Jacintha's
Twelve weeks prior...
"Benign Prostrate Hyperplasia"
Iyon ang diagnosis ng doctor sa Daddy sa taonang check-up nito. Panay kasi itong nagrereklamo na masakit ang likod niya at na dahil daw iyon sa katigsan ng ulo ko. Matatanda nga naman.
But that aside, nag-aalala ako sa Daddy kahit na madalas hindi kami nagkakaintindihan. Ako lang ang tanging pamilya nito sa Pilipinas dahil nasa Japan na ang Kuya na nais nang kunin kaming dalawa pero ayoko, habang si Daddy naman ay ayaw rin sa di malamang dahilan, kung pwede nga lang daw pag-untugin ang mga ulo naming dalawa ginawa na ng Kuya.
"Dad, kailangan mo ng surgery".
Nasa salas kami ng bahay, iyong tinitirhan namin mula bata pa alang kami, noong buhay pa ang Mommy.
"Ayoko, malakas pa ako sa kalabaw!", kinuha nito ang isang can ng beer na nasa mesa sa harap niya.
"Diba sinabihan ka nang wag na mag-iinom!", hinablot ko ang maliit na bote ng beer. Wala itong nagawa.
"Kung makikipagmatigasan lang din naman kayo sa akin ay samahan mo nalang ang Kuya sa Japan"
"Bakit? Pagod ka na sa akin? Di naman ako nagpapa-alaga sayo ah", tumayo ito at naglakad palayo sa akin.
"Iyon na nga, anak mo ako pero ayaw mong alagaan kita. Wala na ang Mommy para mag-alaga sa atin"
Hindi ito naharap at naglakad na papunta sa itaas ng bahay. Tinawag ko nalang ang mga katulong, pati na rin ang personal nurse nito at pinaalahanan sa mga bawal nitong kainin at gawin dahil nga sa dignosis niya. Gusto ko sanang kasama niya ako pero alam ko kung gagawin ko yon ay baka magkagulo lng kaming dalawa.
Bago ako umalis ay nagpunta ako sa kwarto nito, kinatok ang pinto, di na inaasahang pagbuksan niya pero nagsalita pa rin ako.
"Please Dad, have the surgery...", hindi ito nasagot sa akin pero nagpatuloy pa rin ako.
"Iyong nga gamot mo inumin mo sa tamang oras, bawal ang mga bawal, walang exceptions doon, at wag mong pahirapan si Nurse Joy pati na mga katulong sa bahay. Please naman Dad, kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin. Aalis na ako, babalik ako next week. Pag-isipan mo ang operasyon, Dad"
Nagtagal pa ako ng ilang minuto pero hindi na talaga ito nasagot kaya bumaba na ako ng tuluyan, isinuot nag scarf kong panangga sa init ng panahon saka mabigat ang damdaming nagtungo sa cafe' ko.
Ini-park ko na ang kotse ko ng makitang tila may dinudumog sa loob. Isang lalaki, kita ko kasi ang ulo nito, matangkad kesa sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. May hinala ako kung sino pero di ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa akin. Naglakad na ako papasok at tiningnan kung ano ang komusyon.
Napangiti nalang akong tinitingnan itong di maguhit ang mukha, may hawak pa itong malaking box.
"Ikaw iyong model ng sasakyan di ba?"
"Ang gwapo mo naman po sa personal"
"Kuya, may girlfriend ka na?"
Sunod sunod ang mga tanong nito sa lalaki ng mapatingin ito sa deriksyon ko.
"Miss Akari!", bati sa akin ni Kerin. Tinakbo nito ang distansya namin. Hindi na nagpumilit pang lumapit ang mga babaeng anduon at nagbubulungan, may naismid pa nga sa akin pero hinayan ko nalang.
"Anong ginagawa mo rito, Kerin? Di ka man lang nag-abiso, naghintay ka ba?", ginaya ko ito papunta sa maliit kong office sa cafe'.
"I bought you your favorite strawberries"
Isang box iyon ng mga strawberries, ang alam ko kay galing ang mga ito sa Japan. Kerin is a good kid, nakilala ko ito dahil kay Jacintha. His way of showing respect ay ang mga gifts nito sa akin gaya ng strawberries.
"Salamat Kerin, you never miss. This will lighten my mood for sure", tinggal ko ang suot kong scarf, ilang mga hibla ng buhok ko ang dumikit sa aking pisngi.
"Something bothering you, Miss Kari?", tanong nito habang inaalis ang mga buhok na nakadikit sa aking mukha.
I look at him, iyong tinging nakatingala dahil sa tangkad nito. He looks worried, like a typical younger brother. Pinakitaan ko nalang ito ng isang malawak na ngiti sabay gulo sa buhok nito.
"Agh, you always do that!", may halong inis sa boses nito. "I'm no child, Miss Kari".
Kinuha nito ang kamay ko at ikinulong sa mga hawak niya. "Di nga ako nakikipagbiruan"
"Oo na, pasensya na, bitiwan mo na ako"
"No, I think its--"
*beep *beep *beep
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang nag-ring ang phone nito. Disgustong kinuha nito iyon at sinagot. Nakikipag-usap ito kung sa kung sino.
"I need to go..."
"Oh okay. Thank you again for the strawberries"
"I'll be back", nangiti ito sa akin, canine like smile.
"Sure"
~~
Closing time na, nakaupo akong nakatunghay sa bintana ng cafe' habang nakatingin sa malayo, nag-iisip habang kumakain ng strawberries.
Ang tatamis ng strawberries na dala ni Kerin pero kahit anong gawin kong pagkain nito ay di pa rin mawala sa isip ko ang Daddy, at ang posibilidad na lumala ang sakit nito dahil sa ayaw niyang magpa-opera.
If only I could think of something, just to convince him.
Something... that will persuade him.
"Ma'am Kari, alis na ho kami", natigil sa ere ang pagsubo ko ng strawberry.
Pinasadahan ko ang mga ito ng tingin. Si Dahlia na halos kasing edad ko lang ay naka mini dress, hulma ang bilugan nitong katawan sa magandang paraan at hindi naman gaano ka revealing habang si Sean naman ay naka wig na pink at ang suot ay iyong tinatawag nilang 'Hubadera ng Taon' ganun ang pormahan nito sa suot nito ngayong mini skirt na sa isang tuwad lang nito ay kita na ang kuyukot niya at see through na pang-itaas na may bra sa ilalim na u***g lang nito ang tinatakpan at isang malaking boots; lahat ay kulay pink.
Kung hindi matanggal ng pagkain ng strawberries ang anxiety ko, might as well subukan ang sinasabi nilang magsaya para makalimot.
"Clubbing? Isama niyo ako"
"Ho?", nagdudang tanong ni Dahlia.
"Ay bet!", may eksaheradang taas ng kamay naman ni Sean.
Dalawang magkaibang ekspresyon ang naging reaksyon ng dalawa sa sinabi ko. Nilapitan ako ni Sean at inikotan, pinisili pa nito ang umbok ng puwetan at dibdib ko, napaigtad naman ako.
"Malaman naman pala ang mga iyan Ma'am. Wag niyong itago. Magpalit kayo",
"May mga damit ka ho bang, pwede sa clubbing Ma'am Kari?", tanong ni Dahlia.
"Wala, pero maraming inawan diyan sa akin ang kaibigan ko"
Binuksan ko ang locker at naghanglingkat saka nakita ang paper bag ni Jacintha, kinuha ko iyon at di naman ako nabigo dahil may mga damit na anduon. Nakasunod na sina, Dahlia at Sean. Binigay ko iyon sa huli, pumili saka nito nilabas ang isang
Knee length mini dress na satin blue green ang kulay, two shoulder strap at v-neckline.
Ibinigay nito sa akin iyon at nagpalit na nga ako at ng matapos ay humarap sa kanila.
"Ayos ba?"
"Shuta beks ang kinis ni Maam!", hinampas hampas ni Dahlia si Sean. Na nakangangang nakatingin lang sa akin. Sinarado iyon ni Dahlia.
"Iyan iyon? Tinatago niyo? Shuta naman magmumukha pa tayong galisin dito, Dahlia"
"Wag ka mag-alala, Sean. May sweldo ka naman may papatol rin sayo", birong wika ni Dahlia sabay hinila ni Sean ang buhok nito.
Nagkatawanan nalang kami, di ko akalain ma-aapreciate nito kung anong meron ako, di ko naman kasi nakikita ang sariling kagandahan, katamtaman lang.
Para matapos na ay pumasok ako sa banyo, tiningnan ko ang sarili sa salamin, litaw ang maputi kong balat sa kulay na suot. Naglagay lang ako ng light na make up pero ngayon, pulang lipstick ang gamit ko at hinayaang makita ang mga freckles ko. Sinuklay ko lang ng aking kamay ang hanggang bewang kong kulot na buhok saka isinuot ang silver heels.
"Ready!", mahinang sabi ko sa sarili bilang motibasyon. Ito ang unang pagkakataong papasok ako ng club sana walang mangyaring di kanais-nais.
~~
"Miss Kari, kanina pa iyan nakatingin sayo oh"
"Sino?"
"Iyon oh",
Tinuro ni Sean ang isang lalaking maitsura naman at matangkad.
"Lapitan mo, sumayaw kayo, malay mo mukhang malaki ang daladala", hinampas ito ni Dahlia at nagtawanan ang dalawa.
"Ayoko mukhang manyak"
"Nasa club tayo, Miss Kari, ano ba namang makipag-sayaw ka lang, subukan baka okay naman", puno ni Dahlia.
"Sige na", tulak pa sa akin.
"Kukuha lang kami ng bagong drinks"
Nagpumilit ang mga ito kaya susubukan ko nalang wala naman sigurong mawawala at tama si Dahlia, nasa club kami. Gusto mong makalimot di ba, Akari? Heto na iyon.
Malalim akong napabuntong-hininga at muling tiningnan ang lalaki at lalapitan na sana ito ng biglang may sumigaw kung saan.
"May mga pulis na paparating! Mga pulis!"
Bigla ay natigil ang kasiyahan ng mga nasa loob at napalitan iyon ng takot. Bakit? Nagsimula nang magtakbuhan ang mga ito. s**t! May illegal na nangyayari sa bar na ito. Talaga naman Sean!
Nagmamadaling nagsilabasan ang mga tao, hindi ako makatayo ng deritso dahil binabangga na ako ng mga ito, kahit ang paa ko ay naapakan na nila, may nahila ang aking buhok.
"Dahlia! Sean!", tawag ko sa mga ito na ang huli kong kita ay nasa kabilang dako ng club.
"Ma'am Kari! Dito!", tugon ng mga ito, tinuturo nito ang pintuan sa likod nila. Sinubukan kong humakbang pero lumayo lang akong lalo hanggang sa hindi ko na ito makita dahil sa patuloy akong nilalayo doon ng mga tao.
Bumibilis ang t***k ng puso ko, tanging mga sigawan ang aking naririnig at wala na akong naging lakas upang sumigaw pa dahil alam kong di narin naman ako nito makikita.
Rinig ko na ang alingaw-ngaw ng sasakyan ng mga pulis. Makukulong na ba ako? O mauuna pa akong mamatay sa loob bago mahuli ng mga ito.
Umiikot na ang aking paningin, nakita kong palapit na sa amin ang ilang mga pulis. Nahihilo na ako, wala na akong magagawa, makukulong na ako, makukulong ako!
Ngunit bago pa man mapunta sa aking direksyon ang mga pulis ay napasigaw na ako ng wala sa oras
"Aaah!", may kung sino ang humila sa aking palapulsuhan at halos kaladkarin na ako paalis doon dahilan para matapilok ako sa suot kong heels at nang makapasok sa isang kwarto doon ay idinikit ako sa pintuan sabay lock nito.
"What the actual f**k, it really is you", ani ng isang baritoning boses na pamilyar sa akin ngunit di ko mabigyang pangalan kong kanino.
Nanlalabo pa ang aking paningin kaya ng aking idilat ng tuluyan ang aking mga mata ay nakita ko ang nakaarkong ulo nito, nakakunot nitong kilay at mga matang napapalibutan ng pilikmatang kay itim, tila tumitingkad iyon.
"Do-Donovan?", napakalapit nito, sa lapit ay amoy ko ang pabango nitong kasing tapang ng presensya niya.
"What are you even doing here, and looking like that?", hinawakan pa nito ang laylayan ng suot kong mini dress, napaigtad ako at hinawi ang kamay niya.
"Bitawan mo ako!", itinulak ko itoat sinubukang buksan ang pinto at umalis ngunit bigong napaupo lang ako sa sahig. Natapilok nga pala ako, di ko mailakad ng maayos ang aking paa.
Paano na ito?!
"Kailangan kong bumalik, sina Dahlia at Sean!"
"If you're referring to a plus size girl and a gay guy in all pink, ay kanina pa silang nakalabas. They will not come for you unless they want themselves to be arrested kaya kung ako sayo. Come with me"
"How do you know?", niyakap ko ang sarili.
"I was eyeing you, kanina pa. I didn't expect you to be here. We planned a raid cause this club is illegal",
"Akala ko ba, security company ka 'bat ka nakikialam sa mga club"
He smirked at me, "Just because...", tumigil ito at pinagapang ang tingin sa aking dibdib, na agad kong tinakpan. Napangisi ito, halatang nangloloko.
"I do not need to explain anything to you, kaya kung ayaw mong makulong ng wala sa oras at malaman ito ni Jacintha...", napa-asian sit ito kaya nagpantay kami, inabot nito sa akin ang kanyang kamay.
"Come with me"
We were eyeing one another at ang mga tingin ko ay nasa kamay na ngayon nito ng makarinig kami ng pagpihit ng pintuan. Sa takot ko ay mabilis na idinantay ko ang aking palad sa mga kamay niya.
Inalalayan ako nito patayo, sabay daklot sa akin at binuhat ako na parang sako ng bigas sa kanyang balikat.
"Ano ito, Donovan, 'bat---"
"Quiet down, sa likod tayo ng kwartong ito dadaan"
Wala na akong ibang makita kundi ang likod nito kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa ginagawa nito at di naman nagtagal ay nakita ang sariling nasa loob ng isang tinted ng sasakyan sa passenger seat sa tabi nito.
This can't be happening to me! Naiiyak ako!
"San ka nakatira, Kari?"
May kung ano itong sinasabi ngunit hindi iyon remirehistro dahil sa ingay na rinig ko pa rin dito at sa nangyari kanina na hindi mawala sa isip ko.
Ito ang dahilan kung bakit introvert ako, at ayaw na ayaw ko ng maraming tao dahil sa mga posibilidad ng gaya nito. Napakabuti kong tao, wala akong tax na di nababayaran, hindi ko it deserve!
"You're definitely out of it. I'll just take you to my place"
Pinatakbo na nito ang dalang sasakyan at nang nasa byahe na kami ay binuksan ko ang bintana at nakahinga din ako ng maluwag.
Ilang minuto rin ay tumigil na ito, binuksan ang pintuan ng sasakyan at kinarga na naman ako na parang sako ng bigas at inupo sa kanyang coach.
"Stay here, I'll grab some ice for your feet"
Umalis na ito at naiwan na akong mag-isa, nakatulala pa rin sa kawalan ng maalala ko na naman kung ano ang tinatakasan ko. Ang sakit ng Dad at ang pagpupumilit sa akin ng Kuya na umalis ng bansa, at kung lumala pa ay pagpapyansa sa sarili upang makalabas ng presinto!
Tumulo nalang bigla ang aking mga luha niyakap ang sarili at humagulgol.
Iyak; Akari, iiyak mong lahat kahit ngayon lang, iyak!
Patuloy pa rin ako ng makita ang mga aparador ng iba't-ibang uri ng alak na tila collector's item. Pilit ako natayo at kumuha ng isa doon, iyong pinakamalapad, iyong mukhang nanapak ng lalamunan.
Pagkakuha kong iyon ay agad kong binuksan at walang anong tinungga, napaiyak ako dahil ang hapdi ng tiyan ko, ang pait!
Napaupo ako sa two stair step saka muling tinungga ang laman.
"Ang pait! Aaah!", hagulgol ko ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy lang ako hanggang sa makarinig ako ng mga paang papalapit sa akin.
"Akari!", tawag nito sa akin. Tiningala ko si Donovan at iniangat ang inumin na malapit nang mangalahati.
"'bat nabili ka nito ang pait! Aaah!"
Pumantay ito sa akin at pinahid ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Mainit ang mga kamay nito.
"Stop crying...", may pag-alala sa boses nito, natigil naman ako at napapout.
"Red nose, wet eyes and face so red even your freckles, I never knew you had freckle, anyway, you're drunk, Miss!", wika nito sa halatang sitwasyon ko.
"Oo, lasing na ako kaya gagawin ko ang gusto ko. Putangina niyong lahat!" , hinablot ko ang buhok nito, "Argh! The f**k!", daing nito sabay gawad ko rito ng isang walang pilit at mapusok na halik.