Kabanata 36 K I M Sa sumunod na araw ay nakipagkita akong muli kay Tom. Iyon na ang huling pagkikita namin bago siya magtungong Singapore. Tatlong linggo siya doon at medyo matagal-tagal iyon, kaya sa sunod na gabi ay sumama na lang muna ako kina Jade sa bagong bukas na bar sa BGC. Kabubukas lang noon kaya marami ang taong nagpunta. May mga artista pa nga akong nakita, pero hindi na ‘yon bago sa akin. Sa trabaho ko, ilang artista na din ang nakasalamuha ko. Minsan kasi sila ang nagmo-model ng mga damit at sapatos na dinidisenyo namin. Kung marami lang sana akong pera ay baka nagpatayo na ako ng sarili kong boutique. Kaya ko naman na gawin ngayon ‘yon kaya lang mas gusto kong magtayo ng boutique kapag sapat na talaga ang pera ko. Iyong tipong kahit malugi ako ay hindi sa kangkungan ang b

