Kabanata 25 K I M Tahimik akong pumasok sa room ko. Hinubad ko na ang cover up ko para sana makapag-shower nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Sa sobrang gulat ay agad akong napatili. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa kaba, ngunit nang mapagtantong si Ethan lamang pala iyon ay agad akong nakahinga ng maluwag. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ano nanaman bang ginagawa niya dito? Akala ko ba nagkasundo na kami? Bakit narito nanaman siya? “What the hell, Ethan! May balak ka bang patayin ako sa gulat?” gigil kong bungad sa kanya ngunit hindi siya nagsalita. Tumitig lang siya sa akin. “Hindi ka manlang marunong kumatok! Paano pala kung hubo’t hubad na ako dito? At ano nanaman bang kailangan mo dito?” Nagsalubong ang makakapal na kilay niya. May iritasyon akong naki

