CHAPTER FOUR - COFFEE

1565 Words
Magkapanabay na lumabas ng hospital sina dok Mark at dok Jane. Wala naman syang magawa sa pamimilit nitong ihatid sya. Isa pa, tipid na rin sa pamasahe. Inihatid sya nito hanggang sa tarangkahan ng inu upahang bording house. Nahiya naman syang hindi muna ito imbitahan. "Pasok ka muna, para naman makapag kape ka muna." aya nya rito. "Salamat, pero hindi na rin muna siguro. Sa susunod na lang, may dadaanan pa kasi ako." at ngumiti ito sa kanya. "Ah, ikaw, pero salamat ulit." nahihiya nyang sabi. Naka ngiting tumango lang ito at bahagyang kumaway bilang pamama alam. Hinintay na muna nya itong maka alis bago sya muling pumasok sa loob. Nagluto lang sya ng pagkaing madaling maluto itlog na nilaga at kanin lang saka nag linis ng katawan bago nahiga. Hindi pa rin naman sya agad naka tulog kaya dinampot nya ang phone at saglit na nag browse. Napa ngiti sya ng mapansin ang isang post ng kanyang ka trabaho sa kanilang masayang lunch kanina. Naka ngiting ipinokus pa nya sa picture ng gwapong doctor na si dok Mark at tinitigan iyon. Tumingin pa sya ng iba pa. At nag download pa ng picture nito na in save pa nya sa phone nya. Naka ngiti syang naka tulog. Kinabukasan busy ang lahat. Sunod sunod ang ipinasok na pasyente sa emergency kaya halos hindi na rin maka pag usap ang buong department nila, Halos hindi na rin sila naka pag break ng maayos. Pagod at nanlalata ang mga katawan na isa isa silang napa upo ng bandang hapon na. "Okey ka lang?" si dok Mark, may hawak itong dalawang cup ng kape. "Kape ka muna para ma relax ng kaunti." at inabot nito sa kanya ang isang tasa ng kape. "Salamat!" tipid na sabi nya at bahagyang ngumiti, sabay abot nito. "Welcome!" at saka ito umupo sa katapat nyang silya. Matagal muna silang hindi naka imik sa isat isa bago muling nag salita si dok Mark. "Ahm, ano sa tingin mo itong trabaho natin?" tanong nito na naka yuko at naka tuon ang tingin sa hawak na cup. "Ahmnn, hectic pero enjoy, masaya na may ibang mga buhay tayong natutulungan at nabibigyan ng pag asa." naka ngiting sabi nya. "E ikaw?" at bahagya itong lumingon sa binatang doctor. "Pareho rin. Mahirap pero masaya. Malungkot man kung minsan pero kasama na iyon sa buhay." at bahagya pa itong tumango tango. " Meron ka pa bang ibang mga kapatid?" curious na tanong nya. " Oo, tatlo kami, apat nga sana kaso parang Hindi na rin naman namin makaka sama yung isa pa." malungkot na sabi nito. "Bakit naman?" lalong nabuhay ang kyuryosidad nya sa sinabi nito. "Mahabang kwento, siguro pag may mahaba haba tayong oras mai kukwento ko rin sayo. Medyo magulo rin kasi." "Ah, sensya na kung ma usisa ako." hinging paumanhin nya rito. "Wala yun. " at saka ito umayos ng upo. "Ma iwan muna kita, may sisilipin lang akong pasyente bago ako mag out." pa alam nito. "Sya nga pala, kung hindi ka naman nag aapura, pwede kitang ihatid matapos nito." alok pa nito. "Naku, hindi na, nakaka hiya na rin naman. Mag co- commute na lang po ako." nahi hiyang tanggi nya rito. "Maliit lang naman na bagay iyon" "Hindi na ho. Kaya ko na naman na." "At bakit bigla naman yata may po?" may himig birong sabi nito. "Baka tumanda ako agad nyan." na ikina tawa nilang pareho. "Pasensya na, nabigla lang siguro ako." Tumango ito sabay senyas. "Una na ako." mabilis naman syang tumango. Nang wala na ito sa paningin nya, mabilis na sininop nya ang mga gamit at saka tumayo upang lumabas na rin. Kasalukuyan syang nag hihintay ng masasakyan ng biglang may huminto sa tapat nya. "Sakay na!" sabi ni dok Mark ng maibaba nito ang salamin ng sasakyan. Bahagya pa syang nagulat. "Ang bilis mo naman yata, dok?" takang tanong nya. "Ganun talaga." naka ngiti ito sabay kindat sa kanya. Namula ang pisngi nya. "Ikaw talaga dok, mabiro!" "Sakay na. Baka abutin pa tayo rito ng dilim. " Nahihiya man, mabilis na syang sumakay Habang nasa byahe, masayang nag usap ang dalawa. Habang nag tatawanan. "Masyadong busy ngayong araw, medyo na stress ka yata dra.?" nata tawang biro nito. "Naku sa kagaya nating ganito ang trabaho, tingin ko araw araw yata na kakambal na natin o tayo ang stress." . "Oo nga eh. Medyo nakaka pagod rin naman pero kailangan. Siguro kailangan rin naman natin mag break minsan, no?" at lumingon sa kanya ang binatang doktor. "Ano sa tingin mo, dra.?" "Ha? bakit naman ako ang tinatanong mo?" nabiglang sabi ni dra. Jane. "Yes! kasi ikaw yung gusto kong maka sama sa break na sinasabi ko." naka guhit ang ngiti nito sa labi. "Talagang mabiro ka nga pala dok." tila nahi- hiyang sabi nya. "Bakit? Mukha ba naman akong nag bibiro? Hindi nga, totoo lang break naman tayo minsan, kahit labas lang muna, kain sa labas, nood ng sine, pasyal konti, o hindi ba't kahit sa simpleng ganoon lang, na relax ka din." nata tawa ito habang nag sasalita. Habang si dra. Jane hindi ma iwasang lihim na kilitiin ang damdamin. Totoong kinilig naman sya sa mga sinabi nito. 'Nag papa ramdam na ba sya?' piping bulong nya sa sarili. Sa sobrang busy ng kanilang duty araw araw parang imposible yatang magawa nila iyon para sa sarili. Pero bakit nga ba hindi, wala namang mawawala kung susubukan nila, Mas mabuti na nga iyong sinubukan kesa agad na sinukuan hindi pa man na ita- try. "So, ano sa tingin mo, dra?" untag muli nito sa kanya. "Hmn, sige, bakit hindi? Wala naman mawawala kung susubok tayo, di ba?" at saka sya ngumiti rito. "O kita muna, di pumayag ka rin, totohanan na iyan, dra, wala ng bawian." "Oo naman." at sabay silang napa halakhak. "Hindi ko alam na makulit ka rin pala, dok." parang unti unti na nyang nakikilala ang ugali mayroon ang gwapong doktor. At a- aminin nya na unti unti na ring mas lalong lumalalim ang pagka gusto nya rito. Ang pagiging malambing at ma alalahanin nito isang katangian na na hinahanap nya sa taong gusto nyang pag alayan ng pag mamahal. Bukod pa sa nakikita naman nyang responsable ito sa lahat maging sa trabaho nito. Alam nyang sa kabila ng pagiging mayaman naman nito, heto at pilit pa ring ginagawa ang napiling propesyon na kung tutuusin kahit hindi naman yata ito mag trabaho ay kaya pa ring mabuhay ng maayos at maginhawa. "Anong ini isip mo?" untag nito sa pag mumuni muni nya. "Ha? Ah eh. wala naman. Pagod lang marahil." mabilis naman nyang palusot sabay ngiti ng bahagya rito. "Speaking of pagod, narito na tayo." at huminto ito sa tapat ng apartment nya. Agad itong bumaba at umikot sa side nya para pag buksan sya. Muli na naman syang naka ramdam ng hiya rito. "Pahinga ka ng maayos dra. para mawala iyang stress mo at may labas pa tayo bukas, remember?" hinawakan sya nito sa siko at saka inalalayang maka labas. "Ako na, kaya ko na naman." pigil nya rito ng akmang aabutin nito ang dala nyang gamit nya. "Maliit na bagay lang ito." anito sabay dampot ng gamit nya. "Pumasok ka na muna at mag kape." alok nya rito at kinuha ang kanyang mga gamit na hawak nito. "Sige, mabuti pa nga, malamig rin dito sa labas." at mabilis itong sumunod sa kanya papasok. "Pag pasensyahan mo n lang itong space ko." nahihiyang sabi nya rito. Alam naman nyang mayaman ito at marahil hindi komportable sa maliit na space na kagaya ng sa apartment nya. "Wala namang problema sa space mo ah." sambit nito at inilibot ang tigin sa kabuuan ng kwarto. "Sapat lang sa kagaya mong nag iisa, hindi naman kailangan ng malaki ang space. Tiyak naman na ikaw rin mahihirapan kung mag isa mo na nga tapos malaki pa ang space, baka hindi mo na rin ma asikaso na linisin sa sobrang hectic ng schedule mo sa hospital." "Oo nga eh, misan sa sobrang pagod ko, nakaka tulog na lang ako agad pag dating." natatawang saad nya. "Ma upo ka na muna at ipag titimpla lang kita sandali. Anong gusto mo, black or may cream?" "Black na lang, sabi kasi nila pampa tanggal raw iyon ng antok. Mag da drive pa kasi ako, so, siguro black na lang para hindi naman ako maka tulog sa daan. " biro nito at iniwan na nya ito sa sala. Nag tungo sya sa kusina at nag timpla ng dalawang tasa ng kape. Mabilis nyang ini abot rito ang kape ng bumalik sya. "Hindi ka ba nalulungkot na mag isa ka rito?" tanong nito bigla sa kanya. "Hindi naman, medyo nasanay na rin naman ako. Start naman na nag aral ako rito, mag isa ko lang rin." "Tapang mo dra. ah." Thank's for compliment. Siguro talagang ganon lang, minsan kailangan mo ring tiisin ang hirap na mag isa para maka survive sa kung anong gusto mo. Mamas girl ako noon, halos ayaw ko ring malayo kina mama kaya nga halos tatlong buwan akong sinamahan ni mama rito, pero inisip ko na lang para rin naman sa future namin ito, kaya tiniis ko ang homesick ko sa amin, at halos araw araw na lang akong tumatawag sa kanila lalo na kung mag isa ako. " natatawang kwento nya. All ears naman nakikinig sa kanya ang binata habang nangingiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD