Acts of Love Services
A simple lie and you can make her go happily.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MARY
"Hindi ko yata kaya."
"What?"
"H-hindi ko kaya ang ganito."
"It's too late to back out. Look, you don't need to do much. You just have to be strong in front of her for a couple of hours."
Napapikit siya sa pangungumbinsi ni Mr. Arellano. Kahit anong pilit niyang magpakatatag, nababasag ang kaniyang lakas ng loob tuwing mapapasilip siya sa pitong- taong- gulang na batang nakahiga sa kama sa loob ng Intensive Care Unit. May mga tubong nakakabit sa walang malay na bata na lalong nagpapadurog sa dibdib niya.
"S-sir, " simula niya muling pakiusap.
"Ariel. Call me Ariel," pagtatama ng ama ng bata nang tingalain niya ito.
Nasa edad trenta na ang lalaki at isang ulo ang taas sa kaniya. Disente ang hitsura nito at kalmado sa kabila ng sitwasyong kinalalagakan nila ngayong dalawa.
Sadyang pinili ni Mary ang suot at paraan ng pagme-make up para makalapit sa edad nito ngayong hapon.
"P-pero Ariel-"
"Daddy..."
Nahinto siya sa pagsasalita. Para siyang naharangan ng malaking tinik sa lalamunan nang marinig ang munting tinig sa loob ng silid. Mahigpit siyang pinisil ni Mr. Arellano bago siya nito marahang hinila papasok sa loob ng ICU.
"Hey, baby, you're awake," salubong ni Mr. Arellano sa kaniyang anak bago siya binitiwan at lumakad sa kaliwang bahagi ng kama.
Napahawak siya sa nakapusod niyang buhok dahil sa kaba. Hindi niya naihanda ang sarili sa intense ng sitwasyon.
"M-mommy Shiela?"
Siya ngayon si Mrs. Shiela Arellano. Ang inang iniwan ang mag-ama bago pa magkaisip ang bata.
Nagsalubong ang kanilang mata at hindi niya napigilan ang maluha kahit pa ang kabilin-bilinan ni Ariel ay ang magpakatatag siya para sa bata.
"Erica..." Pilit siyang ngumiti habang marahang hinahaplos ang nauubos na buhok ng bata sa ulo nito. Namasa ang mata ni Erica at tuluyang naiyak habang pilit na ikinilos ang kamay para abutin siya.
"Bakit... ngayon... ka lang?" wika ni Erica habang umiiyak.
"I was wrong, baby," sabi niya habang patuloy niyang haplos. Ito lang ang paraan para mapunan niya ang mga bagay na matagal nang hinahanap ni Erica sa isang ina. "Everything will be fine," pampalakas niya ng loob gaya ng napag-usapan nila ni Mr. Arellano.
Pumikit ang bata sabay hinga nang malalim. "Mommy, do you love me?" sabi nito nang may malumanay na ngiti.
"O-of course. I-" Tumingin siya kay Mr. Arellano. Ayaw niyang magsinungaling lalo na sa batang ilang oras na lang ang ibubuhay. "Mommy loves you so much. Walang ina na hindi nagmahal ng kaniyang anak," paliwanag niya.
Nanginginig ang kamay ni Erica nang kunin nito ang kamay ng kaniyang ama at ipinatong sa kamay niya.
"I'm happy, daddy, mommy... Promise you'll visit me everytime," nakangiting sabi ng bata kahit nahihirapan magsalita. "I love... you.. b-both... " Pumikit si Erica kasabay ng matining na pagtunog ng aparato.
"E-Erica..."
"Baby!"
********
"Nakipaglibing ka pa talaga!"
Nailayo niya ang telepono sa tainga habang nagdadakdak ang kaniyang ninang sa kabilang linya.
"Ano ba naman, Mary, you literally went against the contract," sita ng kaniyang ninang Agnes. "Hindi ko tuloy alam kung ihuhulog pa ni Mr. Arellano 'yung balanse sa usapan after niyang tumawag. Forty thousand din 'yun!"
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "'Nang, hindi ko napigilan. Huling habilin 'yun ni Erica. Sa akin nalagutan ng hininga 'yung bata tapos..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin nang mapagaralgal ang boses niya.
"Oh, umiiyak ka na naman. Ilang beses ko bang ipapaalala sa 'yo, we're only actors," palatak ng kaniyang ninang.
Alam niyang limang minuto lang sila nagkausap no'ng bata pero nakipaglibing siya kahit na ipinagtaka ng kapamilya ni Mr. Arellano.
"Sumalangit nawa ang kaluluwa ng bata, pero parang sa 'yo talaga siya lumabas no'ng maiyak ka raw. Kuuh! Bilisan mo na ngang umuwi at ako'y may lalakarin pa," sermon pa rin ng kaniyang Ninang.
Nagpupunas siya ng luha nang itago ang telepono at pumara. "Doon na lang po sa may building na blue, manong, " sabi niya.
"Acting workshop ba iyan o foundation?" tanong ng taxi driver na sumilip sa establishment.
"Ah, parang gano'n po," malabo niyang sagot. Lumabas na siya kaagad matapos mag-abot ang three hundred pesos.
Lihim siyang napairap nang sulyapan ang signage ng agency na nakakabit sa pader ng four-storey building. Acts of Love Services Agency (ALSA) -ang nakasulat doon.
Hindi ito kalakihan o magarang gusali ngunit disente naman. Ang third at fourth floor ay ang tirahan nilang mag-ninang habang ang second floor ay ginamit na stock room at old records section. Sa ground floor lang ang opisina ng ALSA pero sapat para mag-estima ng iba't iba uri ng kliyente mula sa may-kaya hanggang sa mga kilalang tao. Tinted ang salamin ng entrance door to keep the clients from prying eyes and to secure their privacy. Pagpasok sa loob, agad makikita ang maaliwalas na waiting area. Sa may kaliwa nakapuwesto ang isang mesa for information kung saan siya nakapuwesto dahil may access iyon sa opisina ng presidente, ang kaniyang ninang Agnes.
Ang ALSA ay dating acting workshop agency. More on skills enhancing to be exact para sa mga nais mag-theatre and or maging performer at maipadala sa Japan, Hongkong at kung saan nangangailangan ng preformer.
Hindi niya na matandaan ang eksaktong nangyari kung bakit nauwi sa ganito ang kompaniya. Ganito as in, their employees are now getting hired by certain clients para maging actors or actress to fill in real life situations.
In tagalog, magpanggap.
Yes, magpanggap bilang isang tao na wala sa buhay ng kliyente at kailangan sa isang pagkakataon o okasyon.
Her last "unexpected" project was Erica. She's Mommy Shiela na lumayas at nang-iwan noong baby pa ang bata. Minsan din siyang naging si Karen sa nawawalang apo ng may alzheimer na si Don Arnulfo at naging Cinthia naman para kay Leon na naka-move on na 'raw' sa ex niyang puro panga.
Lahat ng project niya ay unexpected dahil matapos siyang ma-'brokenheart' bilang Cinthia sa first project niya, hindi na siya na-considered as talent ng ninang niya. Her Ninang decided na mamahala na lang siya at makatuwang sa opisina. Nakakapag-book lang siya kung wala na talagang option at kapag siya ang nag-book sa sarili dahil wala si ninang.
Sad but sometimes, lying is the last resort of someone's contentment or happiness. At mas sad dahil may mga taong kagaya niya na napakahirap magpanggap mula simula hanggang wakas.
Masigabong palakpakan ang isinalubong sa kaniya nang makarating sa kanang bahagi ng opisina. Ang resting area ng talents. Natatakpan ang spot na ito at di agad nakikita mula sa pinto. Doon makikita ang di kalakihang sofa set at TV.
"And the best actress is..!" sabi ng bading niyang kaibigan na si Andre na nakadireksyon ang kamay sa kaniya. "Tan dan dan dan!"
"Puwede ba," tinatamad niyang sagot. "Wala ako sa mood."
Nagtawanan sina Leni at Marielle na nakapuwesto sa sofa. Mga kaibigan din niya ito dito sa agency.
"Ay naku, 'day, huwag kang mag-alala, talagang last na last na last project mo na 'yan! Hindi ko ikakagulat na mapakasal ka kay Mr. Arellano dahil hinabilin ng namayapang anak mo for five minutes," nakairap na sabi ng twenty-four-years-old na si Andre.
Hindi ito mapapagkamalang bading dahil pasok ito sa description ng tall, dark and handsome. Kaya rin nitong i-moderate ang boses lalo na kung kailangan sa trabaho.
"Napakainosente ni Erica, okay," pagtatanggol niya.
"Oh, tama na, iiyak ka na naman," harang ni Andre.
"Nanloloko tayo," pagtutuwid niya. Dati nang taliwas ang paniniwala niya sa naging takbo ng negosyo nila. Lalo na sa mga naging proyekto niya.
"Oy, hindi naman tayo nagpapanggap lang at nagnanakaw. Sobra ka," sabat ni Leni. Twenty-two years old, maganda, kayumanggi, mahaba ang buhok at may magandang ngiti.
"Nanloloko pa rin tayo," giit niya.
"Bes, tumutulong tayo sa mga taong ayaw mapahiya sa madla dahil may kulang sa buhay nila. Never naman tayong nangbudol-budol," saad ni Marielle na ikinataas ng kilay niya. Talent din ito at isa sa mga malakas mag-book ng mga 'level-up' project sa kompanya. Kuha kasi nito ang standard na height na five feet six inches, maputi, may lahing Americana at graduate ng stage theatre. Na-inlove, nasaktan at heto, naging impostora imbes na totoong pag-aartista.
"Di ba nga... Para tayong fairy-godmother na nag-ga-grant ng wish sa mga taong may kulang sa buhay nila? Hanggang twelve midnight nga lang. Gets?" banat ulit ni Andre.
"Narinig ko na 'yan kay ninang." Naiiling siyang kumuha ng chicharon sa center table at nakiupo sa sofa. Tumutok na lang siya sa TV nang makita ang lumang interview ng favorite actor niyang si Raymond Wang.
"Oh, my god!" natatawang sabi bigla ni Leni. "Alam ko na kung saan mo nakuha ang dialogue mo sa ospital, hahahah!"
"Walang ina na hindi nagmahal ng kaniyang anak..." excited na wika at suporta ni Marielle.
"Ay true!" tili ni Andre na umupo sa tabi ko, hawak-hawak ang report folder ko. Doon inilalagay ang mga comment ng kliyenteng pinagtrabahuhan nila.
Naiinis niyang hinablot ang file kay bakla. Naiirita siyang nai-quote ang linyang 'yun ni Mr. Arellano.
"E, sa 'yun lang ang naalala kong sabihin, e!" pag-amin niya. "Ang usapan, tulungan kong makatawid sa kabilang buhay si Erica nang masaya," himutok niya.
"Idol mo lang talaga si Raymond," tukso ni Leni.
"Kahit sa malditang Jennilyn na 'yan niya sinabi 'yun, totoo naman 'yung linya." Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang maarteng ka-loveteam ni Raymond. Sa video kasing ipini-play, nakapulupot ito at halos ibaon ang braso ng aktor sa gitna ng dibdib nito.
"Well, mas magaling kang mag-profile ng actor na ia-assign mo sa kliyente kesa ikaw ang um-acting. Malalaos sina Juday sa 'yo," sabay hagalpak ng tawa ni bakla kaya sinabunutan niya ito.
"Hindi na talaga. Ayoko na," sagot niya. "Huwag na nga kayong maingay, magsasalita na si Raymond ko."
"Magsasalita na siya tungkol ikinakalat ni Jennilyn na relasyon daw nila bago pa ipalabas 'yung movie," kuwento ni Marielle na binuhat na ang supot ng chicharon at sawsawan bago pumwesto nang maayos sa sofa.
"Baka iko-confirm ang relasyon nila," opinyon ni Leni na nakidukot na ng chihcaron.
Tumututok na si Mary sa TV. Ayaw niya talaga kay Jennilyn at hindi siya naniniwalang papatulan ito ni Raymond. Bukod sa napakagwapo ng Taiwanese-Filipino actor na 'to sa five feet eleven na height, maputi, makinis, napakatangos ng ilong, cute ang ngiti na bagay sa mapuputi nitong ipin, napakataas din ng level ng charisma nito. Hindi bagay sa gandang-maldita na mukha ng ka-loveteam ng aktor. Si Raymond ay gwapong sosyal, unlike his loveteam, gandang pangbaratan.
"So Raymond, puwede mo na bang sagutin ang mainit na issue ninyo ni Miss Jennilyn Soriano? " tanong ng host ng programa.
"Yes, Tito Coy. That's why I'm here. Gusto ko nang linawin ang issue about us." simpleng sagot ni Raymond.
"Okay, tell us... totoo ba ang balitang kinokompirma ni Jennilyn ang madalas ninyong pagde-date? Is it true na beyond friendship na ang relastionship ninyo?" diretsong tanong ni Tito Coy.
Napakagat ng labi si Mary. Pakiramdam niya ay mawawala ang paghanga niya kay Raymond kapag ang maarteng aktres na 'yun ang makakarelasyon nito in real life.
"Well, to answer that question, yes, Tito Coy, our relationship is beyond simple friendship... " anang aktor.
Parang bumagsak ang panga ni Mary sa disappointment. Hindi siya baliw sa pagkakagusto sa aktor pero para siyang nadaya sa ibinigay niyang tiwala dito.
"So it's true. You're now into more intimate relationship? It is official?" excited na tanong ng host na ikinangiti nang malapad ni Raymond.
"Well... yes. Naging very close kami ni Jennilyn. But no. It is definitely not intimate," sagot ni Raymond.
Napa-O ang bibig ni Mary at mas lalong lumakas ang reaksiyon ng mga katabi .
"I am going to say this once and for all para sa aking mga fans. I don't want to hide it anymore..." patuloy ng aktor.
"Oh my god, bading siya!" sabat ni Andre.
"No way!" kontra niya.
Nagkagulo sa harap ng TV pero hindi nakawala sa pandinig ni Mary ang idinugtong ni Raymond.
"I'm engaged."
Tumahimik ang kapaligiran. Pati ang pagnguya niya ng chicharon ay napahinto.
"I have a fiancee that I love very much." -pagtatapos ni Raymond.
Napahinto ng paghinga si Mary habang nakikipagtitigan sa aktor sa TV screen. Kung uma-acting ngayon si Raymond, hindi niya masabi. Kung nagkukunwari ito, puwedeng-puwede siya sa Acts of Love Services!
❤