Kabanata 17 K I M Naningkit ang mga mata ko pagbaba ng sasakyan. Sa tabi ng sasakyan ko ay may nakaparadang Aston Martin. Narito ako ngayon sa parking lot ng isang five star restaurant, kung saan napiling kumain ni Tom. Didiretso na sana ako sa loob ng restaurant nang mapansin ko itong sasakyang nakaparada sa tabi ng sasakyan ko. Ang dalas ko naman yatang makakita ng ganitong sasakyan. Parehong model pa talaga ng kay Ethan. Sinilip ko ang plate number ng sasakyan at tinandaan iyon. Hindi ko alam ang plate number ng sasakyan ni Ethan pero kung sakaling kanya nga ito, eh di, alam ko na. Pagpasok ng restaurant ay iginala ko na agad ang tingin ko. Sinabi ko ang pangalan ni Tom sa receptionist kaya agad niya akong iginiya sa lamesa namin. Naroon na si Tom na mukhang kanina pa naghihintay sa

