Kabanata 21 K I M Tinuloy ko pa din ang pakikipagkita kay Tom sa gabing iyon kahit sa totoo lang, nawalan na ako ng gana dahil sa dami ng iniisip. Natuloy din ang mga kasamahan ko sa lakad nila sa gabing iyon, pinapasunod nga ako ni Kim pero tumanggi na ako. Wala muna akong balak uminom o gumimik ng gabi at baka magtagpo nanaman ang landas namin ni Ethan. Paborito pa naman kaming pagtagpuin ng tadhana kahit na hindi naman kami magkasundo. Siguro naaawa na sila sa akin kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makahanap ng lalaking pakakasalan dahil hindi pa din ako maka-move on sa kanya, kaya ngayon sila na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kami. Ngayon pa talaga kung kailan buo na ang isip kong kalimutan siya. Kahit pa umayon sa amin ang tadhana ngayon, alam kong hindi pa din kami para

