bc

Something About Us

book_age12+
52
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
badboy
independent
student
drama
comedy
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Everybody knows Quintus Zamora as a monster.

Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya.

He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila.

I know that I have to avoid him at all costs, pero patuloy naman ang pagdikit niya sa akin. And for some reason, I am seeing a side of him na hindi ko inakalang meron siya.

Ayoko siyang maging parte ng buhay ko, not at all. But there's something about him that I just can't resist.

That's when I knew that I am in trouble.

chap-preview
Free preview
Chapter One
 "KULANG pa 'tong pang-tuition na ibinigay ko, Jaira. Sigurado ka bang okay na 'yan, anak?" tanong sa akin ni Mama. Mag-eenroll kasi ako noong araw na iyon. "Okay na po ito, Mama. Partial amount na po muna ang babayaran ko kaya huwag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon sa kanya. "Pasensiya ka na ha? Medyo kapos kasi tayo ngayon. Tapos sabay pa kayong magbabayad ng tuition ni Aiden kaya –" "Mama," sabi ko, sabay hawak sa mga kamay niya, "Okay lang po. Huwag nang mag-explain. Alam ko naman eh." Tumango na lamang si Mama at marahang pinisil ang mga kamay ko. "Mag-almusal ka na muna bago ka pumunta sa school. Nagluto ako ng pagkain." "Hindi na po, 'Ma. Baka kasi matagalan pa ako, eh dadaanan ako ni Erika dito. Sabay po kasi kaming mag-eenroll ngayon." "Ganun ba? Pero kapag may oras pa kumain ka pa rin ha?" "Opo, Mama." Inubos ko na lamang ang gatas na inihanda para sa akin ni Mama at tuluyan nang lumabas ng bahay, pero bago pa man ako makalampas sa maliit naming gate, biglang tumigil ang isang truck sa tapat namin. Lumabas ang isang lalaki at lumapit sa akin. "Miss, ito ba ang bahay ni Evangeline Federio?" "Ito nga po. Ano pong kailangan nila?" Imbes na sagutin ako ng lalaki, bumalik siya sa truck at binuksan ang likod nito. Tapos ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga malalaking kahon. Dahil sa pagkalito ko sa mga pangyayari, halos hindi ko na napansin na nakatayo na pala sa tabi ko si Mama. "Ipasok niyo na lang po iyan sa loob," sabi niya sa mga lalaki. Tinaasan ko ng kilay ang nanay ko. "Mama, kanino na naman galing yan?" Hindi niya ako matingnan nang direkta sa mga mata, pero napilitan siyang sagutin ang tanong ko dahil alam niyang hindi ko rin naman siya titigilan. "S-sa papa mo..." Parang may kung anong malamig na bumalot sa puso ko dahil sa sagot na iyon ni Mama. Sabagay, kanino pa ba pwedeng manggaling ang sandamakmak na mga kahon na iyon kundi sa kanya lang? Para namang afford namin bumili ng kung anu-ano. Recently lang naman nagkaroon ng mga padalang ganun ang tatay ko. Siguro mga pitong buwan na ang nakakaraan. Sabi ni mama, matagal na daw gustong magpadala ng tatay ko sa amin, sadyang hindi niya lang tinatanggap kasi nga ayaw niyang maging parte pa siya ng buhay namin. Pero hindi naman ako naniniwala dun. Kasi kung talagang gusto ng magaling naming tatay, dapat nakagawa siya ng paraan para makarating ang mga gusto niyang ibigay, hindi ba? Tsaka akala ko ba mayaman siya? Bakit hindi niya nagawan ng paraan? Alam kong ngayon lang niya kami inalala bilang pamilya niya. Hindi ako mauuto ni mama nang basta. Siguro nakonsensiya yung tatay ko kaya bigla na lang kaming pinapadalhan ng kung anu-ano, pati na pera. Pero hindi ko naman tinatanggap. Isaksak niya yun sa baga niya. "Anak, hindi ko naman ito hiningi sa papa mo. Talagang nagpumilit lang siyang ibigay yan. Karamihan naman dyan para sa inyong dalawa ni Aiden." Napabuntong-hininga na lamang ako. "Hindi naman natin kailangan yan eh. Hindi natin siya kailangan, 'Ma." "Jaira, tatay mo pa rin –" "Aalis na po ako, Mama," malamig kong sagot habang nakatingin sa phone, "Nagtext na po si Erika. Papunta na daw siya. Hihintayin ko na lang po siya labas para sabay na kami. Sige po." Pero syempre hindi totoo yun. Nagsinungaling lang talaga ako para makaalis na. Ayoko na kasing makinig ng mga bagay tungkol sa tatay ko. Nakakaramdam lang ako ng inis kapag tungkol sa kanya ang mga naririnig ko. Nakakasira ng araw. Habang naglalakad ako palayo sa amin, bigla kong narinig ang isang pamilyar na tinig. Paglingon ko, nakita kong tumatakbo si Erika papalapit sa akin. Medyo natigilan pa nga siya nang mapadaan sa truck na nakaparada sa tapat ng bahay namin. "Anong meron sa inyo? Bakit andaming kahon na pinapasok sa loob ng bahay ninyo?" Biglang nanlaki ang mga mata niya, "Homaigad. Mayaman na kayo, momsh?" "Sira, hindi 'no." "Eh saan nga yun galing?" "Sa tatay ko." "Sa tatay mo? May tatay ka pala?" "Gaga. Anong akala mo sa nanay ko, nag-immaculate conception?" "Ito naman. Chinacharot lang kita, huwag ka ngang pikon diyan. Pero bongga ha. Ang yaman pala ng tatay mo. Bakit hindi ka na lang humingi ng sustento sa kanya para naman hindi kayo nahihirapan financially?" Binato ko ng isang malamig na titig si Erika. "Kinaya naman namin na wala siya so bakit pa kami hihingi ng tulong? Hindi naman siya kailangan, 'no. Tsaka ano bang akala mo sa akin, mukhang pera?" "Wow ang bigat naman agad. Oo na, sorry na. Ito naman. Nagsusuggest lang naman ako eh. Tsaka isipin mo, very economic yung option na iyon para sayo at sa family mo." Inangat ko ang kamao ko at ipinakita sa kanya na para bang nagbabanta, "Magbigay ka pa ng suggestions. Isang suggestion, isang suntok. Gusto mo?" "Ay kaloka siya. Sorry na. Kalma ka lang, okay?" tugon ni Erika habang hinahagod ang likod ko para kumalma ako. Hindi ako hihingi sa tatay ko ng kahit ano. Kahit pa magdildil ako ng asin, hinding-hindi ako hihingi sa kanya. Hindi naman ako galit. Tapos na ako sa phase ng galit. Sadyang wala na lang talaga akong pakialam sa existence niya. Kaya lang naman ako nagkakaganito kapag nagpapadala siya sa amin kasi naiinsulto ako. Nakakainsulto kasi sa tingin niya ata, matatakpan ng mga pinapadala niya sa amin ang lahat ng pagkukulang niya bilang ama at lahat ng kasinungalingang pinagsasasabi niya sa nanay ko. Ito naman kasing nanay ko, pumatol sa tatay ko na hindi man lang inaalam kung may asawa na ito o wala. Dahil bulag sa pag-ibig, ayun, ipinanganak kaming dalawa ni Aiden. Pitong taong gulang na ako nang malaman ni mama na may asawa na pala ang tatay ko, at kami pala ang 'the other family'. Base iyon sa kwento ni mama, pero sa tingin ko ay nalaman niya na noon pa man ang katotohanan. Sadyang mahal na mahal niya lang talaga ang tatay namin kaya hindi niya na iyon inintindi. Pero nang magkaalaman na, iniwan kami ng tatay namin. Pinapili siguro ng tunay na asawa, so syempre yung legal wife ang pipiliin. Matapos nilang maghiwalay ng biological father namin ni Aiden, sa aming magkapatid niya na lamang itinuon ang lahat ng atensyon niya kaya hindi na siya nakapag-asawa. Matapos kaming iwan ng tatay namin, sinolo ni mama ang lahat ng hirap at responsibilidad bilang magulang sa aming dalawa. Kayod-kalabaw talaga siya para buhayin lang kami. Nagtatrabaho siya bilang isang cook sa isang restaurant, at ang kita niya doon ang ginamit niya para mabuhay kami at maigapang ang pag-aaral naming magkapatid. Hindi naman kami ganoon kakapos financially dati, pero dahil tumuntong na rin ng college si Aiden, medyo nahihirapan na kami sa mga gastusin. Noong ako lang kasi ang nagcocollege, hindi ganoon kahirap ang sitwasyon kasi sa public high school pumapasok ang kapatid ko. Pero nasa 2nd year college na ako kaya lalong bumigat ang mga gastusin. Mabuti na lang nga at puro pang-umaga halos ang mga subjects ko kaya marami akong free time. 18 years old na rin naman ako kaya pwede na akong magtrabaho. Hindi na ako dadaldalan ni mama na kesyo ang bata-bata ko pa daw, na baka isipin ng mga kapitbahay na kinakawawa niya daw ako. Ngayon, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng part-time job para makapag-ipon ako ng pera. Ayokong umabot sa punto na kakailanganin namin ang pera ng magaling kong tatay. Hindi ako papaya na magkaroon kami ng utang na loob sa kanya. Ma-pride na kung ma-pride pero hindi ko talaga hahayaang mangyari iyon. PAGDATING namin sa school ay agad kaming dumiretso sa registrar para asikasuhin ang pag-eenroll namin. Hindi kami magkasabay ni Erika kasi magkaiba kami ng college. Business Administration ang kurso ko, tapos Biology naman ang sa kanya. Mabuti nga at kakaunti pa lang ang nag-eenroll mula sa college ko, kaya madali akong natapos at tanging sa cashier na lamang ako pupunta para magbayad ng tuition. Partial amount muna ang binayaran ko, kasi nga kulang ang pera ko para makapag-full payment. Pero dapat mabayaran ko iyon bago mag-final exam kasi baka mamaya hindi ako makapag-exam. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa resibo na ibinigay sa akin pagkatapos kong magbayad. Ayoko nang humingi ng pang-tuition mula kay mama. Dapat talaga maghanap na ako ng trabaho para naman hindi na mamroblema pa ang nanay ko. I shook my head. Mamaya ko na iisipin yun. "Asan na ba si Erika? Ang tagal niya naman sa registrar..." Agad kong tinawagan ang kaibigan ko para alamin kung saan na siya nagsusuot. "Oy babae, asan ka na?" "Andito pa ako sa pila. Bwisit nga eh. Gusto kong umihi pero hindi ako makaalis kasi baka may umagaw ng pwesto ko. Ikaw, kumusta?" Napailing na lamang ako. "Tapos na ako mag-enroll. Andito ako sa cashier. Kakatapos ko lang magbayad." "Hala, sana nag-shift na lang ako dyan sa inyo. Mas mabilis pala dyan sa college ninyo," tugon niya sa akin na para bang nanghihinayang. "Sira ulo 'to. So ano, hihintayin pa ba kita? Kailangan kong umuwi agad. Walang tao sa bahay namin eh." "Mauna ka na. Kita na lang tayo bukas, okay?" "Sige. Bye." Pagkatapos ng tawag ay naglakad na ako palabas ng main building. Gusto kong makauwi agad sa bahay namin. Typical homebody kasi ako. Magmula noong magsimula ang bakasyon, lumalabas lang ako ng bahay kapag inuutusan ako ni mama. Para naman akong timang kung pupunta ako sa mall, eh wala naman akong bibilhin kasi wala naman akong pera. Alangan namang araw-araw akong mag-window shopping, hindi ba? Baka isipin pa ng mga tao doon na may sira ako sa ulo kasi araw-araw akong natitingin-tingin ng mga produkto. Kung gagala ako, saan naman? Hindi ako komportableng nakikisalamuha sa maraming tao. Kakaunti lang ang mga kaibigan ko, at kapag kasama ko sila, ayokong sosobra kami sa lima. Kapag madaming tao para akong napapagod kahit hindi ko naman sila kinakausap. Kaya ayoko ring sumasama sa mga parties. Wala na nga akong benepisyong nakukuha, nauubos pa ang energy ko. Oo na. Kill joy na ako. Paglabas ko ng school ay agad akong dumiretso sa may pedestrian lane. Mabuting mamamayan kasi ako ng bansang ito kaya tumatawid ako sa tamang tawiran. Nang masigurado kong walang padaan na sasakyan ay nagsimula na akong tumawid. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na busina. Paglingon ko sa kanan ay nakita ko ang isang papalapit na itim na kotse. Nanigas ako sa pwesto ko, ni hindi ko magawang maglakad o tumakbo papalayo. Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Pucha... Ito na ba? Mamamatay na ba ako? Biglang naging blangko ang utak ko, at tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang papalapit na sasakyan. Pero bago pa man ako mabangga nito ay bigla itong tumigil. Halos isang metro ang layo nito sa akin matapos nitong mag-preno. Maya-maya ay biglang lumabas ang driver ng sasakyan na muntik nang pumatay sa akin. Sa tingin ko ay nasa early 40s pa lamang ang lalaki. Bakas sa mukha nito ang takot at gulat. "M-miss... Ayos ka lang ba? Pasensiya ka na. Nagmamadali kasi kami kaya –" "Nagmamadali kayo?" nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig kong iyon, at hindi ko na napigilan pa ang galit na namumuo sa loob ko dahil sa nangyari, "So okay lang na mamatay ako kaysa ma-late kayo?!" Nakapamewang na ako noon at nanggagalaiti. Sira ulo rin eh. Napakamot ang driver habang iniiwas ang tingin sa akin. Nagsisimula na kasi kaming pagtinginan ng mga tao noong mga sandaling iyon kaya sa tingin ko ay nahihiya na siya. Well, hindi ko na kasalanan yun. "Eh k-kasi Miss, yung amo ko nagmamadali talaga kaya kailangan naming –" "Asan ba yang amo mo, ha?!" galit na galit akong dumiretso sa kotse at kinatok nang malakas ang bintana ng sasakyan, "Hoy! Lumabas ka nga dyan! Kung may bayag ka lumabas ka ng sasakyan mo, bwisit ka! Hindi ba dapat binabagalan ninyo ang pagpapatakbo kasi may pedestrian lane? Kaya nga may pedestrian lane eh, para panatag na makakatawid ang mga tao, hindi yung tatawid sila tapos maaaksidente pa! Bobo ka ba? Lumabas ka dyan, huwag kang duwag!" Patuloy kong kinatok ang bintana niya, hanggang sa ibaba niya ito nang bahagya. Mga mata niya lang ang nakikita ko sa maliit na siwang na iyon. Nakatingin siya sa akin na para bang wala lang sa kanya ang lahat, kaya lalo akong nainsulto. "O, bakit hindi ka lumabas diyan?! Huwag kang duwag! Mag-usap tayo –" Bago pa man ako matapos sa pagsasalita ay bigla siyang nag-abot ng pera. Nang makita ko iyon ay lalo lang lumala ang galit na nararamdaman ko. Seryoso ba ang pesteng 'to? Ano bang akala nito sa akin? "At para saan yan?" "To compensate," he finally said, while still holding the paper bills. Napasinghal ako. Ano daw? To compensate? So ganun lang iyon lahat? Ilang libo pantapal sa atraso niya? "Anong akala mo sa akin, mukhang pera?" "Kung ako sayo Miss, tanggapin mo na lang ang perang yan. Para naman hindi na magtagal ang gulong 'to. Pareho lang tayong magsasayang ng oras kung pagtatalunan pa natin ito. Hindi ka naman nasaktan, hindi ba?" Aba gago talaga 'to ah. "Hoy, para sabihin ko sayo, hindi yun basta –" "Anthony," he said, ignoring me completely, "Let's go. I can't be late for the gathering." Tumango na lamang ang driver sa akin na sa tingin ko ay talagang nag-aalala sa kalagayan ko bago agad nagtatakbo papasok sa kotse. Hindi ko naman masisisi yung driver kasi inuutusan lang naman siya. Hindi lang talaga ako makapaniwalang basta ako dededmahin ng sira ulong amo ng driver na iyon. Mula sa bintana ay hinulog ng lalaki ang hawak niyang pera, bago itinaas ang bintana ng kotse. Pagkatapos noon ay tuluyan na silang umalis at iniwan na lamang ako sa gitna ng kalsada na halos atakihin na sa puso sa sobrang inis. Tinitigan ko ang pera sa kalsada at tinapakan ito. Muntik na akong mamatay kanina tapos ganito lang? Ni hindi man lang siya nag-sorry, tapos gagamitan niya pa ako ng pera para matapos na ang usapan. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? At sino ba siya sa tingin niya? Porke mayaman siya, ganyan ang asta niya. Akala niya madadala sa pera ang lahat ng bagay. Bwisit yan. Huwag lang sana kaming magkita ulit ng lalaking yun kasi hindi ako makakapayag na hindi ako makabawi sa ginawa niya. Lintik lang ang walang ganti 'no

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook