4

1271 Words
MULA sa puwesto sa coffee shop ay pinanood ni Jasmin ang paglapit ni Atty. Daniel Davides, ang guwapong-guwapong legal consultant ni Sir G at limang taon na niyang kaibigan. Natagpuan nila sa isa't isa ang eksaktong kailangan nila sa isang kaibigan. Sa loob ng limang taon ay maraming beses na nilang sinagip sa iba't ibang sitwasyon ang isa't isa. Si Daniel ang nagpapanggap na boyfriend niya kapag may mga manliligaw siyang nais itaboy. Si Daniel din ang escort niya sa lahat ng company events na kailangan niya ng kasama. Higit sa lahat, si Daniel ang takbuhan niya sa mga pagkakataong kailangan niya ng makakausap. Si Daniel ang kaibigan niyang kilalang-kilala siya, na maging buwan ng menstruation niya ay alam nito. Siya naman ang pinaka-understanding na confidante ni Daniel. Ipinagkatiwala sa kanya ng kaibigan maging ang pinakaiingatan nitong lihim na hindi magawang aminin sa sariling pamilya. Sinuportahan niya ang lahat ng palabas na ginawa ni Daniel para itago ang totoo nitong katauhan. Naging bahagi pa siya ng palabas nito sa maraming pagkakataon. At ang madalas na linya ni Daniel sa mga pagkakataong magkatabi silang nakatayo sa terrace ng unit nito sa twentieth floor ng kilalang condominium ay, "Standing right here with you, Jas, it feels like home." Mapapaubo nang sunod-sunod si Jasmin at sasagutin ang kaibigan ng: "Twentieth floor ito, Dan, ha. Huwag mo akong i-tempt tumalon." Malakas na tawanan na ang kasunod niyon. Hindi naisip ni Jasmin na isang tulad ni Daniel ang magiging pinakamalapit niyang kaibigan. Siguro nga tama ang sinabi ni Daniel na kaya raw sila naging malapit ay may bahagi nila pareho na nakikita nila sa isa't isa. Nakikita raw ni Daniel ang sarili sa kanya—kung naging babae raw ito. At siya naman, malaking bahagi rin niya ay nakikita niya kay Daniel—lalo na sa mga expectation na pinilit nitong tuparin at kinatatakutang gumuho na lang dahil sa bahagi ng pagkatao nitong negatibo para sa marami. Pero para kay Daniel, isa iyong bahagi ng sarili na gustuhin man ay hindi nito magawang takasan, kaya mas pinili na lang na magdugtong-dugtong ng mga kasinungalingan para protektahan ang damdamin ng mga taong pinahahalagahan nito. ANG TAGAL nakatulog ni Jasmin nang gabing iyon. Si Gareth Montalvo ang iniisip niya habang nakatitig sa kisame. Wala siyang ideya sa hitsura nito ngayon dahil ang nag-iisang picture na nasa desk ng boss niya ay noong thirty-nine years old lang si Sir G at eleven years old si Gareth-ang larawang dahilan kung bakit pamilyar sa kanya ang mukha ng boss niya. Nakilala niya sa larawang iyon ang mag-ama. Si Gareth ang batang nagbigay sa kanya noon ng ice cream kapalit ng flower necklace niya. Naalala niyang nagtanong siya kay Sir G kung bakit iyon ang tanging larawang nasa office nito. Malungkot ang naging pagngiti ni Sir G kasunod ang sagot sa mababang boses. "Sa larawang 'yan huminto ang magagandang alaala, Jasmin." Hindi alam ni Jasmin kung ano ang ibig sabihin ni Sir G at hindi na rin siya nagtanong. Ang alam lang niya ay mag-isa itong namumuhay sa napakalaking bahay na isang hardinero at isang kasambahay lang ang kasama. Madalas siyang nasa bahay ng boss niya dahil sa mga trabahong iniuuwi nito at kailangan ang tulong niya. Halos silid na nga niya ang isang guest room doon na tinutulugan niya. Hindi na siya nito pinapayagang umuwi nang late. Nakilala ni Jasmin si Sir G bilang mabuting tao kaya hindi niya maisip kung paanong humantong sa isang broken family ang pamilya nito. Base sa natatandaan niya noong seven years old siya ay malapit sina Sir G at Gareth. Isang loving na ama si Sir G para sa kanya kaya hindi niya maisip kung bakit hindi nito kasama ang pamilya-hanggang nang gabing iyon na napakuwento ito sa kanya. Naghiwalay pala si Sir G at ang asawa; at si Sir G ang masama sa paningin ni Gareth. Hindi binanggit ng boss niya ang totoong dahilan ng hiwalayan. Ang binanggit lang ay ang pagmamahal nito sa nag-iisang anak sa kabila ng lahat. Bago nakatulog si Jasmin ay binubuo niya sa isip ang mukha ng isang lalaking pamilyar ang itim na itim na mga mata... Madalas ay nalulungkot si Daniel, lalo na tuwing weekend na mag-isa lang ito sa bahay. Laging tinatawagan si Jasmin ni Daniel o kaya ay sumusugod na lang ito sa bahay nila at nakikigulo sa buong pamilya niya. Siya rin lang ang pinili ng kaibigan na pagsabihan maging ng mga death threats na natatanggap nito. At si Daniel din lang ang nakakaalam ng kawalan niya ng interes na pumasok sa isang bagong relasyon. Ang opinyon nito ay hindi pa raw siya nakaka-move on sa una niyang pag-ibig. Hinahanap niya ang katangian ng "The boy who got away" sa iba. "The boy who got away" ang tawag ni Daniel kay Rovie Ravales, ang dati niyang boyfriend. "Kanina ka pa nakatitig sa akin, Jas," magaang sabi ni Daniel, nakaangat ang mga kilay nang maupo sa tapat niya. Sa sinumang makakakita o makakarinig sa kanila nang mga sandaling iyon ay siguradong mag-iisip na may relasyon sila. Marami nga ang nagsasabi sa Rayos na "perfect couple" daw sila. Parehong ngiti ang tugon nila pero pareho rin silang may lihim na reaction kapag silang dalawa na lang. Napapangiwi nang husto si Daniel at si Jasmin naman ay tutop ang bibig para hindi magkaroon ng tunog ang paghagalpak ng tawa. "Akala mo lang 'yon," ani Jasmin na ngumiti nang maluwang. "Ang totoo, nagbibilang ako ng girls na napatingin sa 'yo pagpasok mo kanina." Napangiwi si Daniel—ang tanging reaksiyon na nagpapaalala kay Jasmin sa totoo nitong kulay. Bukod kasi sa animo ay nandidiring ngiti ay walang ibang gestures, mannerisms, o anuman sa kilos ni Daniel na magbibigay ng clue sa kanya sa bahaging itinatago nito. Buong-buo rin ang boses ni Daniel. Ang paliwanag doon nang magtanong siya ay sinadya raw nitong sanayin ang sarili sa ganoon para mas mapadali ang pagpapanggap. Mas pinili ni Jasmin na tingnan ang kabutihan ni Daniel bilang tao kaysa sa "kaibahan" nito kaya buong-buo niya itong tinanggap bilang kaibigan. "Kalimutan mo na," sabi ni Daniel na nahulaan yatang sasabihin niya kung ilan ang mga babaeng binanggit niya. "Tungkol saan ang tawag mo?" Dagling nabura ang ngiti ni Jasmin. "Gusto ko lang ng kausap," sabi niya kasunod ang buntong-hininga. "May balita ka ba tungkol kay Sir G?" Umiling ito. "Nasa States na siya. Pagkalapag na pagkalapag yata ng plane, tinawagan niya ako agad para ipaalala ang mga importanteng trabaho." Napabuntong-hininga uli siya. "Kanina mo pa ginagawa 'yan, Jas." "Hindi ako panatag, eh." Nagsalubong ang mga kilay ni Daniel. "Hindi panatag? Saan? Sa health condition ni Sir G? Lahat naman tayo, nag-aalala." "Hindi lang do'n." "Saan pa?" "Sa bago kong boss." "Kay Gareth." Umiling-iling si Daniel. Nang magtama ang mga mata nila ay may nabasang pag-aalala si Jasmin sa tingin ng kaibigan pero ngumiti rin ito na parang gusto siyang ipanatag. "Magaling ka naman sa trabaho mo kaya wala kang dapat ipag-alala. Aalalayan kita, babe." Hindi pinansin ni Jasmin ang parang totoong pagtawag ng "babe" ni Daniel. Nasanay na siya sa paminsan-minsan nitong paggamit ng endearment na iyon. "Na-meet mo na siya?" "Once." "And...?" "And you're gonna see him tomorrow, right? Ikaw na ang humusga, Jas." Lalong kinabahan si Jasmin na walang anumang sinabi si Daniel tungkol kay Gareth. Isa sa mga katangiang ipinagkakapareho nila kaya nagustuhan niya si Daniel ay hindi na lang ito nagsasalita kung hindi rin lang maganda ang sasabihin patungkol sa isang tao. Sa hindi pagbibigay ni Daniel ng impormasyon ay isa lang ang kahulugan niyon—masama ang mga sasabihin nito tungkol kay Gareth kaya mas minabuting sarilinin na lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD