CHAPTER 71 “ANO bang problema? Bakit kailangang ikaw rin sumunod doon ngayon agad? Bakit hindi rin makakauwi agad si Kai?” Pangungulit ko kay Kendrick, hindi binibitiwan ang sleeve ng polo nito. Kahapon lang ‘yong tawag mula kay Kaijin at ngayong araw ay nagpapaalam na kaagad si Kendrick na kailangan niyang umalis at sumunod doon. Ang mas nakakabahala, hindi siya mag-isang pupunta roon, nakikita ko ngayon ang iba pang mga tauhan na naiwan dito ni Kaijin, isasama niya kasama ang mas maraming box ng mga armas at bala. Gaya na lang ng parehong nakita ko bago umalis si Kai... at hindi ko na ulit nakausap pa nang maayos o nakauwi man lang sa sinabing petsa. “Hindi ko alam, baka nagmumuni-muni sa ibang bansa, alam mo naman doon masarap ang simoy ng hangi—aray! Eicine!” Nangingiwing h

