bigla na lang dumunggol sa akin. Napatalsik ako ng ilang hakbang hanggang sa maramdamang nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Tinignan ko kung sino ang bumunggo sa akin. “Sorry miss” mga kabataan na magiliw ding nanonood ng laro. “Dahan dahan naman” pagsusungit ko. Wala na nga si Dexter, may bumubunggo pa sa akin. “Ok ka lang?” Nagulat pa ako nang may magsalita. ‘s**t, kay Dexter ba ako bumunggo?’ Napatingin ako dito na ngayon ay nakaalalay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. “Hala, na fall ako..sayo. I mean, sayo ba ako tumama?” Napataas ang isang kilay nito na tila nagtatanong ngunit sa huli sumagot din ito. “Yes” agad akong umayos ng tayo at nagsorry. “No, it’s ok. Sige alis na ako. Ingat ka” saka ito tumakbo papunta sa team niya. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makita kong hinubad nito ang suot na tshirt at sinuot ang dala nitong jersey. Impit akong napatili nang masilayan kong muli ang ganda ng katawan nito. Tumuloy ako sa paglabas at bumili ng tubig. Sinigurado ko nang dalawa ang bibilin kong tubig baka wala itong dala at mapainom na naman sa mineral water ko. Agad akong bumalik sa upuan at nakita ko si Dexter na naguumpisa nang maglaro. Tinabihan ko si Stephanie na agad din naman akong siniko. “Ayan na yung hinihintay mo” sabi nito na pangiti ngiti pa. Sinagot ko lang din ito ng isang ngiti. Nagpatuloy kami sa panonood, panay na rin ang sigaw ko kada makikitang nakaka shoot si Dexter. Kung minsan ay napapahawak pa ako sa braso ni Stephanie saka kami sabay na tumatalon talon. “I love you number 15” may sumigaw na babae sa kabilang side ng court at agad ko itong sinamaan ng tingin. Hindi naman niya ako makikita dahil malayo ang pagitan naming dalawa. Number 15 kasi ang nasa jersey ni Dexter kaya ganun ang naging reaksyon ko. Tinignan ko si Dexter, hindi naman nito pinansin. “Go Dexter” sigaw ko nang magawi malapit sa aming kinauupuan ang team ni Dexter, napatingin ito sa gawi ko saka kumindat. Parang mahihimatay ako sa ginawa nito kaya naman napahawak ako sa braso ni Stephanie na agad din naman akong tinawanan. Nasa pangalawang layer kami ng upuan malapit sa mga ka team mate din nila Dexter at Louie. Natapos ang 2nd quarter. Nagbalikan ang mga manlalaro sa kanya kanyang team. Lumapit si Louie sa pwesto ni Stephanie, kasama si Dexter na ngayon ay nagpupunas lang ng pawis. Kinuha ni Louie ang tubig na binigay ni Stephanie, ako naman ay nagaatubiling ibigay ang tubig na binili ko para kay Dexter ngunit sa huli naglakas pa rin ako ng loob na iabot ito sa kanya. “Dex, tubig gusto mo?” Tanong ko dito. “No thanks, meron akong dala. Thank you” tila ba nagsisi pa ako bakit ko pa ito inalok. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa ginawa nito. Naupo na lamang ako sa pwesto ko at pinilit iwaksi ang munting sama ng loob ko. Natapos ang laro, nanalo ang grupo nila Dexter. Nagkanya kanya na ng uwian ang mga manonood at mga manlalaro. Nang balingan ako ni Stephanie. “Sama ka? May pakain daw sa bahay ng coach nila Louie, sasama ako. Tara?” Aya nito. “Hindi na siguro, mauna na ako. Gabi na rin eh baka hinahanap na ako sa amin” sagot ko naman. “Eh pano ka? Ano sasakyan mo?” Tanong nito. “Commute na lang ako, di naman ito kalayuan. Ok lang ako, sige na, enjoy kayo” pagtataboy ko dito saka ngumiti. Nagpaalam na rin ito at sumama sa kanyang boyfriend. Naglakad ako palabas ng plaza at naglalakad lakad hanggang makarating sa sakayan. Naririnig kong may bumubusina na sasakyan sa likuran ko, agad naman akong gumilid baka mahagip ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may humintong blue na pick up sa gilid ko. “Sabay kana” sabi ng driver. Tinignan ko ito at nakita kong si Dexter pala ang sumisigaw sa loob ng sasakyan. “Ahh hindi na, ok lang ako. Malapit naman na ko sa sakayan. Thanks” pinilit kong iiwas ang tingin ko dahil sa munting sama ng loob na nabuo dito sa dibdib ko nang tanggihan nito ang inaalok kong tubig. Umalis naman ito. “Di man lang namilit. Kainis” bulong ko sa sarili, ngunit nagulat ako ng huminto ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada saka ito lumabas. Napahinto ako at nakitang papalapit ito sa gawi ko. “Tara na, gabi na oh. Mamaya kung mapaano kapa, tignan mo yang suot mo napakaiksi pa. Halika na, ihahatid na kita” pilit nito habang tumingin pa sa bandang legs ko. Nabalutan ako ng hiya sa sinabi nya ngunit mas nanaig ang kilig nang maisip kong nagaalala ito para sa akin. “Hindi na, maglalakad na lang ako” sagot ko naman saka ako dumiretso ng lakad. Sumunod naman ito. “Kung ayaw mong sumabay, sasabayan na lang kita ng lakad hanggang makarating ka sa inyo” sagot nito. “Bahala ka” hindi ko naman sineryoso ang sinabi nito at isa pa nang makarating ito sa kanyang sasakyan, huminto ito doon kaya nagpatuloy lang ako sa pag lakad. ngunit ng makalagpas na ako sa sasakyan, humahangos itong sumunod pabalik sa akin. “Hoy, seryoso kaba?” Baling ko dito. “Nakapatay na sasakyan, ni lock ko lang din. Tara?” Aya nito. Natigilan ako at saka napahinto. “Hala seryoso nga siya” tinignan lang ako nito. Nakonsensya naman ako na maiiwan ang sasakyan niya doon sa gilid ng kalsada baka mapagtripan ng kung sino. Tinignan ko ito na tila ba naghihintay. “Ok fine” saka ako lumakad patungo sa sasakyan nito. Nauna ito sa akin at dumiretso sa passenger side, binuksan nito ang pintuan ng passenger side at hinintay akong makapasok. Nang makaupo ako, agad din itong tumakbo papunta sa driver side. Inumpisahan niyang buksan ang sasakyan saka ako nilingon. Natigilan ako ng bigla itong lumapit sa akin. Tila ba natigilan din ako ng paghinga ng dumikit ito malapit sa dibdib ko habang may iniaabot sa gilid. Nagkaroon din ako ng pagkakataong maamoy ito. ‘Bat ganun, ang bango kahit pawisan?’ Sabi ng isip ko. Nang biglang may tumunog sa kaliwang bahagi ko. Ikinabit pala nito ang seatbelt sa akin. “Ready?” Tanong nito. “Ok” sagot ko naman. Saka kami umalis sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD