3. Her Husband's Mistress

2133 Words
Chapter 3-Her Husband's Mistress “Hindi ko semilya ang itinurok sa’yo. Anak ng ibang lalaki ang dinadala mo, Andrea!” Bumagsak ang mundo ni Andrea. She is carrying another man’s baby! “Hindi… hindi totoo ’yan!” bulalas niya, ngunit nanginginig ang kanyang katawan, ramdam ang bigat ng katotohanan. Ang puso niya ay parang pinilas, ang bawat t***k ay humahampas ng masakit. “Paano mo nagawa ’to sa’kin?” halos pasigaw niyang tanong, luhaang nakatitig sa asawa. “Paano mo nagawa sa’kin ’to, Cedric? Bakit? Wala naman akong ginawang masama sa’yo! Minahal lang kita… pinagkatiwalaan… sinunod ang lahat ng gusto mo. Ang tanging pangarap ko lang ay mabigyan ka ng anak. Pero bakit ganito ang isinukli mo? Paano mo nagawa sa’kin ’to?” Sukdulan ang sakit. Para siyang binigyan ng sugat na hindi na maghihilom. Ang tiwala, ang pagmamahal niya sa asawa… lahat winasak sa isang iglap. Matalim ang tingin ni Cedric, malamig ang boses na parang kutsilyong tumatarak pa lalo sa lumalalim na sugat ni Andrea sa kanyang pagkatao. “Tumigil ka na, Andrea. Huwag kang gagawa ng eskandalo dito sa opisina ko! Get out of my office. Now! And do yourself a favor. Go home and pack your things, because from this moment on, I refuse to live under the same roof with you. We’ll file for annulment immediately. I want you out of my life for good!” Nanlulumong lumabas si Andrea sa opisina ng asawa. Mabigat ang bawat hakbang, parang hinihigop ng sahig ang lakas niya. Hindi niya alam kung saan tutungo, hindi niya alam kung paano tatakbuhan ang bigat ng nararamdaman. She was betrayed. Niloko. Pinagtabuyan. Matinding kabiguan ang gumugupo sa kanya, parang tinanggalan siya ng dahilan para mabuhay. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Dahan-dahan niyang idinantay ang palad sa kanyang tiyan—sa batang walang kasalanan na nagiging ugat ng pagkawasak ng kanyang mundo. Umagos ang luha niya, walang tigil, walang preno. Puno ng hinagpis ang dibdib niya, kasabay ng matinding katanungan na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip. Kaninong semilya ang nasa sinapupunan ko? Kaninong anak ang dinadala ko? At sa kawalan ng kasagutan, lalo siyang gumuho. Naguguluhan pa rin si Andrea, patuloy na dumadaloy ang luha habang nakayakap sa sariling tiyan, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napalingon siya, at sa screen ay nakita ang pangalan ng kanyang ina. Nanginginig pa ang boses niya nang sagutin ito. “Ma…” Masayang tinig ang sumalubong sa kanya mula sa kabilang linya. “Andheng… anak! Nakauwi na ang kapatid mong si Cerys! Tumawag siya sa akin ngayon at sinabing dito siya maghahapunan sa bahay. Andheng, pumarito ka rin nang sa ganoon ay makasama ko kayong dalawa ng kapatid mo.” Para siyang tinusok sa dibdib ng dalawang magkaibang mundo—isang mundong gumuho dahil sa pagtataksil ng asawa, at isang mundong puno ng init ng payak na tahanan na biglang humihila sa kanya pauwi. Ngunit paano siya ngingiti, paano siya uupo sa hapag, kung ang laman ng kanyang sinapupunan ay isang tanong na hindi niya alam kung kailan masasagot? Mariing pumikit si Andrea, pinilit patatagin ang boses habang kausap ang ina. “Ma… pasensya na. Masama pakiramdam ko. Baka… sa susunod na lang po ako makakauwi.” Sandaling natahimik ang ina, bago muling nagsalita, ngayon ay may halong lambing at pakiusap. “Anak, kahit sandali lang pagbigyan mo naman ako oh. Alam mo namang ito ang unang pagkakataon na si Cerys mismo ang nagsabing dito siya sa atin maghahapunan. Andheng, alam mo rin ang kondisyon ko. Hindi natin alam… malay natin bukas ay wala na ako at ngayong araw ko na lamang kayo makakasama ng sabay ng kapatid mo…” Napatigil si Andrea, napakagat-labi. Ang dibdib niya ay parang piniga ng mga salita ng ina. Muli siyang napabuntong-hininga, pinilit itago ang luha sa tinig. “O-opo, Ma… Uuwi po ako riyan,” mahina niyang tugon, halos bulong. Hindi pa man niya nabababa ang tawag, muling humirit ang ina, may halong biro at lambing sa tinig, “Andheng, kung maaari, dumaan ka muna sa bakeshop ha? Bilhan mo ng buko pie si Cerys, nag-request siya kanina. Gusto raw niya ’yon para sa hapunan natin.” “Sige, Ma… bibilhan ko.” Madilim na nang dumating si Andrea sa bahay ng kanyang ina. Pagpasok pa lang niya sa sala, agad siyang natigilan. Ang buong lugar ay nabalutan ng mga puti at pastel na kulay—rose gold at sage green na lobo ang naka-arkong nakapwesto sa gilid, may fairy lights na kumikislap sa dingding, at isang long table na inayusan ng minimalist cake stand at mason jars na puno ng bulaklak. Sa gitna, nakasabit ang isang eleganteng acrylic signage na may nakaukit na mga salita: “Welcome Baby!” “Ma… narito na po ako,” tawag ni Andrea mula sa sala, pilit pinapakalma ang boses. Mabilis ang naging tugon ng ina mula sa kusina, puno ng sigla at tuwa. “Andheng! Nandiyan ka na pala? Halika rito, nasa kusina ako!” Sumigaw pa ito, parang batang sabik na sabik. Mabilis na tumungo sa kusina si Andrea, bitbit ang dalawang kahon ng special buko pie. Pagpasok niya, bumungad agad ang pawisang ina na abala sa paghahain ng mga pagkain sa mesa, para bang walang iniindang sakit. Kaagad niya itong sinita. “Mama! Ano ba naman ’yan? Bawal kang mapagod, alam mo ’yan. Sumasailalim ka pa sa chemo. Dapat nagpapahinga ka lang ‘di ba?” mabilis na saway ni Andrea, inilapag ang kahon ng buko pie sa mesa. Ngunit ngumiti lang ang ina, nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang laylayan ng damit. “Andheng, huwag mo na akong pagalitan. Gusto ko ’to. Ngayon lang ako muling makapaghahanda ng hapunan para sa inyo ni Cerys.” Napakagat-labi si Andrea, hindi makasagot. Habang ang ina ay masigla at determinado, siya naman ay halos hindi makahinga sa bigat ng sitwasyon—wasak na wasak sa loob, pero pilit pinipigilan ang sarili na lumuha sa harap nito. “Oh, my half-sister is already here!” maarte at malakas ang wika ni Cerys nang biglang pumasok sa kusina. Halos mabingi si Andrea sa pagpasok nito—nakasuot ng fitted na damit na litaw ang kurba, kumikislap ang mga alahas na nakasabit sa leeg at pulso, at bawat hakbang ay parang pagmamay-ari ang buong lugar. Sobrang ganda niya, makinis, elegante, parang modelo na bumaba mula sa isang glossy magazine. Hindi napigilan ni Andrea ang magsalita, kahit pilit niyang pinapakalma ang boses. “Cerys… kailan ka pa dumating?” “A week ago, actually,” tamad at maarte ang sagot ni Cerys habang inaayos ang buhok at tinitingnan ang sariling repleksyon sa hawak na phone. Para bang walang pakialam kung nagulat man si Andrea. Idinagdag pa niya, walang pakundangan, “Dumiretso muna ako sa Bohol with my boyfriend. Alam mo na, quick getaway. Super ganda sa resort—five-star, exclusive, sobrang worth it.” Kumindat pa si Cerys, halatang ipinagmamalaki ang marangyang bakasyon. Samantala, hindi nakapagsalita si Andrea. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang kapatid na nakangisi, kumikislap sa alahas, at walang bakas ng alalahanin. Ngunit sa likod ng isip niya, kumukulo ang tanong: Paano naaatim ni Cerys na magpakasasa sa marangyang buhay… samantalang ang kanilang ina ay dumaraan sa hirap ng cancer, paulit-ulit na gamutan, at walang tigil na pakikibaka? Ni isang sentimo, wala man lang naitulong si Cerys. At ngayong nakikita ni Andrea ang pawis sa noo ng ina, nakayuko sa kusina habang pinipilit ang may dinaramdam na katawan na ipaghanda ng espesyal na hapunan ang walang kuwenta nitong anak… lalong sumidhi ang sakit sa kanyang dibdib. Tumango lang si Andrea, pinili ang katahimikan kaysa sagutin ang kapatid. “At para saan pala ang mga dekorasyon sa sala?” Lumaki ang ngisi ni Cerys, kumislap ang mga mata at sabay hawak sa tiyan na wari’y ipinapakita. “Yes! I’m pregnant!” masayang anunsiyo nito, puno ng yabang at saya. Napatulala si Andrea, nanlamig ang buong katawan. Ang salitang pregnant ay tumama sa kanya na parang sampal—isang katotohanang halos hindi niya maisaloob, lalo na’t siya mismo’y pasan ang isang lihim na pagbubuntis na pinagmumulan ng sakit at pagkawasak ng mundo niya. “Surprise! Kaya’t ito… small baby shower party dinner. Intimate lang, tayo-tayo lang muna.” Sandali itong tumigil, saka nagtaas ng kilay, ang ngiti’y may halong pang-uuyam. “I have no choice naman kasi but to share this celebration with you… dahil kayo lang naman ang pamilya na mayroon ako.” Sarkastikong wika ni Cerys, na para bang isang biro na may tusok sa bawat salita. Cerys rolled her eyes, bahagyang nakangisi habang hawak ang sariling tiyan. “Although I’m planning to have a big baby shower soon for my baby,” aniya na parang ipinagyayabang. “Hinihintay ko lang kasi ang hudyat ng boyfriend ko—’cause you know…” Nagpa-drama pa siya, sabay kumpas ng kamay. “Kasal pa sa isang ipokrita ang daddy ng baby ko. That’s why hindi pa niya ako maipapakilala sa wealthy family nila.” Halos mabitiwan ni Orlena ang hawak na sandok sa narinig. Napalingon siya kay Cerys, nanlalaki ang mga mata. “Anak… anong sabi mo? May asawa ang nakabuntis sa ’yo?” nanginginig ang boses nitong tanong, halatang hindi makapaniwala. Sandali namang nagkunwaring inosente si Cerys, sabay irap na may kasamang pagngisi. “Mom, don’t overreact. Mahal ako ng daddy ng baby ko, and soon enough, he’ll leave that hypocrite wife of his and I’m going to be his legal wife.” “Pero, Cerys—” “Ma, please…” malamig at may pang-uuyam ang tinig ni Cerys. “I don’t ask for your advice. No one’s gonna need it. Dahil alam naman ng lahat kung saan ka rin nagmula.” Bahagya siyang tumawa, saka itinaas ang kilay. “’Di ba nga, Mama, naging kabit ka rin ng isang may-asawang lalaki? Kaya please—don’t preach to me about morals you never had.” Nanlaki ang mga mata ni Orlena, mistulang tinamaan ng kidlat sa gitna ng kusina. Ang sandali ay napuno ng bigat ng katahimikan. Hindi na nakatiis si Andrea. Mariin niyang binitiwan ang dalawang kahong hawak at mariing tumitig sa kapatid. “Tama na, Cerys!” madiin niyang singhal. “Wala kang karapatan na saktan si Mama ng ganiyan. Hindi mo alam ang pinagdadaanan niya, at ngayon, ganyan pa ang mga sinasabi mo?” Napangisi lang si Cerys, nakahalukipkip at tila ba lalo pang naaliw sa pagkulo ng emosyon sa paligid. “Oh, look at you, Chelsea Andrea… always the perfect daughter. Mommy’s little defender, her shield, her pride. Tell me, Andrea, doesn’t it get exhausting pretending to be so flawless when deep down, you’re nothing but a disappointment?” Parang tinusok ng karayom ang dibdib ni Andrea. Hindi niya alam kung saan kinukuha ng kapatid ang ganitong lakas ng loob—o kung may alam ba itong higit pa kaysa dapat. Pagsasalitaan pa sana ni Andrea ang kapatid nang biglang tumunog ang cellphone ni Cerys. Saglit nito iyong sinilip, at saka kumislap ang mga mata. “My boyfriend is almost here,” anito, seryoso ang tono. Agad na nag-iba ang timpla, tila ba biglang naging istrikta at nagmamadali. “Bilisan n’yo na ’yang mesa!” mariin niyang utos, sabay tingin kay Andrea at sa kanilang inang si Orlena. “Ayokong mapahiya sa boyfriend ko. You know how important this is… my boyfriend is not just anyone. He’s rich, powerful, and I won’t let him see this house looking cheap or messy.” Napatigil si Andrea, ramdam ang bigat ng pang-uutos. Samantalang si Orlena, kahit halatang nanghihina, pinilit pang kumilos. At sa kabila ng lahat, si Cerys—tila isang reyna—nakatingin lamang, abala sa pag-aayos ng sarili at hindi man lang inisip ang hirap ng sariling ina. Ilang sandali pa ay narinig ang malakas na busina sa labas kasunod ang paghinto ng isang mamahaling sasakyan. Agad na kumislap ang mukha ni Cerys at halos magtatalon sa tuwa. “He’s here!” bulalas nito bago dali-daling lumabas ng kusina. Samantala, marahang inalalayan ni Andrea ang ina palabas. “Dahan-dahan ho, Ma,” mahina niyang wika habang hawak ang payat at nanginginig na braso ni Orlena. “Come in, my love. I prepared a little celebration for our baby,” excited na tinig ni Cerys habang nakayakap sa braso ng nobyo. Halatang sabik siyang ipakita sa kanila ang lalaking nagbigay sa kanya ng kinang at dahilan para magyabang. Magiliw namang pumasok ang lalaki, ngunit nang itaas ni Andrea ang kanyang paningin, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Nanlamig ang kanyang buong katawan, napasinghap, at halos mabitawan ang hawak na braso ng ina. Dahil ang lalaking iyon—ang ipinagmamalaki ni Cerys bilang ama ng dinadala niya—ay walang iba kundi si Cedric Sytengco, ang kanyang asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD