KABANATA 29 TINA Tunog ng kinakalampag na mga kaldero ang nagpagising sa akin. Ang ingay. Bagong taon na ba?! “Tina gising na! Kakain na!” Amoy ng pagkain ang nagpabangon sa akin, at hindi si Blake na nag-iingay habang may hawak na kaldero at sandok. Nakaupo lang ako sa kama habang nagpupunas ng muta at nagkakamot ng leeg. “Blake ang ingay mo. Ano ba ‘yang pakulo mo?” “Bangon na.” Hinawakan niya ako sa kamay. “Tumayo ka na d’yan. Kain na tayo.” Tinatamad pa ako kaya hindi pa ako tumayo. Ito namang si Blake, walang balak na tigilan ako. Mismo sa tapat ng tenga ko kinalampag ‘yung kaldero. Tiningnan ko siya nang masama. Nagpipigil naman siya ng tawa. “Heto na. Babangon na,” sabi ko habang kinakaladkad ‘yung sarili ko papunta sa kusina. Naupo ako sa harap ng lamesa na puno ng pagkai

