KABANATA 28 TINA Dumating ‘yung araw ng first date namin ni Andre. Sabi niya susunduin daw niya ako ng alas-nuebe para kahit ma-traffic kami, may oras pa rin kaming maglibot. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Basta magsuot daw ako ng sweater. Nag-jeans na lang ako para kumportable at white fitted shirt. Medyo iba na akong mag-ayos ngayon, pero mas gusto ko pa rin ‘yung simple lang. Mas hapit nga lang ngayon, kumpara sa maluluwag kong t-shirt at pants dati. Lagi kasi akong sinesermonan ni Mia sa tuwing nakikita niya ‘yung mga dati kong damit. Huwag ko raw aksayahin ‘yung effort niya at huwag ko raw itago ‘yung ganda ko. Medyo tama naman siya. Hindi sa ikinakahiya ko ‘yung dating ako, pero sa bagong ayos ko mas nadagdagan ‘yung self confidence ko. Ako pa rin na

