BOOK 2 CHAPTER 6

1823 Words

BOOK 2: CHAPTER 6 “EICINE, kumain ka muna kaya? Ilang oras ka na rito eh. Inabot ka na ng gabi kaiiyak...” paalala ni Kendrick nang makabalik na ito sa loob ng silid kung saan naka-confine ngayon ang wala pa ring malay na katawan ni Kaijin. Naabutan niyang naroon pa rin sa pwesto, sa tabi ni Kai, si Eicine gaya ng kung saan niya ito iniwan kanina lamang bago lumabas ng ospital para bumili ng makakain. Nag-aalala rin siya sa kakambal pero mas nag-aalala siya kay Eicine na sa tingin niya ay parang kaunti na lang mahihimatay na sa pag-iyak at sa lungkot. “Okay lang ako. Mauna ka na, Ken.” Ani Eicine saka tumayo ito mula sa pagkakaupo maghapon sa tabi ng kinahihigaan ni Kaijin at nameywang na dumungaw sa bintana. “Huwag ka na mag-alala kay Kaijin,” pagpapagaan ni Kendrick sa loob ng kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD