WHEN THEIR STORY BEGIN
Rome's POV
Kanina pa ako nanggigigil sa inis dahil kay Benj. Nanligaw siya sa akin at matagal ko na siyang binasted. Guwapo naman siya, pero nakakatakot siya. I think obsessed na siya sa akin dahil ayaw niyang tumigil. At kaya ako inis na inis sa kaniya ngayon ay dahil nalaman ko na ipinagkakalat niya dito sa campus na kami na raw at naikama na niya ako.
"The nerve! Ang kapal ng mukha niya!" Gigil na gigil na sambit ko habang malalaki ang hakbang patungo sa tambayan ng grupo ni Benj.
Hinding-hindi ko mapalalampas ang ginawa niyang pamamahiya sa akin. Lalo na't maraming naniwala na kami na nga ni Benj at may nangyari na. Ano na lang ang sasabihin ni Uncle Nick kapag nakarating ito sa kaniya.
"Ang kapal niya! Sobrang kapal." Kuyom ang mga kamao ko.
Mas lalo akong nanggigil sa inis nang matanaw ko si Benj kasama ang grupo niya. At dinig na dinig ko ang malakas nilang tawanan.
Akma na akong susugod nang may pumigil sa akin. Ang kaibigan kong si Maureen. Pamangkin siya ni Doc. Warren na best friend ng Uncle Nick ko.
Dahil mag-best friend ang mga uncle namin, naging mag-best friend na rin kami simula nang mag-aral ako rito sa Manila at mag-stay sa poder ni Uncle Nick.
"Mau."
"Nabalitaan ko ang tungkol sa inyo ni Benj. Totoo ba 'yon?" Mahahamigan ng concern ang tono nito.
"No." Sagot ko, may kasama pang iling. "Hindi totoo 'yon. Wala kaming relasyon at kahit kailan hindi ko pinlano. Hindi ko siya gusto. Alam niya 'yan."
"Pero ang kapal ng mukha niyang ipagkalat na may nangyari na sa inyo?!"
"Yes, Mau! Kaya galit na galit ako dahil ang kapal-kapal ng mukha niya! Ni hindi ko nga siya makita as my boyfriend tapos ang kapal ng mukha niyang ipagkalat na nagpakama ako sa kaniya!"
"Anong gusto mong gawin natin sa kaniya?"
"Gusto kong ibalik ang pamamahiya niya sa akin, Mau. Hindi ko mapalalampas 'to!"
"Then let's go, Rome." Pagkatapos niyon, hinila ako ni Mau patungo sa kinaroroonan nina Benj at ng mga tropa niya.
"Go, Rome." Udyok niya sa akin.
Tumango ako at hindi na nag-aksaya ng oras. Pagsugod ko kay Benj, mabilis kong pinadapo sa pisngi niya ang kanang palad ko. Malakas. May gigil.
At sa lakas niyon, ramdam ko ang pamamanhid ng palad ko. Hindi pa ako kasiyahan dahil nang hindi agad siya makapag-react, muli ko siyang sinampal.
Nabaling ang mukha nito. Habang ang mga kasamang tropa ay napasinghap na lamang. Mga natigagal.
"How dare you?!" Galit na sambit ni Benj nang makabawi sa ginawa ko. "Bakit mo 'ko sinampal?!"
Sapo nito ang nasaktang pisngi.
"How dare me? No, how dare you!" Singhal ko. "Akala mo ba, hindi pa nakarating sa akin ang mga kasinungalingan mo?!"
"Rome--" Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita dahil dinuro-duro ko ang mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mo, Benj! Matatanggap ko pang ipinagkakalat mong tayo na kahit hindi, pero 'yong naikama mo na ako? No way! Hindi mangyayari iyon kahit kailan. Kahit sa panaginip mo." Sigaw ko.
Natameme ito. Sinamantala ko 'yon para tanggalin ang kahambugan niya.
"Kahit sa panaginip ko, hinding-hindi ako makikipag-s*x sa 'yo. Hindi kita type at lalong hindi kita gusto kaya tigilan mo na ako. Naiintindihan mo? Hindi kita gusto!" Nagtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang galit at pagkapahiya.
Hindi ko gustong umabot sa ganito, pero pinilit niya ako at hindi ko puwedeng hayaan lang ang ginawa niya. Reputation ko ang nakasalalay dito.
Mukhang natakot ang mga kasama ni Benj dahil dahan-dahan silang nagsipag-atras. Si Benj, na-shock. Hindi niya siguro inaasahan na aalma ako nang ganito.
Muli ko siyang dinuro. "Kinausap kita noon nang maayos, Benj. Ipinaliwanag ko sa 'yo na wala akong nararamdaman na kahit ano towards you kaya sinabi ko nang maaga na tumigil ka na sa panliligaw. Ikaw itong makulit. Hindi kita pinaasa! Kaya hindi ko ma-gets kung bakit kailangan mo 'kong ipahiya sa buong campus na naikama mo na kahit alam mong hindi totoo 'yon!"
Buong akala ko, aaminin niya ang nagawa niyang pagkakamali. Na mag-so-sorry siya. Pero laking gulat ko dahil pinanindigan nito ang kasinungalingan niya.
"How dare you, Benj!"
Ngumisi ito. "Come on, baby. Bakit hindi mo na lang aminin na may nangyari na sa atin?"
"Wala akong aaminin! Dahil hindi totoo 'yon!" Gusto ko nang maiyak dahil ang dami ng nakikiusyuso sa amin.
Dinig na dinig nila ang sinabi ni Benj.
"Sarap na sarap ka nga, 'di ba? Tapos ngayon, idi-deny mo?"
"Hindi totoo iyan!" Sigaw ko.
"Come on, baby. Gusto mo bang ipakita ko pa sa kanila ang video kung gaano ka kagaling gumiling sa ibabaw ko?"
Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi niya. Gusto kong lumubog sa lupa dahil sa hiya. I feel humiliated. I've never felt so humiliated in my whole life. Ngayon lang.
Hindi na ako nakapagsalita. Dahil alam kong kapag nagsalita pa ako, mauuwi iyon sa pag-iyak.
Mabuti na lamang at kasama ko si Maureen. Inaway niya si Benj. Hindi lang 'yon, sinampal niya rin ito.
"Ilalabas ko ang s*x video namin ng kaibigan mo!" Pananakot ni Benj kay Maureen.
"s*x video? Ninyo ninyo ni Rome?" Tumawa nang mapang-insulto si Maureen bago nagpatuloy. "Sa tingin mo talaga, may maniniwala sa 'yo na kayang makipag-s*x ni Rome sa 'yo? In your fvcking dreams, Benj."
"Mas'yado kang ambisyoso na papatulan ka nitong kaibigan ko," dagdag pa ni Maureen.
Namula ang mukha ni Benj.
"Wake up, Benj. Wala ka pa sa kalingkingan ng boyfriend ni Rome. Dahil kapag itinabi ka sa kaniya, magmumukha kang tae."
Naudlot ang luha ko dahil sa sinabi ni Maureen.
"Narinig mo? Mukha kang tae kapag itinabi ka sa boyfriend ni Rome kaya itigil mo 'yang kahibangan mo." Banat pa ni Maureen bago ako hinawakan sa braso at hinila palayo sa mga ito.
Nakakailang hakbang na kami nang muli nitong lingunin ang grupo ni Benj. "Hoy! Kayong mga pangit kayo, samahan n'yo sa ilog 'yang kaibigan n'yo at ilublob sa tubig para mahimasmasan. Mas'yadong ambisyoso. Mukha namang tae!"
Doon na ako natawa.
Hinila ko na siya palayo dahil baka patulan pa ng mga kasama ni Benj. Pero bago siya nagpahila sa akin, binantanan pa nito si Benj at sinabing lagot sa uncle niya at uncle ko.
"Hindi kami takot!" Sigaw ng isa sa kasama ni Benj.
"Let's see! Dahil mali kayo ng ipinahiya. Hindi n'yo kilala kung sino ang mga uncle namin. Kapag nalaman nila 'to, hindi na kayo sisikatan ng araw, mga pangit!"
Hinila ko na si Maureen palabas ng campus. Mabuti na lang at tapos na ang klase namin kaya puwede na kaming dumiretso ng uwi.
"Mau, natatakot ako." Nasa gate na kami ng campus nang aminin ko 'yon sa kaniya.
"Natatakot ka sa lalaking 'yon?"
"Hindi ko alam kung anong s*x video ang sinasabi niya, Mau. Paano kung ilabas nga niya 'yon?"
"Bakit nakipag-s*x ka ba sa kaniya?"
"Hindi."
"Oh, 'yon naman pala, eh. Obsessed na 'yon. Kung ako sa 'yo sabihin mo na 'to kay Uncle Nick para may kalagyan 'yang Benj na 'yan." Payo niya.
Na hindi ko gagawin dahil kilala ko ang Uncle Nick ko. Ibang magalit 'yon. Hindi 'yon papayag na hindi makaganti lalo na't ibinilin ako ni Dad sa kaniya simula nang mapunta ako sa poder niya.
Kapag nalaman 'to ni Uncle Nick, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Mas'yado siyang istrikto pagdating sa akin. Mas naging istrikto pa siya simula nang tumira ako sa bahay niya. Naiintindihan ko naman dahil siya ang tumatayong guardian ko since dito ako sa Manila nag-decide na mag-college.
Hindi ko siya binigyan ng sakit ng ulo. Hindi noon. At lalong hindi ngayon na graduating na ako sa kursong Bachelor of Science in Psychology. Wala akong ibang gusto kundi ang maging proud siya sa akin.
Uncle Nick, he's the best uncle in the world. Ayoko siyang biguin kaya ingat na ingat akong malaman niya ang sekreto ko. Isang sekretong matagal ko nang inililihim sa lahat. Isang sekretong pinakaiingatan kong malaman ng kahit na sino dahil hindi puwedeng malaman. Sekretong araw-araw na nagpapahirap sa kalooban ko. Ang hirap dahil magkakagusto na lang din ako, doon pa sa taong hindi ko puwedeng gustuhin at mahalin.
Bukod sa bawal, he's too old for me. He's a notorious playboy. Siguradong iiyak lang ako kapag siya.
Pinilig ko ang ulo ko upang alisin sa isip ko ang imahe ng lalaking lihim na kinababaliwan ng inosente kong puso.
Napabuntong hininga ako.
"Okay ka lang?" Biglang tanong ni Mau sa akin.
"Okay lang. Wait lang, ha? Tatawagan ko lang si Uncle Nick, magpapasundo ako sa driver niya." Akma kong tatawagan si Uncle Nick nang pigilan niya ako.
"Bakit?"
"Huwag ka nang magpasundo sa kaniya. Nag-chat na si Uncle Ren, on the way na siya."
"Naku, hindi na. Ma-a-out of way lang kayo. Magpapasundo na lang ak--" Bago ko pa matapos ang pagsasalita, may huminto ng land cruiser sa mismong harapan namin ni Mau.
Bumaba roon ang taong kanina lang ay laman ng isip ko. Si Doc. Warren.
Bumilis ang pintig ng puso ko nang masilayan ang guwapo nitong mukha. Ang guwapo niya. At kahit anong isuot niya, bagay talaga.
"Hi, Rome." Nakangiti niyang bati sa akin habang nakaakbay kay Mau.
"Hi." Maikli kong sagot, saka nag-iwas ng tingin.
"Uncle Ren, puwede bang ihatid na natin pauwi si Rome?" Hiling ni Mau sa tiyuhin.
"Huwag--"
"Sure." Mabilis nitong sagot. "Hindi ka ba susunduin ni Nick?"
"Hindi. Napaaga ang tapos ng klase namin kaya tatawagan ko pa lang siya."
"No. Huwag na. Kami na ang maghahatid sa 'yo pauwi."
"Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Isa pa, ma-a-out of way kayo." Pagdadahilan ko dahil hangga't maaari, umiiwas ako sa kaniya.
"I insist. Aawayin ako ng tiyuhin mo kapag nalaman na nandito na ako, hindi pa kita isinabay."
"Pero--"
"Let's go."
Wala na akong nagawa nang pagtulungan ako ng magtiyuhin na isabay pauwi.
Gusto kong batukan si Mau dahil ako ang pinaupo niya sa unahan at siya sa backseat.
"Bakit ba parang takot na takot ka kay Uncle Ren? Hindi ka kakainin niyan, Rome."
Natawa si Warren sa sinabi ng pamangkin. "Nahahalata mo rin pala, Mau?"
"Yes, Uncle. Ilag na ilag siya sa 'yo. Well, I can't blame her, alam niya rin kasi ang karakas mo pagdating sa babae."
"Grabe naman kayo sa akin." Tila nasasaktang reklamo nito, saka hinawakan ang sariling dibdib.
"Hindi ako babaero."
Napaismid ako. Natawa naman si Mau.
"Huwag kayong maniwala sa sabi-sabi."
"Hindi sabi-sabi 'yon, Uncle Ren. May mga ebidensya. Ilan na ba ang naka-s*x mo, ha?" Prangkang tanong ni Mau.
Inubo si Warren. "Watch your mouth, Mau. Nakakahiya kay Rome, baka maniwala siyang marami na akong naka-sex."
Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumingin siya sa akin.
"Naniniwala ka ba sa mga naririnig mo about me, Rome?"
Nagulat ako sa tanong niya. Mahalaga ba sa kaniya ang iisipin ko?
"Rome." Untag niya.
"Well, kagaya ng sabi ng pamangkin mo, may mga ebidensya."
"So, naniniwala ka nga?"
"Yes." Walang gatol na pag-amin ko.
"Grabe kayo sa akin." Reklamo nito.
"Kaya magbago ka na, Uncle Ren." Udyok ni Mau.
"Matagal na akong walang babae sa buhay. Hindi totoo 'yong mga nababalitaan n'yo. Fake news 'yon." Kaila pa nito.
Hinayaan kong mag-usap ang dalawa. Maya-maya, naiba ang usapan. Nangumusta si Warren tungkol sa pag-aaral namin ni Mau. At hindi ko inaasahan na madudulas ito. Nasabi ni Mau ang tungkol sa nangyari kanina sa campus.
"What did you just say?" Dumiin ang tapak nito sa preno kaya muntik na kaming masubsob ni Mau.
"May inaway kami kanina dahil pinagkakalat ng damuhong na 'yon na sila na ni Rome at nag-s*x daw sila."
Gusto kong sabunutan si Mau dahil inulit pa talaga.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tumaas ang boses nito kay Mau.
Bigla ring nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nagkatinginan kami ni Mau dahil sa naging reaksyon nito.
"Uncle Ren, relax. Hindi naman totoo 'yong s*x video na sinasabi niya kasi hindi naman nakipag-s*x si Rome sa kaniya." Paliwanag ni Mau. "Ambisyoso lang ang damuhong na 'yon--"
"Kahit na! Sana sinabi mo nang mas maaga."
Hindi ko alam kong nakita ni Mau, pero namula ang mukha ni Warren at umigting ang panga pagkatapos sabihin iyon. Kinabahan ako sa reaction niya. Baka masabi niya kay Uncle Nick. Siguradong mas malaking gulo 'yon.
"Nasampal na namin, Uncle Ren--"
"That's not enough! Dapat sa kaniya, pinasasabog ang bibig."
Pareho kaming napanganga ni Mau nang magmaniobra ito.
"Bakit tayo babalik, Uncle?"
"Kailangan niyang turuan ng leksyon!"
Namilog ang mga mata ko. "Huwag na. Nasampal ko na siya--"
"Hindi sapat 'yon. Dapat sa kaniya binabasag ang mukha."
"Uncle Ren, wait. Kayo na lang ni Rome ang bumalik, may kailangan pa akong gawin sa bahay."
Hindi nagsalita si Warren, muling nagmaniobra at matuling nag-drive. Para kaming lumilipad sa sobrang bilis. Pagkababa ni Mau sa tapat ng gate nila, mabilis na muling pinasibad ni Warren paalis ang sasakyan.
Napakapit na lamang ako nang mahigpit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naging reaksyon niya.
Nag-isip ako ng paraan kung paano siya mapipigil sa gagawing pagsugod sa school.
"Uncle R-Ren." Tawag ko. Bigla siyang nagpreno.
Tumingin ito sa akin pagkatapos igilid sa daan ang sasakyan. Madilim pa rin ang kaniyang mukha. "Stop calling me that way."
"Ha?"
"Ayokong tinatawag mo akong uncle, Rome."
Napamulagat ako. "B-Bakit?"
Kumabog ang dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Dahil hindi kita pamangkin."
"Pero pamangkin ako ng best friend mo."
"Yeah. I know that. But..." Tumigil ito tila nahihirapang magsalita. "Damn it, Rome! Hindi mo ba nararamdaman?"
"Ha? N-Nararamdam ang alin?" Nautal ako sa sobrang kaba.
"Na... Na. Damn it! Rome, gusto kita!"
Napipilan ako. Kasabay nang tila may mga nagliparang paruparo sa loob ng tiyan ko. Gusto niya ako?
"A-Anong... a-anong pinagsasasabi mo?"
"Rome, gusto kita."
"G-Gusto mo ako?"
"Oo. And God knows kung paano ko pinigilan ang sarili ko na gustuhin ka. Hinayaan kong maging babaero sa paningin ng lahat para hindi nila malaman na gusto kita. Para hindi mo malaman. Wala akong planong sabihin o ipaalam sa 'yo ang kahibangan kong ito. But when I heard what Maureen said, nagselos ako. Hindi ko kayang isipin o kahit ang marinig na may ka-s*x kang iba."
"Hindi totoo 'yon." Hindi ko alam kung bakit iyon ang salitang lumabas sa bibig ko.
"I know. Hindi puwedeng mangyari 'yon dahil gusto ko akin ka lang."
Napamaang na lamang ako sa pagiging prangka niya.
"Rome, gusto kita. And I can feel that you feel the same way."
Umiling ako. Pinili kong panaigin ang reyalidad.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. H-Hindi kita gusto." Isang malaking kasinungalingan iyon, pero alam kong 'yon ang tama.
"No. I don't believe you. Nararamdaman ko na gusto mo rin ako kaya iwas na iwas kang tumingin sa mga mata ko. At..." Umusog siya palapit sa akin bago muling nagsalita. "Nararamdaman ko na nararamdaman mo rin ang tensyon sa tuwing mapapadikit ako sa 'yo. Rome, aminin mo. Pareho tayo ng nararamdaman, hindi ba?"
"Hindi." Dahil mahal kita at ikaw, gusto mo lang ako. Magkaiba 'yon. Gusto kong idagdag, pero wala akong lakas ng loob.
Hindi ko puwedeng aminin. Hindi puwede.