bc

My Husband's Enemy's Baby In My Womb [SPG]

book_age16+
1.7K
FOLLOW
17.2K
READ
dark
escape while being pregnant
single mother
heir/heiress
drama
city
disappearance
assistant
like
intro-logo
Blurb

Pinakasalan ni Andrea ang lalaking minahal niya nang buong puso, ngunit kailanman ay hindi siya minahal pabalik. Para sa angkan ng asawa, tungkulin niyang magbigay ng tagapagmana ngunit sa halip na sipingan siya, Artificial Insemination lamang ang itinuring na solusyon ng esposo. At nang sa wakas ay magbunga ang proseso, isang nakakayanig na lihim ang nabunyag: ang semilyang itinanim sa kanya ay hindi galing sa asawa! Ang mas masakit pa, ang lahat ay bahagi pala ng masinsinang plano ng sariling esposo at ng kabit nitong mismo’y kapatid niya, isang desperadong tangka upang tuluyan siyang alisin sa buhay nito.

Kahit mahal niya ang asawa, hindi na kinaya ni Andrea ang kasamaan at walang-habas na pagyurak nito sa kanyang pagkatao. Sa sakit at galit, nagpasya siyang gumanti kung kaya’t isang gabi, nagpakalasing siya sa isang bar upang takasan ang kirot. Ang tanging plano niya ay umuwi sa matalik na kaibigan… ngunit dala ng kalasingan, mali ang pintong kanyang binuksan.

Sa halip na sa condo ng kaibigan, napunta siya sa penthouse ng kilalang bilyonaryo—si McKenzie Yapchingco. Matapos ang isang gabing pagkalimot at paglalasing, tinakasan ni Andrea ang bilyonaryong nakaniig niya, iniisip na hindi na sila muling magkikita. Ngunit nagkamali siya. Fate had other plans.

Ang hindi niya alam, ang lalaking tinakasan niya ay siya ring tunay na may-ari ng semilyang nagbigay sa kanya ng anak. Now she accidentally carries not just the billionaire’s heir but also the fire of a forbidden night she can’t forget.

chap-preview
Free preview
1. Cheating Husband
Chapter 1-Cheating Husband Pagpasok ni Andrea sa pribadong ospital ay agad siyang sinalubong ng malamig na hanging galing sa centralized aircon. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng sapatos ng mga nurse na maingat na naglalakad sa makintab na marmol na sahig. Ang reception area ay elegante, puno ng malalaking painting at mamahaling upuan kung saan nakaupo ang iilang pasyente’t bantay. Habang kabadong naglalakad patungo sa opisina ng kanyang sadyang doktor, hindi niya inaasahan ang biglang pagbangga ng isang matandang babae na tila nagmamadali. Payat ito, baluktot ang likod, at ang mukha ay halos natatakpan ng puting belo. Ngunit kahit bahagya lang nasilayan ni Andrea ang mga mata nito, agad niyang napansin ang matinding takot at pagkataranta sa titig ng matanda. “Pasensya na po.” Mabilis na sabi ni Andrea sabay abot sa siko nito. Ngunit hindi pa siya nakakaatras ay bigla siyang sinunggaban ng matanda sa kamay. Malamig ang palad, nanginginig, at mahigpit ang pagkakahawak, halos parang may takot na baka siya makatakas. “Hija…” garalgal na wika ng matanda, pinipisil ang pulso ni Andrea na para bang sinusukat ang kanyang t***k. “May dinadala ka…” Napatigil si Andrea, natigilan. “Ano pong ibig niyong—” Hindi siya pinatapos. Dumilat nang buo ang mga mata ng matanda, at sa malamlam nitong tinig ay bumulong… “Natupad na ang minimithi mo… sa loob ng mahigit dalawang taon.” Parang natunaw ang lahat ng ingay ng paligid. Tanging ang salitang iyon lamang ang umalingawngaw sa pandinig ni Andrea. Parang pinanawan ng lakas si Andrea. Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa mahigit dalawang taon ay wala siyang ibang minimithi kundi ang maging matagumpay ang Artificial Insemination na siyang sinusubukang paraan ni Andrea para magkaroon ng anak, na ayon na rin sa mariing kagustuhan ng kanyang asawang si Cedric Sytengco. Andrea is married to Cedric for almost three years. For nearly three years of marriage, Andrea lived beside Cedric like a stranger in her own home. He never touched her, never once claimed her as his wife. To him, she was nothing more than an unwelcome shadow. She is someone he hated but could not cast away. For without Andrea, Cedric would lose the inheritance his grandfather had bound to their union. Ngunit hindi pa man nakababawi ng sagot si Andrea, mariin pang pinisil ng matanda ang kanyang pulso, saka bumulong muli. “Buntis ka, hija.” Namilog ang kanyang mga mata, halos hindi makahinga. Ngunit bago siya makapagsalita, lumapit pa ang mukha ng matanda, halos dumikit sa kanya ang malamig nitong hininga. Mababa at nanginginig ang tinig nang magsalita muli. “Ngunit mag-ingat ka, hija… may kapalit ang bawat tuwa. May panganib na nakasunod sa’yo… hindi ko masabi kung kailan, o saan…” Mabilis na kumislot ang matanda, saka tuluyang bumitaw. Halos nagtatakbo itong lumabas ng ospital, iniwan si Andrea na nakatayo roon, nanginginig at hawak-hawak pa ang pulso niyang tila nagmarka ang pagkakahawak. Buntis ka… natupad na ang minimithi mo… ngunit may panganib na nakasunod sa’yo. Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Andrea ang tinig ng matandang babae habang nakaupo siya ngayon sa loob ng consultation room ng kanyang OB-gynecologist. Malinis at maaliwalas ang silid. May diffuser na nagpapalaganap ng banayad na amoy ng lavender, at malambot ang ilaw na kumakapaligid sa puting dingding. Ngunit sa kabila ng payapang kapaligiran, hindi niya magawang makaramdam ng kapanatagan. Parang muli niyang nararamdaman ang malamig na palad ng matanda, ang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang pulso, at ang tinig na parang sumpa. Napahawak si Andrea sa kanyang tiyan, banayad, maingat na para bang kaya na niyang maramdaman ang munting buhay na nagsisimula roon. Mabilis ang t***k ng puso niya. Mixed emotions ang dumaluyong sa kanya. May halong kaba, pananabik, at hindi maipaliwanag na pag-asa. Halos tatlong taon siyang paulit-ulit na sumubok sa artificial insemination, halos tatlong taon ng pagdudugo ng puso sa bawat negatibong resulta. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung ipinagkakait ba talaga sa kanya ang pagkakataong magkaanak. Hanggang sa sinabi ng misteryosong matanda ang mga katagang buntis siya. At sa likod ng isip niya, may piraso ng pag-asa na biglang sumulpot—na kung siya’y buntis na, kung sa wakas ay mabibigyan na niya ang asawa ng matagal nitong inaasam na tagapagmana, baka… baka sakaling magbago na rin ito. Baka maging mabuti na sa kanya si Cedric. Baka sa wakas, may dahilan na ito para mahalin siya. “Andrea,” wika ng doktor, binasag ang katahimikan. “Nandito na ang resulta ng pregnancy test mo.” Huminga siya nang malalim, pinilit ang sarili na kumapit sa pag-asa. Baka nga tama ang matanda, bulong niya sa sarili. Baka sa wakas, pagkatapos ng lahat, buntis na ako. Ngunit dahan-dahang umiling ang doktor at sa mahinahong tinig ay inanunsiyo… “I know you’ve gone through several insemination cycles with so much hope each time, Andrea. I want to inform you that, after reviewing the latest results, the pregnancy test is still negative.” Parang biglang gumuho ang mundo ni Andrea. Nanlamig ang kanyang mga kamay, at ang t***k ng kanyang puso’y bumigat. Ilang taon na siyang paulit-ulit na sumubok sa artificial insemination, at sa bawat pagkabigo’y nag-iiwan iyon ng sugat na lalong lumalalim. Akala niya ngayong araw ay iba na, na sa wakas ay matutupad na ang matagal niyang minimithi dahil iba ang kutob niya sa nagdaang mga araw. Clarinda Lim, the female doctor set the chart down gently on the desk, her eyes soft with practiced concern as she looked at Andrea. “Andrea,” wika nito sa kalmadong tinig, “maybe it’s best if you take a short break from artificial insemination. Your body and mind need to rest. Too much stress will only make it harder. Baka sa susunod maging successful na… malay natin.” Andrea swallowed hard, blinking back the sting of tears. She nodded faintly, trying to absorb the advice. The words sounded kind, almost reassuring. But the doctor’s lips curved into a faint, private smile. As she rose to leave, she pressed her palm over her abdomen, a gesture both instinctive and desperate. Hindi pa man niya natatanggap ang katotohanan, ramdam niya na may isang bagay na hindi maipaliwanag na nangyayari sa loob niya. At sa likod ng lahat ng sinabi ng doktor, ang boses ng matanda’y muling nagbalik, malamig at nakakakilabot. Andrea trusted her doctor with all her heart dahil bukod sa doktor niya ito ay pinsan din ito ng kanyang esposo at kaibigan ito ng half-sister niyang si Cerys. She believed in Clarinda’s every scientific explanation, every medical process, every painstaking attempt she had endured. Pero sa pagkakataong iyon, mas nanaig ang kakaibang takot at pag-asa na iniwan ng matandang babae. What if she was right? bulong ng kanyang isip. What if I really am pregnant? Naupo si Andrea sa mahabang upuan sa pasilyo, hawak ang cellphone na nanginginig sa kanyang palad. Mabigat ang dibdib niya habang nag-ring ang tawag. Nang sagutin ng kanyang asawa, halos pabulong ang boses niya. “Cedric… negative pa rin ang resulta ng AI pregnancy.” Sandali lang ang katahimikan sa kabilang linya bago sumabog ang tinig nito—puno ng galit at pagkadismaya. “Negatibo na naman? Tatlong taon na tayong sumusubok, Andrea! Ano bang problema sa’yo? Wala ka ba talagang magiging silbi sa buhay ko? Inutil ka talaga kahit kailan! I’m sick and tired of waiting for you to give me an heir so that Angkong will finally hand me the company. But you? You’re worthless as a wife!” Napapikit si Andrea, pilit nilulunok ang sakit na parang tinik sa lalamunan. Pinakuyom niya ang palad para pigilan ang panginginig ng kamay. “Pasensya na, Cedric… puwede pa naman nating ulitin.” Malumanay at halos nanginginig ang boses ni Andrea habang sinusubukang buuin ang lakas ng loob. “At kung susubukan nating magkaanak nang natural… mas malaki ang posibilidad. Let’s try, Cedric.” “Natural? Andrea… don’t fool your damn self. I don’t want to touch you, I don’t want to look at you, I don’t even want you in the same room. You’re nothing but a parasite, something Angkong dragged into my life and forced me to marry just to poison everything I’ve worked for. You’re a curse, Andrea… a burden I wish I could erase!” Andrea froze, her fingers tightening around the phone until her knuckles turned white. Every word from her husband was a dagger to her chest, each syllable carving deeper into the fragile hope she had clung to for years. The world seemed to tilt and fall around her, leaving only the echo of his cruelty ringing in her ears. “Do it! Repeat the artificial insemination, and make damn sure it works this time! I’ve had enough of you, Andrea. I can’t stand looking at you, being near you, wasting another second on you. The moment you give me a child… that’s the moment you disappear from my life for good. Finally, I’ll be free of your worthless existence!” Hindi namalayan ni Andrea kung paano siya nakalabas ng ospital. Pag-upo niya sa sasakyan, dapat ay diretso siyang uuwi, ngunit tila may humihila sa kanya. Makalipas ang ilang minuto, huminto siya sa harap ng isang maternity clinic na hindi niya kailanman nabisita. Napatingin siya sa signage, nagtataka kung bakit siya dinala roon. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang nakaukit pa rin sa isip niya ang bulong ng matanda. At bago pa siya makaalis, bumukas ang pinto ng klinika. Isang nurse ang lumabas at diretso siyang tinitigan, parang inaasahan na ang kanyang pagdating. Pagpasok ni Andrea sa loob ng maternity clinic, halos wala siyang inaksayang oras. Isang batang doktor ang agad na nagsagawa ng test, mabilis, direkta, walang paligoy-ligoy. Ilang minuto lang ang lumipas nang ibalik sa kanya ang papel at masayang ibinalita: “The test confirms you are indeed pregnant. Congratulations, Ma’am.” For a moment, Andrea froze, unable to process the words. She blinked rapidly, as if her mind was trying to catch up with what her ears had just heard. “P–pregnant?” she whispered, her voice trembling. “Yes,” the doctor nodded with certainty. “Congratulations again, Ma’am Andrea. It’s truly positive.” Gulo ang isip ni Andrea nang lumabas siya ng klinika. Bakit magkaiba ang resulta? Sa ospital na palagi niyang pinupuntahan—negatibo. Dito, sa lugar na ngayon lang niya nadiskubre—positibo. Hawak-hawak ang tiyan, naglalakad siyang parang lutang, habang sa utak niya’y paulit-ulit na nagbabanggaan ang dalawang sagot na magkasalungat. Lito man ang isip ni Andrea, pinili niyang maging masaya. Hawak-hawak ang tiyan, huminga siya nang malalim. Positive… I’m really pregnant. Malakas ang kabog ng puso ni Andrea nang tumawag siya agad kay Cedric ngunit walang sagot. Napalunok siya at naisipang puntahan na lang ang opisina nito upang personal na sabihin sa esposo na buntis siya. Naghahanap si Andrea ng bakanteng slot sa parking ng Sytengco InterTrade Corp. building nang may eksenang tumama sa kanyang paningin. Dalawang taong magkahinang ang labi sa isang sulok. Saglit lang siyang natigilan pero nang makilala niya ang broad na likod ng lalaki, parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Dumagundong ang dibdib niya. Walang iba kundi si Cedric Sytengco—ang asawa niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang masilip ang mukha ng kahalikan nitong babae na may maikling buhok. Pamilyar. Masyadong pamilyar. Pero hindi, imposible… Si Cerys ba iyon na half-sister niya o namamalikmata lamang siya. Si Cerys kasi ay sa pagkakaalam niya, ay nasa ibang bansa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook