CHAPTER TWO - LUNCH

1680 Words
Maaga pa lang gising na si Jade upang mag handa ng mga pagkaing dadalhin sa hospital. Mas makaka tipid kasi sya kung hindi na bibili pa ng para sa panang halian nya. Bukod kasi sa kaunti lang ay mahal pa at hindi rin sulit lalo na kung sobrang gutom ka na dala ng pagod. Marami rin naman sa mga kasamahan nya ang nag babaon na lang para iwas gastos. Hindi naman sa nag kukuripot sya kaya lang sa panahon ngayon kailangan talaga ng mag tipid dahil hindi mo naman sigurado ang para sa bukas. Mahirap lang ang pinang galingan nyang pamilya kaya buhos ang atensyon nya sa pag susumikap na pag butihan pa ang kanyang trabaho. Gusto nyang maka tulong sa mga magulang sa laki ng naging paghi hirap ng mga ito mairaos lang ang kanyang pagdo doktor. May ilang mga alagang hayop sila noon na halos nai benta at ang ilang pirasong lupa na pag aari nila ay nai sangla sa ibang tao upang may maipang tustos sa tuition nya. Halos may pagkaka taon na akala nya mahihinto na sya, ngunit hindi sumuko at napagod ang kanyang mga kapamilya sa pag tupad ng pangarap nya. Para kasi sa kanila, ang anumang matamo nyang tagumpay ay tagumpay na rin nila. Kahit naubos ang lahat ng meron sila, masaya pa rin sila lalo na ng maka graduate at magka pasa sya sa board exam para sa pag do- doktor nya. Kaya ngayon, ibinabalik lang nya ang kung ano ang dapat nyang iganti sa lahat ng naging hirap ng mga ito sa kanya. Malaking tulong rin sa kanya noon na naging scholar sya, kaya naman hanggang hindi nya nakikitang nasa mabuti muli ang kabuhayan, hindi sya titigil at bibitaw sa kanyang pangarap para sa mga ito. Sa kasalukuyan sa isang pribadong hospital sya nag tatrabaho at malaking tulong ito sa kanya.balak nyang maka ipon upang matubos ang mga lupang nai sanla nila upang may itustos za kanyang tuition fees. Dito nya balak mag simula, gusto nyang mabawi muli ang lupang pag aari ng kanyang mga magulang. Pangarap rin nyang mag tayo ng sariling clinic kung may ipon na. Mas makabu buting maaga pa lang ay nakaka ipon na sya hindi lang para sa sarili kundi sa sa pamilya rin. Nangungupahan sya sa ngayon sapagkat malayo layo rin ang kanilang baryo mula sa hospital. Mas makaka tipid kung hindi sya mamamasahe araw araw. Hindi naman sa nag kukuripot sya, kailangan lang talagang maging masinop at maingat sa paggamit ng pera dahil hindi mo naman alam ang para sa bukas. Matapos nyang mai handa ang mga dadalhin sa hospital, mabilis syang nag ayos ng sarili at lumabas. Nag hintay ng masasakyan, at maya maya lang may huminto ng tricycle sa harap nya, mabilis syang sumakay rito. Pag bungad pa lang nya sa gate ng pagamutan, agad na syang binati ng guard. Nginitian at tinanguan lang nya ito at nag patuloy na sa pag pasok. Nakita nya sa may dulong pasilyo si doktor Sandoval pagbungad pa lang nya. Tila may kausap ito na maaring pasyente nito. Diretso sya sa kanyang opisina, matapos mailapag ang mga dala dala sa isang maliit na cabinet sa tabi agad syang naupo sa kanyang work table. Nag apply ng alcohol at simulang hinarap ang kanyang trabaho. Sumenyas sya sa kanyang assistant na pwede na magpa pasok ng mga pasyente. Ilang oras rin ang ginugol nya bago naka ramdam sya ng pangangawit ng batok. Saglit syang huminto at nag pahinga bago muling nag patuloy. Mag a- alas onse y medya na ng huminto sya, matapos mag inat ng katawan, lumabas sya ng opisina upang mag tungo sa canteen. Pag labas nya ng pinto, napansin nya si doktor Sandoval na nagla lakad patungo sa kinaroroonan nya. Lihim syang humanga rito. Nanatiling seryoso ang mukha nito at walang ngiti habang papalapit sa kanya. Huminto ito sa harapan nya at nag salita. "Are you done?" seryoso ang tanong nito habang titig na titig sa mukha nya na walang kangiti ngiti sa labi. "Err... Yes!" hindi malamang sagot nya . Tumango lang ito at muling tumalikod pa alis. Nahigit nya ang hininga at sinundan na lang ng tingin ito habang papalayo. Naiiling na muli nyang ipinag patuloy ang paglakad patungo sa canteen. 'Gwapo kaya lang suplado at misteryoso.' bulong nya sa sarili. Naroon na ang lahat ng pumasok sya sa canteen. Mga naka upo na ang mga kasama nya, lumapit sya sa mga ito at humila ng sariling upuan. At inilabas ang dalang baon, nag share sya ng kanyang dala sa iba, ganun namana sila rito. Kaharap nya sa table si dok Mia at ang iba pang nurse. Habang sa kabilang table naman sina dok Sandoval at dok Zalazar. Wala syang marinig na salita sa pagitan ng dalawang lalaki. pa simple nyang sinulyapan ito at nakitang tahimik at walang kibo itong sumusubo. Kung hindi pa nga nagsalita si doktor Zalazar malamang hindi pa rin ito mag sasalita. "Alam mo, gwapo at pa misteryoso yang si dok Mark no? Hindi yata marunong ngumiti, pero pag sa pasyente nya, ang lapad lapad ng ngiti. hay... " sabi ng isang nurse. Kasalukuyan na silang kumakain. "Good catch yang si dok, gwapo na, doktor pa." singit naman ng isa habang hinihinaan ang boses baka marinig sa kabilang table. "Saka, binata at mayaman. " singit muli ng isa. Napa sulyap sya kay dok Mia na nanatiling tahimik at naka titig sa kanya. Bahagyang tumaas ang sulok ng gilid nitong labi na tila may gustong sabihin ngunit napigilan. May ngiti ito at tila nanunudyo. Napa kibot ang labi nya at hindi na nag salita. "Bagay kayo ni dok Sandoval, dok Jane. " sabi ng isa pa. "Ako pa talaga ang nakita nyo?" nag salubong ang mga kilay nya na ng taas ng tingin sa mga ito. "Tingin kasi namin doktora ay may gusto sa inyo yang si doktor Sandoval " tsika ng isa. Muntik pa syang nasamid. Napa sulyap sya sa table nito at nakita nya itong naka titig sa kanya. Nangamatis ang mukha nya sa hiya. ' May dumi ba ako sa mukha?' piping usal nya ng makitang naka titig ito sa kanya. Muli syang nag baba ng mukha at itinuloy ang pagkain. Napalingon sya sa mga kasama sa mesa. "Sakaling mangligaw ba dok Jane ay may pag asa?" hirit pa ng isa. "Ha?" nabigla nyang sabi muntik pang mapa lakas ang kanyang tinig "Tanong namin doktora kung may pag asa ba si doktor Sandoval kung sakaling manligaw sayo?" mahina at pabulong na sabi sabay nguso sa doktor na lalaki. Umurong yata ang dila nya at di alam ang isasagot. "Ano ba naman kayo, baka mamaya isipin nung tao na pinag tsi tsismisan natin sya" pa ibang sagot ko. "Tanong lang naman dok para kasing may something na sa inyong dalawa eh, mga tingin pa lang, pak na." kulit muli ng isang nurse. "Naku, kayo talaga, hindi pa man inunahan nyo na." nahihiyang sabi nya. "Sakali mang lumapit sayo si dok, doktora sagutin mo na, good catch na yan, para naman sa susunod, ngingiti na rin iyan." tila nang gagatong pang sabi ng isa. "Wala naman masama sa sinabi nila, dalaga ka naman ah." biglang singit ni dok Mia. "Hoy! magsi tigil nga kayo, mamaya nyan marinig talaga nya kayo, nakaka hiya kaya." saway nya sa mga kasamang nag papalitan ng kuro kuro. Bigla syang naka ramdam ng hiya , 'Paano kung marinig nya?' hindi nya maiwasang naisip. Hindi masamang umasa, at yun ang nararamdaman nya. Sa mga sinabi ng kasama, hindi mawala ang mga sinabi ng mga ito sa isip nya. 'Totoo nga kayang posibleng magka gusto ang gwapong doktor sa akin?' Bigla syang lihim na nakaramdam ng excitement sa kanyang puso. Tiyak kung totoo mang may gusto ito sa kanya, hindi ito mag da- dalawang salita sa kanya. Napa ngiti sya sa naisip, crush na nga yata nya si doktor Sandoval at grabe kung maka asa ang puso nya. Hindi tuloy nya namalayang naubos na nya ang dalang pagkain. "Wow naman doktora ang gana mo yatang kumain?" biro ni dok Mia "Ha?" at tiningnan ang nasa harapan nya. Oo nga sa dami ba naman ng pagkaing dala nya, kaunti lang ang nabawas ng mga ito at naubos na nya lahat. Syempre, hiya na naman sya. "Wala namang masama kung kumain tayo ng marami. Natural pina pagod natin ang ating mga katawan at nauubos ang energy natin sa araw araw, kaya kailangan natin kumain ng marami para muling mapalitan ang sustanyang nawala at kailangan ng katawan." Singit bigla ni dok Mark. Napa lingon ang iba sa table nito at saka mga nagsi tango. "Tama nga naman si dok. Kaya idol kita eh." naka ngiting sabi ng isang lalaking nurse. Nakita nyang ngumiti ang doktor sa lalaki at tumango, ngayon lang nya ito nakitang ngumiti na dati palaging mukhang seryoso. Hindi sya muli naka imik. Titig na titig sya sa mukha nito, habang nanatiling titig ito sa mga mata nya. Sya ang unang nag iwas ng tingin, hindi nya kayang tagalan ang tinging ibini bigay nito sa kanya. Nakaka kaba at tila nag rarambol na ang kanyang puso sa lakas ng kabog nito. "So, mukhang naka hanap ka na ng hero mo, doktora ah. " biro ni dok Mia. "Anong masasabi mo doktora?" baling ng isang nurse sa kanya. "Gwapo sya at matalino, kaya lang naman suplado at mukhang masungit na laging seryoso" wala sa loob na sabi nya. Napansin nyang nanahimik ang mga ito sa sinabi nya kaya nag angat sya ng tingin sa mga ito at nakitang naka tingin ang mga ito sa likuran nya na tikom ang mga bibig. Natigilan sya at dahan dahan lumingon habang walang tigil sa pag kabog ang dibdib. At presto, naroon sa likuran nya si doktor Sandoval at matiim na naka tingin sa kanya. Napa kagat- labi sya. 'Narinig nya kaya ang sinabi ko?' bulong nya habang naka tingin rito. Naka hawak ito ng isang basong may lamang tubig. Agad syang muling umayos ng pagkaka upo. Nagka tinginan naman ang mga kasama nya sa mesa. 'Naku lagot na.' piping muli nyang bulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD