Thisa Marie Adriante, is now turning 14 and at Grade 11 while Mike Hansen Jusawee is running for Magna Cumlaude in the Engineering Department. For now, this is his last term as Grand Master of the Supreme Council. Today's activities for the organization would be his last reign for Sigma Mu Epsilon.
Taas na ang sikat ng araw, pero heto kami patuloy pa rin kaya tagaktak ang butil ng pawis mula sa aking noo. "Ayoko na, hindi ko na kaya!" Hinihingal akong umupo sa bakanteng upuan sa labas ng tribe tent namin.
Agad akong huminga ng napakalalim bago pinunasan ang sariling pawis. Ginawa kong pamaypay ang aking mga kamay para lang mapawi ang init sa aking pakiramdam.
Pakiramdam ko'y sobrang init talaga, “Gosh! Feeling ko na drain ang lahat ng energy ko sa katawan at natuyuan na ang brain cells ko sa pinapa-solve nilang Math problems and Scientific obstacles, kaloka!" Narinig kong daing ni Micah habang umiinom ito ng juice sa tabi ko at kanina pa panay ang reklamo.
I stayed still sa aking kinauupuan, feeling ko kasi may kalyo na ang mga paa ko sa pinapagawang activity ng Grand Master at assigned Master Initiator sa Tribe 3 kanina.
Ginusto ko ito, kaya paninindigan ko ito dahil naniniwala akong makakaya ko itong gawin hanggang sa huli. Talagang kakayanin ko ang lahat basta makasama at makita ko lang maya't-maya ang crush ko.
Nakakalungkot ang mga taon ko sa DVU ng lumipat ang family nito sa Canada but now I'm glad that he's back. I'll do everything, just to get near of him. No matter how hard it might be, I'll do it with all my heart.
We are freshmen students from Doña Venegracia University and today is our "Math ‐ Science Initiation Week", the most exciting event hosted by Sigma Mu Epsilon and headed by Mike Hansen Jusawee.
We are the newly selected neophytes for this school year that will participate in these 10 days activities for academic excellence. Whoever survives on the challenges per day until the end, will be baptized as new members of the Club.
Every Tribe has its own Tribal Chief and assigned Tribal Master Initiator guided by the Prime Council and Tribal Counselors.
It includes various problems, board and commercial games. It also involves outdoor activities that measure their skills and strength towards good leadership training. But the most highlights during initiation, ay ang pagsusuot ng kakaibang damit based on creativity using recyclable materials. Designs must be all about Math and Science.
As neophytes, it is a must that we need to obey the commands of our Masters. Disobedience of the rules corresponds to a disciplinary action.
This is part of our initiation rites para maging isang ganap na member ng Math and Science Club and our chance to be called as true-blooded Epsilonians kung sakaling maipasa ang anumang activities na ibibigay sa'yo with your tribe masters.
“Epsilonians" tawag sa ganap na member ng Sigma Mu Epsilon, a prestigious and oldest organization of Doña Venegracia University which was organized in 1965 by the late Doña Isabel Venegracia, the owner and Principal of her own school.
The Math and Science Club is the most active club of DVU. It is a social academic and service oriented club in our school. It promotes the enjoyment and appreciation of life and indulges awareness of physical sciences, mathematics and technology, while emphasizing the importance of community service and social camaraderie.
The Prime Council, Tribal Counselors, School Leadership Team, Supreme and Junior Council, Tribal Staffs and Tribal Chiefs of the Club, encourage teamwork and character development to their fellow neophytes. Members are also expected to demonstrate academic integrity and maintain good academic achievements.
But before ka makapasok or maka-join dapat qualified ka sa hinihingi nilang qualifications. You must be physically, morally and mentally capable and you must achieve the passing grade requirement. For the DVU students, becoming a baptized member of Math and Science Club is something to achieve and strive for.
So, as a neophyte in this organization, I’m able to undergo this kind of initiation in order to become a full pledge of Sigma Mu Epsilon organization.
Before kami sumuong sa initiation na itinalaga ng mga Masters, binibigyan muna kami nila ng Guide Sheet. Doon nakasaad ang lahat ng gagawin, schedules at isusuot namin sa buong dalawang linggo.
Halimbawa, during day 1, dapat kaming magsuot ng all black outfit na puno ng iba't-ibang candies at ilang recyclable materials like plastic bottles and cup na nakapalibot dito. Kailangan nakatali ang buhok sa magkabilang side at may nakasabit na candy sa bawat tali. Dapat din nakasuot ng high heels with stripes socks (any color) tapos lihim pa kaming pinagtatawanan ng mga regular students.
But so far, I enjoyed the activities, even if it's very difficult but I need to endure the pain. It's a very challenging one, kasi akala mo lang naglalaro pero pinipiga naman ang iyong utak at buong lakas.
Hinubad ko ang suot na heels at bahagyang pinaikot-ikot ang paa pero bigla nalang akong napamura ng may maramdaman na makirot sa bandang likod ng aking paa. Dahan-dahan kong hinubad ang medyas at halos napasigaw ng makitang dumikit ito sa sugat. Mariin kong kinagat ang labi para di makagawa ng ingay.
Tears flowing in my cheeks. I'm scared in any kind of wounds, kaya nga ingat na ingat ako palagi pero sadyang may pagkalampa ako minsan o di kaya’y ganito.
*******Mike Hansen Jusawee*******
“Ang sarap talaga maging master, akalain mo bro sumunod sa akin ang isang magandang neophyte kanina na under sa Tribe 3.”
Natatawa na sabi ni Ythann at may halong pagmamayabang habang palabas kami ng University Theater kung saan ginanap ang first day ng Math - Science Initiation Week.
“Natural master ka nila. Gunggong!“ pilosopong saad ni Dave kay Ythann.
Masama ang tingin nito, “Hoy, Dave! Huwag kang pilosopo, inggit ka lang kamo," nakangisi nitong sabi.
Sumingit naman sa usapan si Vaughn at seryosong nagtanong. “Ano bang pinapagawa mo, bro?”
“Nagtanong ka pa, alam mo naman walang laman ang utak niyan kundi kamanyakan,” pambabara uli ni Dave tsaka nito binatukan si Ythann.
Napailing nalang kaming dalawa ni Vaughnn habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan na naghahabulan sa gitna ng field. Ewan ko nga ba kung bakit ko naging kaibigan ang dalawang iyon na mukhang takas sa mental pero kahit ganun pa sila, they’re the best of friends that I have.
“Dito pala nag-set up ng tribe tents ang mga neophytes?” tanong ni Vaughn na kumuha ng aking atensyon.
Naibaling ko dito ang atensyon at sa mga tribe tent na nakalatag sa paligid ng field na may neophytes at tribal chief na nagpapahinga sa paligid.
“Good afternoon, masters.” Tumingin ako sa dalawang neophytes na tumigil lang para batiin kami. Nakayukong bati ng dalawang neophytes na may nakasabit na karton sa kanilang harapan at may nakasulat, ‘I’m under Initiation’.
Kunot-noo ng tumingin si Vaughn sa wrist watch nito at binalingan muli ang dalawang lalaki. “Kumain na ba kayo? Huwag kayong pagala-gala dahil mapagalitan kayo ng tribal chief n'yo kapag nalaman nila na wala kayo sa tent ninyo sa ganitong oras. Bumalik na kaagad doon kung ayaw ninyong isumbong ko kayo, panigurado ako na bibigyan kayo ng disciplinary action.”
It's already 10 minutes past twelve at nasa rules bilang Neophytes under initiation ay manatili sa loob ng tribe nito hanggang ala - una para makapag pahinga.
Sinundan ko ng tingin ang dalawang lalaki na marahil ay natakot kay Vaughn kaya bigla na lang kumaripas ng takbo. Ngunit biglang naagaw ang pansin ko sa babaeng nakayuko habang hawak ang sariling paa na parang umiiyak?
Naging slow motion ang pag-angat ng tingin ng babae at kasabay na bumagsak ang makapal at mahaba nitong buhok na may nakaipit na suklay sa gitna. Marahas nitong pinunasan ang mukha at muling ginalaw ang paa na bahagyang napangiwi sa sobrang sakit. "She’s kinda' familiar," naibulong ko sa aking sarili.
Namalayan ko nalang na tinatahak ko na pala ang daan patungo dito. There's no need to turn my back because a part of me really wants to know, what happened to her? Dinig ko ang ilang pagbati sa akin pero sadyang nakatuon lang ang pansin ko sa babae.
“What happened?” tanong ko nang tuluyang makalapit sa kanya.
Gulat itong napatingin sa akin at bahagyang umayos ng upo. Nagtataka na tiningnan lamang ako nito. "Hindi ba siya marunong magsalita? Why she just keep her silence?" Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.
“Hey lady, are you just going to shut your mouth and stare at me for the whole time? I'm asking you, don't you hear me?" I asked with a little irritation in my voice.
Nakailang kurap muna ito bago nag-alangang tumayo pero bigla itong napangiwi kaya nanatili nalang itong nakatayo habang nakakapit ang isang kamay sa sandalan ng upuan.
“I'm sorry, Grand Master!” Nagmamadaling tumayo at yumuko bilang paggalang nito.
“Anong nangyayari diyan sa paa mo?”
“Ha? Ahh— Ano po? Wala po,” nahihiya nitong sagot at bahagyang namumula pa ang pisngi.
Itinuon ko muna ang paningin sa dibdib nito saka iginala ang mata para hanapin ang tribal chief nito.
“Please hand it to me the first aid kit,” utos ko kaagad sa TC nito na kanina pa palang nakatulala habang nakatingin sa amin.
Napansin kong nakahawak ito sa bandang dibdib ang babaeng may sugat kaya di ko maiwasang mapangiti ng lihim. "Does she think that I'm looking at her boobs?" He asked in his mind. "Girls are really dirty-minded, tss!"
Sa kabilang banda naman ay parang nag-hallucinate pa rin si Marie. Sinusundan ang bawat galaw ng lalaking nasa harap niya pero biglang nakaramdam siya ng pag aalinlangan ng napansin niya na tumingin ito sa bandang dibdib niya. Wala sa sariling, napahawak siya sa hinaharap at bahagyang sinilip pa ito, sakto namang tumingin si Mike sa kanya at bahagyang ngumisi.
"Jeezz! Nakakahiya baka isipin niyang pinag-iisipan ko siya ng masama. Hindi nga ba?" Ramdam nito ang pamumula sa kanyang pisngi dahil sa pinaghalong hiya at kilig.
“Now, sit down.” Walang anuman na utos nito sa kanya. Alanganin man ay umupo ako at nag-squat naman ito sa aking harapan dahilan para mas lalo akong naiilang sa kanya.
“Ahmmm— You don’t need to do that, Grand Master. Kaya ko na pong gamutin ang sarili ko,” nahihiyang sabi ko pero parang bingi lang ito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Wala sa sariling napalunok ako bigla ng makita itong seryosong nilalagyan ng alcohol ang bulak. Maingat nitong kinuha ang paa ko at ipinatong sa kanyang hita, akmang babawiin ko sana ito ng mahigpit niya itong hinawakan. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang ilalapat nito ang bulak na may alcohol sa sugat kaya hindi ko na mapigilang sumigaw. “MIKE, NO—!”
Napansin kung natigilan ito at bahagyang napa-angat ito ng tingin na magkasalubong pa ang kilay tsaka dahan-dahang bumaba ang tingin sa kamay kong nakahawak sa braso nito. Napansin kong kinagat nito ang sariling labi, “let me treat your wound.”
Hindi man lang napansin ang kanyang sinabi at seryoso na nitong binalikan ang kanyang paa para gamutin. Marahang dumampi ang bulak sa sugat pero nagdulot pa rin ito ng dampi at sakit sa pakiramdam.
"Huwag! Ako na lang po ang bahala kaya ko ng gamutin ang sarili ko."
“Wala pa nga. And please just shut your damn mouth! I can't concentrate of what I'm doing right now.” Sabi nito habang seryosong nililinis ang sugat ko.
Takot ako sa kahit anong sugat maliit man o malaki. It has the same effect, masakit. "I'm sorry, GM. Pero pwedeng ako nalang po ang maglilinis ng sugat ko po?" Pakiusap ko sa kanya pero tila bingi itong ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"No!"
Kumuha ulit ng bulak si Mike at nanunukso akong tiningnan habang nilalagyan nito ng betadine. Inirapan ko ito at di na muling tiningnan pero ng maramdamang lumapat na ang bulak sa sugat ko ay kaagad akong napangiwi sa sobrang sakit at tanging nagawa ko lang ay kagatin ang panyo para di makagawa ng ingay.
“You can open your eyes now, lady.”
Dahan-dahan akong nagmulat at agad nagkasalubong ang mga mata namin pero agad ko itong inirapan. I saw him smiled a bit bago tumayo at niligpit ang medicine kit na ginamit nito.
“Huwag ka munang sumali sa initiation ninyo mamaya. I’ll tell my co-supreme councils that you’ll be excused later.”
Nahihiya man pero pilit ko itong tiningnan sa kanyang mga mata. “Thank you but it's alright, Grand Master. It's just a little bruise, I can handle it.” I felt my cheeks turned red kaya di ko magawang salubungin pa ang mga mata nito.
“We are your masters and it's our responsibility to take care all of you. This is not just all about initiation, Neophytes. But we are encouraging all of you here, na magkaisa sa lahat ng bagay. Don’t take it seriously walang kompetisyong naganap dito, teamwork ang kailangan ninyo. That's the role of a true blooded Epsilonian," seryoso nitong litanya habang nakatingin sa aming lahat.
“Understood?!” sigaw nito.
“Yes, Grand Master!” sabay-sabay namin na sagot.
Muli itong tumingin sa gawi ko at sa pagkakataong ito ay nginitian ko siya. Bahagya itong yumuko at pinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng cargo pants nito at simpleng naglalakad palayo.
“Psssssttt—” sundot ni Micah sa tagiliran ko.
“Ha? Ano?”
“Asus, shana all ginagamot!” nanunukso nitong sabi na ikina-iling ko nalang.
But suddenly, I smiled unconsciously. "Ayeehh! kinikilig ako–" natatawa kong sabi kay Micah.
"Ang obvious mo girl! Nagmumukhang kamatis ka na nga eh sa sobrang kilig," pairap nitong saad.
Feeling nervous! Yet happy at sobrang kinikilig ako dahil sa ginawa ni Mike, ang aking ultimate crush mula noon hanggang ngayon. "Pero naalala pa kaya niya ako? Ang gwapo pa rin ni Mike at mas lalo siyang pumugi sa kanyang itsura ngayon. Haaisst!"