Kabanata 35 K I M “Kumusta naman ang bakasyon?” Iyon ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa opisina kinabukasan. “Blooming tayo ngayon, ah. Anong mayroon sa isla na ‘yon at mukhang may nag-iba sa’yo,” may nanunuyang ngisi sa mga labi ni Jade. Ngumuso ako at umiling. “Oo nga, Kim. Blooming ka,” dagdag pa ni Mae. “Ewan ko sa inyo. Magpapalibre lang yata kayo ng alak kaya panay ang puri niyo d’yan.” Ngumisi si Jade. “Hoy, hindi ah. Kaiinom lang namin kagabi. Pass na muna ako ngayon,” ani Mae. Hinila ako ni Jade paupo sa upuan ko at inilapit niya pa ang upuan niya sa akin. “Sabihin mo sa akin, may nangyaring kababalaghan sa isla, ano? Huwag mong itanggi! Kabisado kita. Iba ang glow mo ngayon parang nadiligan ng maayos,” may malisyang sabi niya. Inirapan ko siya at tinanggal ang ka

