"Napatawag ka?" inis na usal ni Chantal sa kabilang linya. "I wanted to check on you, Chan." Malambing ang boses na saad ng mommy niya. She hated her mother. Sa Amerika na ito namamalagi kasama ang bagong asawa. Siya naman ay nanatili rito sa Pilipinas para makalayo sa ina at nag-business na lang. "I'm okay," walang ganang sagot niya. "Gusto kong bisitahin ka–" "Mom, I don't want to see you. I'll hang up now, busy ako." Hindi pa nakakasagot ay pinatayan na niya ito ng tawag. "Bakit ba ayaw mong kausapin ng maayos ang mommy mo? You should move on, matagal ng panahon na nagloko ang mommy mo. Nakinabang ka rin naman sa yaman ng kabit niya, hindi ba?" ani ni Emily. "Wala ako sa mood para kausapin siya," nakasimangot niyang saad. Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Charles p

