019

2145 Words

Kabanata 19 K I M “Uuwi ka na agad? Hindi ka sasama sa amin?” tanong ni Jade habang nagliligpit ako ng mga gamit ko. Umiling ako. “Hindi na muna. Magkikita kami ni Tom, e. Susunduin niya ako sa bahay.” Nagngising aso ang loka. Tumaas ang isang kilay niya at isang makahulugang tingin ang iginawad sa akin. Napailing ako habang nangingiti. Baliw talaga ito. Alam ko kung anong iniisip niya ngayon. “Magsabi ka nga sa akin ng totoo. Ano na bang namamagitan sa inyong dalawa ni Tom?” May naglalaro pa ding ngiti sa kanyang mga labi. Ngumuso ako para pigilang mapangiti. “Nanliligaw na siya sa akin.” Sa huli hindi ko pa din napigilang mapangiti. Lumawak ang ngisi sa labi ni Jade. “Sabi na, eh. Kaya pala may pagsundo ng nagaganap. Siya ba ang kasama mo noong isang gabi? Nakita ka daw ni Jess na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD