028

2019 Words

Kabanata 28 K I M Nang matapos ang dinner ay nagyaya ang mga lalaking mag-inuman. Hindi na sumama ang pinsan kong si Mutya at ang asawa nito dahil gusto na raw nilang magpahinga, ganoon din si Philip at ang asawa nitong si Terry. Gusto ko na din sanang umakyat sa kwarto ko para magpahinga kaya lang alam kong magtataka ang mga kaibigan ko. Hindi na nga ako sumama sa kanila sa mga activity sa araw na ito tapos maaga pa akong aakyat? Sabi ko pa naman nakatulog ako buong maghapon. Hindi nila alam na mas pagod pa ako sa kanila dahil sa ginawa namin ni Ethan sa kwarto ko. Nag-init nanaman ang mukha ko ng maalala kung ano ang pinaggagawa namin kanina ni Ethan. Ang dami niya pala talagang alam sa ganoon. Ako kasi baguhan pa lang sa ganoon kaya wala manlang akong naiambag. Siya lahat ang gumawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD