"Mommy, hindi ka po ba sasama? How about Ate Andy?" usal ni Chris kay Ivy. Tiningnan pa nito si Andy na ngayon ay bihis na bihis na rin. Wala itong pasok pero nagpaalam ito na may gagawin itong project ngayon kasama ang bestfriend at mga kaklase. Muli niyang binalingan si Chris. "Anak, busy kasi si Mommy, marami akong gagawin dito sa bahay. Alam mo namang kalilipat lang natin, hindi ba?" Malumanay niyang saad. "Bakit po ba kasi tayo lumipat pa, Mommy? Ayaw mo na ba sa bahay?" inosenting tanong nito. Pinisil niya ang pisngi nito saka ngumiti siya. "Hindi naman sa ayaw ko, kailangan na kasing ibenta iyon anak kasi hindi na matibay." Pagdadahilan niya. "Mauna na ako sa inyo, Mom, baka ma-late pa kasi ako sa usapan namin ng mga kaklase ko." Singit naman ni Andy sa kanila. Umayos siya sa

