CHAPTER 70 “PAHINTAY na lang po si General, may phone call lang na inuna. Lalapitan na lang ulit kita rito mamaya, Ma’am, kapag pwede nang magtungo sa opisina niya.” Tinanguan ko iyong staff na babae bago ito tumalikod na at dumiretso sa front desk. Narito ako ngayon sa main building ng mga pulisya, tingin ko ay 8 PM na nang makarating kami rito ni Kendrick. Bago kasi kami umalis kanina sa sementeryo ay nilapitan ako noong nagpakilalang General Baruelo para sabihing kailangan niya akong makausap ngayon din sa opisina niya. Lumapit agad si Kendrick noong nakita kami at ang initial reaction niya ay magsungit! Hindi siya pumayag at cold na kinausap iyong heneral, ako ang nahiya sa inakto niya kaya naman humingi ako ng pasensya at nagsabing pupunta ako ngayon. Nag-usap na kami ni Ken sa ko

