Mabilis na muling inayos ni Jane ang kanyang sarili at nag iwas ng tingin sa lalaki. Pinamulahan sya ng mukha. Muli nyang hinarap ang mga kasama na may naka plaster na ngiti sa mga labi, na wari bay nanunukso sa kanya. Walang salitang pinan lakihan nya ng mata ang mga ito. Nahiya sya ng sobra isipin pa lang nyang narinig nito ang mga sinabi nya kanina. Para tuloy nanginit ang kanyang p'wet na gusto ng umalis sa harapan nito o kaya'y lamunin na lang ng lupa.
"Alam nyo guys bagay sila ni dok Mark di ba?" tudyo ng isang nurse na may katabilan ang bibig at kumindat pa sa kanya.
"Oy ha, wag nyo ako idamay dyan." gigil na sabi nya rito na ikina bungisngis nito. Hindi tuloy sya nito makakaharap ng maayos kay dok sa sobrang hiya.
"Dok totoo naman kasi na bagay kayo, maganda ka at gwapo si dok bukod pa sa pareho kayong matalino at mahal ang trabaho."
"Ah basta!" mahina ang boses na sabi nya ayaw naman nyang marinig nito ang pinag uusapan nila.
Narinig nilang tumikhim ito sa likuran nya.
"Hindi natin dapat hinuhusgahan ang tao na base lang sa pang labas na pagkatao at nakikita natin sa kanya. Dapat matuto muna tayong kilalanin sila ng mas malalim pa para higit na makilala kung sino ba talaga sila." sabay inom sa tubig na nasa basong hawak, tila ramdam nyang pina sasaringan sya nito dahil sa sinabi nya kanina.
"Tama nga naman dok. Kaya ba sisimulan mo na ring kilalanin si dok Jane?" tudyo muli rito ng isa pang nurse na ikina tawa ng marami.
"Dapat lang yata, saka bagay naman sila." sabi muli ng isa.
"Uy! excited ako sa next episode ng love story nyo dok." biro naman ni dok Sam, bestfriend ni Mark na isa ring doktor kagaya nila.
"Ano ba naman kayo, wala pa man inunahan nyo na. Baka mamaya nyan pag ginawa ko na, mapurnada pa." cool lang na sabi ni dok Mark. Hindi nya alam na kahit sa seryosong awra nito, nagagawa nitong maki sakay sa mga biruan na hindi man lang yata naaapektuhan. Nag katawan ang lahat ng mga naroroon.
Lihim na kumabog ng husto ang dibdib nya sa sinabi nito.
'May balak kaya sya na seryosohin ang mga naririnig ko?' bulong ng isip nya
"Wag ka mag alala dok, ba- back - up- an ka namin dok" biro rin ng isa.
"Naku baka naman lalong umayaw at sabihin na nagtatago tayo sa saya ng iba." dagdag biro nito muli.
Sinulyapan nya ang gwapong doktor at saktong nag tama ang mga mata nila. Bahagya itong naka ngiti na nag palabas pa ng dalawang malalalim na dimples nito na naka dagdag sa appeal nito. Tipid nyang ginantihan ang mga ngiti nito. sa totoo lang lalo itong gumuwapo sa kanyang paningin dahil mula ng mag simula ito, ngayon pa lang rin nya nakitang ngumiti ito.
Napansin ng mga ka trabaho nila ang kanilang titigan at ngitian.
"Uyyy, mukhang may nakikita na ako ah" tudyo ng isang lalaking nurse
"Ehem." si dok Sam na tipid na naka ngiti.
Siniko naman ni dok Mia si dok Jane, kaya nabaling ang tingin nya rito.
"Obvious naman. " tudyo nito sa kanya. Nahihiyang inayos nya ang kanyang mga gamit ng muling marinig ang tinig nito sa kanyang likuran.
"Pano mauna na muna ako sa inyo. May pasyente pa akong kailangan i check sa ER." pamama alam nito sa kanila.
. "Sige dok."
Kumaway lang ito ng bahagya at tumalikod na kasabay si dok Sam.
Mabilis na lumapit sa kanya ang isang nurse.
"Mukhang gusto ka talaga ni dok Mark, doktora. Nag paparamdam na.. ayee... " tila kinikilig na sabi nito na hinawakan pa talaga ang sariling mga pisngi nito. Natatawang naiiling na lang si dok Jane at mabilis ring nag paalam ng matapos sa ginagawa.
"Mauna na ako sa inyo" at dinampot ang kanyang bag.
"Sabay na tayo." si dok Mia.
Habang nag lalakad sila sa hallway naka pag kwentuhan pa sila ni dok Mia at masayang nag kakatawanan.
"Seryoso ka ata kanina habang nag bibiro si dok Mark. Ngayon at least alam mo ng hindi naman yata sya masungit. Front lang nya yun noon at kita mo na kanina, yun ang first time nya na ngumiti simula ng dumating sya rito."
"Mukha naman na mabait, at palagay na ata ang loob nya sa ibang mga kasama natin."
"Kaya nga mapalagay ka na rin para mas makilala nyo pa ang isat isa. Hindi yon mahirap gawin sa inyo dahil pareho naman kayo ng nature ng trabaho at always pa kayong mag kakasama nyan."
"Dok naman, hindi pa nga nag sasabi yung tao kung may feeling sya eh." tila nahiya na sabi nya. Baka naman isipin ng mga kasama nya na umaasa sya. 'Hindi nga ba?'
"Sus, kahit naman itago nyo yan, obvious naman sa inyo eh nung una pa man." at kumindat ito sa kanya.
"Naku, nakakahiya naman"
"Anong nakaka hiya roon. Saka bagay kayo ni dok Mark. Masipag at matalino pa, balita ko, mabait at mapag mahal pa sa mga magulang kasi isa yata yun sa mas pi na priorities nya, yung tumulong sa magulang kahit pa nga sabihing mayaman na rin naman sila, hindi nawawala yung utang na loob di ba?"
"Sabagay."
"O dito ka na, check ko pa pasyente ko." at huminto ito saglit.
"Oo nga, sige." at mabilis rin syang pumasok ng kanyang opisina. Nginitian pa nya ang ilan sa mga naka pilang naka upo sa labas ng clinic.
"Tess, may mga available pa bang supply ng med dyan sa cabinet?" sabi nya pag pasok sa kanyang assistant.
"Meron pa po doktora, yung bagong in ship pong med expected po bukas na darating.
"Ah okay." tinungo nya ang kanyang mesa at naupo.
"Dra. may appointment po kayo tommorow with doctor Te, regarding po sa pino promote nilang bagong medicines." pag papa alala nito sa kanya.
"Sige salamat. Approve naman na ang gamot at proven na effective at safe gamitin sa ilang pasyente na may allergies kaya titingnan natin kung pwede rin natin magamit yun sa ibang pasyente rito."
"Opo nga dok, mas mabuti na yun medyo mas mababa sa price sa dating supply natin pero pareho pa rin ng naman na effective at safe gaya ng branded. Kawawa po kasi yung ibang hindi maka afford ng mas mahal na gamot."
"Kumusta yung nasa ICU na pasyente?" tanong nya sabay abot ng isang file rito.
"Under observations pa dra. at 24 hours pa bago ma decide kung ililipat na ba ng private room. Kanina po kasi bigla na naman bumaba ang platelets nya at nag ka mild seizure sya." paliwanag nito. Pasyente itong may dengue at isinugod matapos ang walang humpay na pag susuka at pabalik balik na high fever. Masyado ng bumaba ang platelets nito kaya ikinon fine pa upang ma obserbahan. Kinuha nya ang file ng pasyente at saglit na tiningnan.
"Actually nandon po kanina si dok Mark at in check na nya ang pasyente, wala naman ibang sinabi maliban sa palagian itong i- monitor."
Tumango sya at isinandal pansamantala ang likod at nag inat ng mga braso.
"Mag start ka na ba dra.?"
" Oo. gusto ko yata maaga maka pag pahinga ngayon. Parang nanakit yata ang mga buto buto ko sa pagod." naiiling na sabi nya na ikina tawa ng kanyang assistant. Sanay na rin ito sa pag bibiruan nila sa loob ng opisina nya. Nag simula na rin sya sa kanyang iba pang pasyente.
. "Paki abot po ito nay sa kanya tapos balik ka po pag lipas ng tatlong araw." sabi nya sa isang matanda at itinuro ang table ng kanyang assistant, matapos ibigay ang reseta at gamot nito para sa bayad.
"Kailan po ang balik ko dok?" ulit- tanong ng matanda sa kanya na tila hindi narinig ang kanyang sinabi.
"Ikatlong araw po, nay para ma check ko po kung okey na po ba kayo."
Tumango lang ito at tumalikod.
"At hwag po kalilimutan ang pag inom ng gamot sa tamang oras." pahabol paalala nya sa lola. "Next po please."
Napapagod na sininop na nya ang mga gamit. Parang gusto nyang ipahinga rin muna ang sarili at mahiga ng maaga.
"Maaga akong lalabas ngayon Tess, pwede pabor naman na paki sinop mo muna yung ibang papel na kailangan ko bukas bago ka mg out? Masama kasi ang pakiramdam ko." hiling nya rito
"Ay opo naman dra. sige lang po, ako na bahala dito." mabilis naman na sagot nito at bahagya pang tumango.
"Salamat. "
"Ingat ka po dra." pahabol pa alala nito.
At tuluyan na syang lumabas ng clinic nya.
Sa hallway habang mabibilis ang mga hakbang nya ng may biglang tumawag sa kanya.
" Dra Santos,pauwi ka na?" tanong ni dok Mark ng maka salubong sya. Bahagya naman itong naka ngiti sa kanya.
"Yes dok. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, siguro kailangan lang ng konting pahinga." at gumanti rin sya ng ngiti rito.
"Ang mabuti pa ihatid na lang kita kesa naman mag commute ka pa." alok nito sa kanya.
"Ai naku, wag na dok, kaya ko na naman 'to. Mild stress lang siguro." hindi nya maiwasang maka ramdam ng hiya rito.
"Wag na makulit, hatid na kita, ipapasok ko lang itong dala ko. Baka mapano ka pa dyan sa daan." sabay taas ng ilang file na hawak. Wala syang nagawa kundi ang pumayag. Lihim namang natuwa sa nakikitang concern sa mga mata nito para sa kanya nga ba?
Nailing na lang sya sa sarili habang sinusundan ng tanaw si dok Mark na tinungo ang sarili nitong opisina. Hindi rin naman ito nag tagal at muli ring bumalik, na wala namang dala na kahit ano.
"Tayo na?" sabi nito ng makatapat muli sa kanya. Tumango sya at sumabay rito. Hindi tuloy naka ligtas sa paningin nila ang mga kasamahang sumulyap sa kanila ng naka ngiti ng sabay silang lumabas ng hospital. .