Kabanata 20 K I M “Umalis ka na nga.” His eyes narrowed. “Tignan mo na. Sinusungitan mo nanaman ako,” naiiling niyang sabi. Bumuntong hininga ako. Ano pa bang kailangan ng isang ito sa akin? Nasabi naman na niya ang gusto niyang sabihin. Nakapag-sorry na siya bakit ayaw niya pang umalis? May ibang ideyang pumapasok sa isip ko pero pilit ko ‘yong tinataboy sa isipan ko. “Ano bang gusto mong gawin ko? Makipag plastikan sa’yo? Magpanggap na kunwari gusto natin ang isat-isa?” sabi ko sa sarkastikong paraan. He pressed his lips together. Humalukipkip ako. Binasa niya ang labi niya bago muling nagsalita. Sandaling nagtagal ang tingin ko doon pero agad din namang ibinalik sa kanyang mga mata. “May mangyayari ba sa atin kung hindi natin gusto ang isat-isa?” Pumikit ako at kinalma ang sari

