THE FIANCEE

1658 Words
MARY. "Ninang, fiancee? Seryoso?" "I'm sorry. I thought it's your decision to make, once na makausap mo sila. They made sure na nakapili na sila at bayad na ang talent bago i-reveal ang sensitive issue," paliwanag ni ninang Agnes. Bumuntong-hininga si Mary. Kanina pa siya nakakulong sa apat na sulok ng comfort room sa kuwarto ni Raymond at hindi niya alam kung paano lalabas para harapin ang journalist. Kanina sa canteen, muntik siyang mabaliw nang magbitiw ng statement si Jerry; reporter ng isang newspaper. Halos lahat ng tao sa paligid ay naglabasan ng phone at itinutok sa kaniya. Mabuti at mabilis siyang tinakpan ng jacket ni Peter at iniakyat siya dito sa kuwarto. "Well, di na 'ko makakaatras. Kailangan ko lang naman patunayan sa kanila na may fiancee si Raymond. Tapos. After a few days, mawawala na ako, right?" paglilinaw niya. "That's the deal. As long as walang magiging problema, you're free to come back here," kompirma ni ninang. Hindi na siya nakasagot pa. "Anak, salamat. You have no idea how this will help us. Will help me. It's a big project. Kung meron lang akong ibang-" "Ninang," harang niya. "Para sa inyo 'to, okay?" "I love you, anak," madamdaming sabi ng ninang niya. "I love you po," sincere niyang sagot. "Siya, iiyak ka na naman niyan. Congratulations, win-win 'yan, alam kong idol mo si Raymond and hindi ka mahiirapan dahil wala siyang malay," sabi nito na pinasigla na ang boses. " Huwag mo'ng pakakasalan!" biro nito sabay tawa. "Ninang naman eh," parang batang reklamo ni Mary. Pinutol niya ang linya na magaan na ang loob kahit papaano. At least, nagkaroon ng mas importanteng purpose ang gagawin niyang panloloko ngayon sa publiko. Lumabas siya at na-realize na wala nang tao. Aayusin niya sana ang mga nakabagsak na kable mula sa mga medical equipment nang mayamaya'y bumukas nang maluwag ang pinto at ipinasok si Raymond. Gumilid siya para panoorin ang pagkabit muli ng mga aparato sa binata. Hindi na niya pinansin ang ilang panakaw na tingin sa kaniya ng mga nurse bago nagpaalam. Naiwan siya'ng mag-isa kay Raymond. Siniguro niyang wala ng tao bago lumapit dito. Raymond Wang in the flesh. Gusto niyang tumili pero hindi niya magawang ma-excite dahil sa kalagayan nito. Dahan- dahan niyang inayos ang kumot nito at lakas-loob na hinaplos sa pisngi ng binata. Buong paghanga niyang pinagmasdan ang aktor. He's here, face to face. Isip niya habang pinupunasan ang butil-butil na pawis nito. "Ilang araw kitang makakasama, my fiancé . Huwag kang mag-alala, aalagaan kita," nakangiti niyang bulong dito. Kinikilig na yata siya! Natatawa siya sa sarili dahil nai-imagine niyang didilat ang aktor dahil narinig nito ang sinabi niya kahit alam niyang imposible. Napaigtad siya sa biglang pagbukas ng pintuan na ikinaatras niya palayo kay Raymond. Lumitaw sina Simon at Peter. May bitbit na mga prutas at pagkain. "Let's talk, Mary," bungad ni Simon. "Now that we had the situation, there's no turning back. I confirmed to Jerry of NBS Newpapers na ikaw nga ang pinakatatagong fiancee ni Raymond," deklara nito. May inabot na notebook si Peter sa kaniya. Mga handwritten notes. "Yan ang mga sinabi ni Simon kay Jerry kanina sa interview," paliwanag ni Peter. Napalingon si Mary sa kaniya nang makita ang penmanship nito. "Memorize that just in case magkaroon ng mga hindi inaasahang ambush interview," dugtong ni Simon. Kumunot ang noo niya sa mga notes."Ibinigay mo ang totoo kong pangalan?" sita niya. Nagkatinginan si Simon at Peter na mukhang nagulat pareho. "I didn't know. I thought you were given screen names," sagot ni Simon na lalo niyang ikina-shock. "Sinabi ko na sa inyo, hindi ako kasama sa mga talent," reklamo niya. Patay. Patay ako talaga! **** "One week? Eeeiiiiiii!" Inilayo ni Mary ang tainga sa lakas ng tili nila Marielle at Leni sa telepono. "Huwag kayong maingay. Baka kayo ang maging dahilan nang paggising ni Raymond dito," sita niya. "Nakakaloka! Ang swerte mo, Marya!" sigaw ni Andre na kasamang nakikipagsabayan ng chika sa telepono. "Kahit nakakangawit matutulog ako sa tabi niyan!" "Oo nga, iki-kiss ko 'yan para magising!" si Leni. "Hindi mo naman siya makikilala sa dami ng galos sa mukha at benda. Hindi siya nakakakilig. Nakakaawa siya," pampakalmang pahayag ni Mary. "Kahit na, dream come true 'yan, 'Day! Malapitan mong mahahawakan..." sambit si Leni. "Malapitan mong maaamoy..." dugtong si Marielle. "At malapitan mong masisilipan! Eeeiii!" tili ni Andrei. "Hoy, mga bastos kayo. Huwag nga kayong ganiyan! Silipan ka r'yan," napapairap niyang sabi. "It's supposed to be a top secret. Sa bunganga n'yong tatlo, malamang alam na ng buong barangay d'yan! Makukulong ako sa inyo, eh," reklamo niya. "Hija, paano mo itatago ang role mo, e public personality 'yang jowa mo," wika ni Marielle. "Oo nga at 'Day, may mga naglalabasan nang stolen shots mo no," sabat ni Leni. "Oo, sabi pa rito, 'Lumabas na ang fiancee ni Raymond dahil nasaktan sa salita ng mga mapanghusgang bashers!' ganern," si Andre. Napabuntong-hininga si Mary. Mukhang magiging habit na niya ito maya't- maya. Ipinadala sa kaniya ni Andre ang feature news blog na may kasamang stolen shots niya. Malabo ito pero alam niyang siya 'yun. Magkukwento pa sana siya nang dumating si Peter. Agad niyang pinutol ang linya at nagkunwaring nagpapahinga. May bitbit ito na mangilan-ngilang paperbags at ipinatong sa tabi niya. "Magpalit ka muna then alis tayo," nakangiting sabi ni Peter. "Saan tayo pupunta?" tanong niya. ****** "Seryoso, kailangan ko 'to?" sarkastikong sabi ni Mary habang tinitingnan ang bago niyang bangs at rebonded na buhok. Nangingiting tumango si Peter sabay tingin sa suot niya. "So kailangan ko rin isuot lahat ng pinamili mong damit dahil din kay Raymond?" "Of course. Kailangang ma-justify natin ang pagiging fiancee mo sa napakasikat na si Raymond Wang," sagot ni Peter habang inaabutan siya ng pizza sa plato. Tumaas ang kilay ni Mary. "Ikaw talaga ang namili ng lahat ng ito?" sabay tingin sa size ng brassiere at underwear sa bag. Tumango ang binata. "It's either babaero ka or ikaw ang namimili ng damit ng mga babae ni Raymond," patutsada niya. Malalim na biloy ang isinagot ni Peter. "Basahin mo lahat ng nasa notes. Alam kong marami ka ng alam pero, mas personal ang inilagay ko r'yan," malayong sagot nito. Isinara niya ang notebook. "It's unfair na malaman ko ang mga 'to. It's not like may makakausap akong mas nakakakilala sa kaniya para may patunayan ako," reason out niya. "I can't answer that for you. But you need to know him more. Deeper. Para maging komportable kang pag-usapan siya. Isn't that what you do bago kayo magpa-hire? It's like casting and script practice." Nagdugtong ang kilay ni Mary kahit pa maganda ang paliwanag ni Peter. "Just think na binigyan kita ng opportunity na mas makilala siya as a bonus. Hindi ko naman nilagay d'yan 'yung mga nunal at birthmarks niya sa intimate parts," pilyong sabi nito. Napatakip ng bibig si Mary at di nakahinga. "Mayro'n?" *** Bumalik sila sa ospital na para siyang ibang tao. Sa pananamit at accesories, hindi niya makilala ang sariling reflection sa salamin. "Mary, deactivate your social media accounts now!" Nagulat siya sa salubong ni Simon pero agad niyang nakuha kung bakit ito nagkakagano'n. Binuksan niya ang kaniyang phone at laking gulat niya nang makitang nasa five hundred na ang friend request niya at followers. Mabilis niyang na-deactivate ang app. Binuksan niya ang iba pa niyang account and to her surprise, lahat ay may nagbago. "Paano nila nalaman ang accounts ko?" overwhelmed niyang sabi. "They don't know yet if it's really you pero siguradong hinanap ka na nila at na-trace na nila ang mukha mo," paliwanag ni Peter. "Raymond Wang is your fiancé. What do you expect?" dugtong ni Simon na inaayos ang coat. "Since gabi na, we will leave you with this." Inabot ni Simon ang isang macbook. "Everything you need to know about him is there. Use that notebook to fill in your story with him. Tutulungan ka ni Peter." "Wait, hindi ako uuwi?" tanong ni Mary. Hinila ni Simon si Mary palapit sa bintana. "Look down. 'Yang mga nakikita mo, hindi 'yan pamilya ng mga pasyente. They are likely medias na inaabangan kang lumabas. Supporters and bashers. Maari kang makatakas pero hindi sa lahat. Someone will be able to follow you and when they do... Your private life will be over in 24hours," banta nito. Sumikip ang dibdib ni Mary. It means isang linggo siyang titira sa ospital. Seriously?! "Don't worry. Sasamahan kita as much as I can," pangako ni Peter. "There you go. Problem solved," nakangiting sabi ni Simon sabay tapik sa balikat niya. "Peter is not just Raymond's personal assistant, he's his bodyguard. And now, he's yours, too." Inihatid ni Peter si Simon palabas. Walang siyang nagawa kung di ang basahin ang mga nakalagay sa macbook tungkol kay Raymond mula simula ng kaniyang career. May family background din. Lumapit siya kay Raymond hawak ang notebook. She flipped it and open the last page. "So, how should I call you? Mond? Ray? Honey? Sweetheart?" mahinang wika niya. Walang reaction ang gwapong mukha ng aktor kaya kampante siyang umupo sa gilid ng kama nito habang iniisip ang kwento kung paano sila nagkakilala. "Hm...paano nga ba? Sa shooting mo? Pero di pa ko nakanood ni minsan, eh. Ah, alam ko na... Sa isang mall, after mo mag- mall tour to promote your new movie, tumakas ka kina Simon at Peter at gumamit ng elevator. And guess what? Yes! Tama ka! Nandoon ako. Na-love at first sight ka and boom! Nagsimula ang kuwento ng ating matamis na pagsasama," wika niya sabay hagikgik. Napatitig siya sa payapa nitong mukha. Mula pa noong highschool siya, si Raymond lang ang natatanging guwapong aktor sa paningin niya. Hanggang sa ngayon. "May six days pa tayo. Kapit ka lang, okay? I promise, paggising mo, okay na ulit ang lahat. Ako ang magiging savior mo kahit di mo na ako makikilala pa." Hinaplos ni Mary ang pisngi ng aktor. And all of a sudden, tumibok ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD