BOOK 2: CHAPTER 5 “HUH?! S-SAANG ospital?!” Daig pa ang naging maputlang labanos ang kulay ng mukha ni Eicine nang makatanggap ng tawag patungkol kay Kaijin. Nanlambot ang mga tuhod niya sa kaba at ang puso ay dinaig pa ang sumali sa karera dahil sa bilis ng pagtibok nito ngayon dulot ng kaba at matinding takot. “T-Teka, sandali, hindi ba ‘to joke? Hindi ba ‘to prank o paandar na naman ni Kaijin? Hindi kasi ‘to nakakatuwa, Miss! Ngayon pa lang sabihin niyo na sa ‘kin!” “Ma’am, bawal po ang mantrip o magbiro ng ganito kaseryosong bagay sa trabaho namin. Bilang medical staff po tinawagan ko po kayo dahil kailangan po ng relative o malapit na pamilya ni Mr. Kaijin Valencia rito po sa ospital na nabanggit ko kanina lang.” Halos mablangko ang isipan ni Eicine nang marinig ang kumpirmasyon

