36

2046 Words

PAGGISING ni Jasmin ay hindi na siya mag-isa sa silid. Nasa tabi niya si Gareth at nakatingin sa kanya. Bigla siyang bumalikwas. Tinampal niya nang dalawang ulit ang pisngi niya para makatiyak na gising na siya at hindi ito bahagi lang ng panaginip. "Ang haba ng tulog mo—aray!" Sunod-sunod na ang mga hampas ni Jasmin kay Gareth gamit ang unan. Wala siyang pakialam kung saan-saan na niya ito tinamaan. Ang intensiyon niya ay saktan talaga ito. Hindi nga lang niya nahulaan na sa huli pala ay siya rin ang talo. Sinasaktan nga niya si Gareth pero umiiyak na siya dala ng halo-halong damdamin. At nang maisip niyang magpapaliwanag pa siya sa kanyang pamilya ay nagkaroon ng tunog ang pag-iyak niya. "Bakit ba gustong-gusto mong pinapahirapan ako, ha?" Hinampas uli niya si Gareth. "Hindi ko kailan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD