Ngayong memorable na naman ang bawat birthday ni Jasmin... HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa park na si Jasmin—sa paborito niyang upuan. Tulad noon, nakatingin na naman siya sa mga bulaklak, na ngayon ay mga bagong tanim na. Nalanta at naubos na ang mga naunang namumulaklak na halaman, tanda ng mga nakalipas na taon. Umusbong ang mga panibago na muling nagbigay ng bagong ganda sa paligid. Tatlong taon na pala ang lumipas... At ang pinakamagandang pagbabagong dala ng mga nakalipas na taon sa buhay niya ay ang stroller sa tabi niya kung saan naroon at nag-e-enjoy sa cookie na bigay ng lolo nito ang mag-iisang taong gulang niyang baby na si Gaella Jane, ang panganay nila ni Gareth—ang asawa niyang iniwan nilang natutulog pa sa silid, sa bahay nila sa tapat ng bahay ng mga magulang niya s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


