4. Hot Maria Clara Dancing

1746 Words
Chapter 4−Hot Maria Clara Dancing “Mama, Andheng, I would like you to meet Cedric, my boyfriend and my baby’s Daddy,” mabilis at buong galak na anunsyo ni Cerys. It was like lightning cracking in Andrea’s ears… sharp, merciless, each word striking fast and unrelenting. The sentences came like bullets, firing in succession, piercing straight through Andrea before she even had the chance to defend herself. Ang asawa niya, ipina-kilala bilang nobyo ng kapatid. At ang kapatid niya, masayang ibinalitang magiging ina ng batang bunga ng kataksilan ng dalawa. Para siyang nahulog sa isang bangungot na hindi niya alam kung paano gigisingan. Andrea chose to neglect Cerys excitement at ipinako ang tingin sa esposo. “Cedric, why are you here?” maingat na tanong ni Andrea, halos pabulong, ngunit sapat para magdulot ng bigat sa hangin. Gustong-gusto na ni Andrea na sumabog. Nasa lalamunan na niya ang mga salita—matatalim, mabibigat, at tiyak na magpapayanig sa hapag na iyon. Nais niyang isigaw ang katotohanan, na ang lalaking ipinagmamalaki ng kapatid niya ay hindi lang basta sinong lalaki kundi asawa niya. “Cerys, anak…” mahinang tawag ng kanilang ina, nanginginig ang tinig, halos pabulong. “Anak, sabihin mong nagbibiro ka lang…” Napatigil si Cerys, napakunot ang noo, napataas ang kilay sa biglang pagseryoso ng ina. “Mama, mukha ba akong nagbibiro? Tsk.” Umiling si Orlena, mahigpit ang kapit sa braso ni Andrea. “Hindi maaaring maging nobyo at maging ama ng ipinagbubuntis mo si Cedric… dahil alam mong asawa siya ng Ate Andrea mo. Cerys, sabihin mong biro lamang ang lahat ng ito.” “Ano ba, Ma…” malambing pero matalim ang tinig nito. “Matagal ko nang alam. 'Di ba nga, dumali pa ako sa kasal nila? Oo, asawa siya ni Andheng. Pero ano ngayon? Pinili ko pa rin siya… at pinili rin niya ako. Mahal ako ni Cedric? Hindi ba, babe?” Napaiwas ng tingin si Andrea nang maharot na hinaplos ni Cerys ang dibdib ng kanyang asawa. It was another thing he never allowed her to do, even though she is his wife. At biglang naalala ni Andrea ang nakita niyang kaharutang babae ni Cedric sa parking lot na akala niyang namamalikmata lamang siya pero ngayon ay napatunayan niyang tama siya, si Cerys iyon. Kailan pa may relasiyon ang dalawa? “Come on, people! Stop judging me with that look,” irap ni Cerys. “At Mama, naalala mo ‘yong palagi kong kinukuwento saiyo na boyfriend ko noong nasa New York pa ako nagtatrabaho. It was him... It was Cedric.” Cerys fixed Andrea with a cutting gaze. “Andheng, listen. You need to know—Cedric and I were already together long before he was forced to marry you. Nagalit ako sa kanya noong malaman kong pumayag siya sa utos ng Angkong niya na magpakasal at mas lalo akong nagalit nang malaman kong ikaw pa ang babaeng napili para maging bride niya. I tried to stay away pero ano ang magagawa ko, your husband doesn't want to let me go.” Walang masabi si Andrea sa pagiging kampante ng kapatid. Muling bumaling si Cerys sa kanilang ina. “At kung tutuusin ay ako ang inagawan ni Andheng, Ma kaya huwag mong sasabihin na kakampihan mo pa rin siya.” “Pero, Cerys, anak… kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, mali ito. Legal na mag-asawa si Andheng at Cedric. At ikaw, Cedric, matagal ko namang alam na kung sinu-sinong babae ang kinakarelasiyon mo pero sana hindi mo nagawang mamangka sa dalawang ilog lalo’t sa kanilang magkapatid. Nabuntis mo pa si, Cerys!” “Mama…” Mabilis na kumilos si Andrea nang makitang nahihirapan ito sa paghinga at labis na nanghina. Agad na inalalayan ni Andrea ang ina. Mahigpit ang kapit niya sa balikat nito habang marahang itinulak paupo sa silya. Halos bumigay na ang tuhod ni Orlena, parang anumang oras ay matutumba. “I don’t need to defend myself or my relationship with Cerys. I’ve made my choice, Orlena. I chose her over Andrea. I chose Cerys… and our baby,” Cedric declared. Marahas na napalingon si Andrea sa asawa. The pain surged through her, beyond comparison—indescribable, unbearable. Nothing could ever measure up to the agony of hearing her own husband declare that he had chosen another woman. Her throat tightened, and Andrea wanted to weep, but she fought to hold the tears back. “And Andrea, don’t make this difficult. Just cooperate in the annulment process and sign the papers when I tell you to.” Nasayang ang pinagpagurang ihanda ni Orlena dahil magkasama nang umalis si Cedric at Cerys. Nang marinig ng ina ang mga inanunsiyo ng dalawa, tuluyang bumigay ang luha nito. Napahawak siya sa dibdib, nanginginig, habang unti-unting dumaloy ang mga patak ng luha sa pisngi. “Bakit… bakit naman ganito?” humahagulgol nitong bulong, ang tinig ay basag at puno ng awa habang nakatingin kay Andrea—ang anak na walang imik, pilit na pinipigilan ang sariling pagkawasak. “Andrea…” nanginginig ang boses ng kanyang ina. “Anak, paano mo kakayanin ito?” Andrea couldn’t find her voice. She swallowed all the pain, covering her trembling soul with a fragile façade of strength. She wanted to explain, she wanted to scream but in front of her mother, she chose restraint. She chose to hide her pain. WALA NA NGA sa isip ni Andrea na umuwi sa tahanan nila ni Cedric. Sa halip, sa gabing iyon ay tinahak niya ang landas patungo sa club kung saan nagtatrabaho ang nag-iisa at tanging kaibigan niyang si Prindi—ang kaisa-isang sandalan na natitira sa buhay niya bukod sa ina. "Lintik talaga iyang half-sister mo. Haliparot ngang tunay! Kahit noong una palang ay kakaiba na ang kutob ko sa babaeng ‘yan. Kaya pala ang sama ng timpal noong kasal mo ay dahil gusto pala no’n na siya ang nasa posisyon mo. Edi hayaan mon a, magsama ang dalawang ahas na iyon. Tutal mas bagay sila!" inis na litanya ni Prindi matapos ibahagi ni Andrea ang kinakaharap na problema. “Mag-inom tayo, Andheng. Ako ang taya ngayong gabi. Sagot kita, bespren.” Andrea didn’t decline when her best friend urged them to drink and have fun. After all, that was exactly why she came. Hindi na niya alintana ang posibleng kapalit ng gagawin niya sa gabing iyon sa kasalukuyang kalagayan niya. Sa mga oras na iyon, ang tanging hangad ni Andrea ay mapawi ang bigat ng dibdib at makalimot kahit panandalian lamang. “CALL Zie again, Zhen. Make sure he’ll be here. Iinggitin ko siya rito sa bagong possessed kong strip club.” Ang Black Dahlia Longue na kinaroroonan ng magkakaibigang Ran, Rui at Zhen ay ang bagong Debt-for-Equity Acquisition na negosyo ni Ran Liu na nahatak nito mula sa orihinal na may-ari niyon na malaki ang pagkakautang sa negosyanteng si Ran Liu. Sa katunayan, pawang mga makapangyarihang negosyante ang tatlong nasa VIP table na iyon. Bagama’t may dugong Tsino ang bawat isa, sa Pilipinas nila itinayo ang sentro ng kanilang mga negosyo. And the fourth member of their prominent group is McKenzie Yapchingco, the wealthiest among them all—and the fiercest in the corporate world. At si McKenzie ang pinag-uusapan ng tatlo sa mga sandaling iyon. “I’ve already sent him three messages, dude, but let’s not expect he’ll actually come. You know Zie—he thinks coming to places like this is just a waste of time.” Zhen smirked. Kabisado na nga ng tatlo ang ugali ng kanilang kaibigan na wala sa pagtitipon nilang iyon. “And, Zhen, huwag kang magkakamali nag awing apat ang text message mo kay Zie kundi lagot ka sa taong ‘yon.” Nakangising paalala ni Rui. McKenzie had a strict rule: if a message wasn’t business-related, the sender would be blocked without hesitation. Sa kanyang personal contact man o sa buong opisina nito. Three messages—that was the maximum he allowed. “Pero seryoso, huwag na nating pilitin sa ganitong lugar si Zie. Kung noon nga’ng hindi pa naco-coma si Gwen ay hirap natin siyang maisama sa pagka-clubbing, ngayon pa kayang problemado ‘yon sa fiancée niyang nakaratay sa ospital.” Rui stated. The other two exchanged a glance and nodded, silently acknowledging what Rui had been said. But one of them tsked. It was Ran. “Pero sayang at wala si Zie. There should’ve been four of us enjoying tonight. Just look around, brothers. I don’t regret a single bit taking over this strip club. Look at the girls—they’re all smoking hot.” Lahat sila ay nakatutok sa entablado, kung saan ang mga stripper ay isa-isa ring lumalabas, bawat galaw ay sinasalamin ng ilaw at musika. Ang bawat isa sa kanila ay maganda, may kakaibang alindog na nakakahatak sa mata ng mga nanonood, habang ang kanilang mga bihis ay kumikislap sa bawat hakbang at indak. Napasipol si Rui na siyang pinakamatinik sa babae. Ang singkit na mga mata nito ay pilit pinapalaki na tila nais lumuwa habang nakatuon sa babaeng parang may sariling mundong nagsasayaw sa ibaba ng entablado. She wasn’t very tall, but she was stunningly beautiful. Her presence striking even from a distance. She moved on the dance floor like a fiery, hot, modern-day Maria Clara. “That girl is the best,” hiyaw ni Rui at itinuro ang pinapanood na babae na hindi naman kasama sa mga performer sa entablado pero ang siyang nakakuha ng atensiyon ng magkakaibigan. “I want that woman tonight.” Ran shook his head. “Hindi stripper ‘yang pinagdidiskitahan mo, Gongsun. Kaibigan ‘yan ng tomboy na bouncer dito sa club. I think that girl is off-limit.” At tinapik nito si Rui. “Sayang. s**t! Type ko pa naman sana.” Palatak ni Rui. At habang nasa kalagitnaan ng masayang inuman at panonood sa mga stripper, gulantang ang tatlo nang biglang may dumating na nagprentyeng umupo sa bakanteng espasyo sa VIP table nila. “What the hell, dude!” “You came, motherfúcker!” Si McKenzie Yapchingco na natural na walang bisyong ngumiti ay kaagad na tumungga ng alak. Akmang magpupunyagi na sana ang tatlo sa pagdating ni McKenzie nang bigla itong magsalita. His face and voice were naturally serious, the kind of gravitas that came effortlessly to a man. And he told all of them, “I’m still in on our bet. And the three of you better prepare your stakes, because I’ll make sure I win.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD