CHAPTER 04: When she became a certified Alpha Kapalmuks

2203 Words
Ngayon ang huling araw ng aming initiation sa Math - Science Initiation Week. Finally, after 10 days of facing various activities from our Masters and Tribal Chief of initiation, ay feeling proud na masasabi kong napag-tagumpayan namin ito with flying colors. Now, it’s our last day and we’re celebrating our Hell Night tonight, kung saan lahat ng nag-survive will be baptized at kilalanin bilang isang certified Epsilonian. It's finally over! We're all happy and satisfied that we survived until the end. Sorry for those Neophytes who failed to survive dahil hindi na sila kasama sa initiation rites as true blooded Epsilonians. Tonight, I'm wearing my Black Cocktail dress, simple makeup, messy bun hair and black ankle rivet high-heeled boots. Kasama ang mga kaibigan ko'y excited kaming pumasok sa loob ng University Theater ng aming school. Dito gaganapin ang Hell night at ang official initiation rites for all certified Epsilonian members. “Shocks! Andaming gwapo, beshies!” ani ni Micah na manghang-mangha habang iginala ang mga mata sa crowd. "Yeah, right!" Sang-ayon ko sa kanya habang ang mga mata ay iginala rin sa buong paligid. Inaasam na masilayan kahit sa malayo man lang ang kanyang crush na si Mike. Pero napukaw ang atensyon ko dahil kay Tasha, “Look! Who’s with Ythan Santiago.” Walang emosyong saad ni Tasha sa tabi ko na agad din nagpalingon kay Micah. “Nasaan besh?” Energetic na tanong ni Micah at bahagyang niyugyog pa ang balikat ni Tasha kaya umirap lang ito sa kanya. Sa aming tatlo, Micah is the energetic one, yung dinaig pa ang nakalunok ng sampung pakete ng tsokolate bawat araw sa pagiging hyper nito lalo na kapag nandyan ang crush nitong si Ythan Santiago, one of the General Technical Staff of the Supreme Council. She’s kinda' hype lalo na pagdating kay Ythan Santiago, na ultimate crush din niya since we’re in elementary. Yeah, just like me, kaya nga siguro kami nag-click nito dahil pareho kami ng nararamdaman pagdating sa crush namin, solid and loyal. Unlike Tasha, she’s kinda' weird at parang may sariling mundo minsan. Perks ng isang matalinong bata na nasobrahan sa pagiging seryoso at higit sa lahat kulang na lang magsuot ito ng malong at saya para sabihing madre ito. Daig pa niya ang mga madre at mongha na hindi tinatablan ng kilig at di nakaka-appreciate ng biyaya sa mga kababaihan. Kahit crush wala eh. Tomboy ata 'tong si Tasha, hindi niya lang maamin. Malay ba namin kung gandang-ganda na pala siya sa amin ni Micah tapos nahihirapan lang siyang pumili kaya hindi niya maamin-amin sa amin na tibo siya, "Myghad, Tasha!" Sabay na napatingin sa akin sina Micah at Tasha. "Bakit?" walang emosyon na tanong nito. Worried naman si Micah, "May problema ka ba, Marie?" Napangiti na lang ako sa aking kabaliwan, "Sorry, wala naman kaya tara pasok na tayo sa loob." Nauna akong naglalakad papasok habang palinga-linga sa paligid. Sa mahigit tatlong buwan na pag-aaral namin dito sa HS department ay napag-alaman naming sikat pala talaga ang apat na kuwago, tawag ko sa apat na heartthrob ng DVU. Sina Mike Hansen Jusawee, Vaughn Valencia, Ythan Santiago at Dave Alzada. Well, they all have it from looks, talent, charm and even brains. Pero kung gaano sila kilala sa pagiging gwapo ay mas kilala sila bilang Chickboy ng University. Aba’y parang nanonood ka lang ng Meteor Garden sa tuwing napapadaan sila sa harap, gilid o likod mo. May maririnig ka talagang mahinang tili sa mga babaeng nakapalibot dito. At feel na feel naman ng mga loko, mabuti nalang itong si fafa Mike ko seryoso at walang pakialam sa mundo. Kaya nga I doubt it, tanging si Ythan lang ang pinaniniwalaan kong malanding bebe ng campus. Ewan ko nga ba’t nahumaling doon ang kaibigan ko eh panigurado naman sakit sa ulo at isip lang ang aabutin niya sa kanya. “Aish....Siguro kumawala na naman dyan sa puso mo ang iyong malanding boylet kasi ayon oh nakipag-harutan na naman sa iba.” Nanunuyang saad ni Tasha kay Micah habang nakatingin sa dulong bahagi ng UT. Umingos lang si Micah, “Tse! Sadyang mabait lang talaga ang bebe ko kaya kailangan niyang maging gentleman sa mga kababaihan na tulad ko, hindi gaya mo na hindi marunong mag-appreciate ng biyaya ni Papa G.” Litanya nito at inirapan si Tasha na kibit balikat lang na umupo sa bakanteng round table sa tapat namin. Napabuntong hininga nalang ako at napairap sa kanilang dalawa. Nag-umpisa na ang programa at nag-kasiyahan ang lahat na nanonood sa ilang special performance ng SPA students habang si Micah naman ay parang bulate na nanginginig sa sobrang kilig na hinaharap ako. “Oh my G, Marie! Ang gwapo naman ng Prince Charming mo, look oh!“ sabi nito habang nakanguso pa ang labi nito sa bandang kaliwa namin. Nang marinig ko ang sinabi ni Micah ay bigla nalang akong napatingin at napalunok ng makita ito. Aware akong nandito siya pero iba pa rin talaga ang makita siya ng malapitan lalo na kung napaka-gwapo niya sa suot niyang Gray Tux with his usual signature look. Ang pagiging serious and less smile. Nakapamulsa siya at pawang nakikinig lang sa fellow Supreme Council na kumakausap kay Vaughn. By the way, Supreme Council nga pala ang apat na kuwagong iyon. Mula ng nag-migrate noon ang family ni Mike nagkawatak-watak din ang K4, na ibig sabihin para sa akin kagwapuhan, kakisigan, katalinuhan at ang huli ay kalandian. But in short, Tasha said, K4 ay apat na kuwago! "Vaughn Valencia - SSG President at Supreme Council - Rajah and also a varsity player. Mike Hansen Jusawee - "Asawa ko, char!" varsity player at Grand Master of Supreme Council - Ranee. Ythan Santiago - varsity player and Gen. Technical Staff of the Supreme Council. Dave Alzada - varsity player and Gen. Technical Staff of the Supreme Council." “Oh itikom mo na yang bibig mo at baka mapasukan ng hanging may kasamang utot, bahala ka bad breath ka na niyan,” ani ni Micah sa likuran ko na bahagyang sinilip ang mukha ko at hinawakan ang aking baba gamit ang hintuturo nito. Bigla naman akong napa-ayos ng upo at bahagyang tinampal si Micah sa braso. Wala sa sariling, napahawak ako sa ulo at bahagyang inayos ang buhok, bakit ba bigla akong na curious sa itsura ko? Mula noon hanggang ngayon, nanatili ang kagwapuhan ni Mike at mas lalo itong naging makisig nang bumalik sa DVU. Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Tash sa binti at marahan itong tinapik. “Tss.. maganda ka na, kaya huwag kang ma-insecure d'yan. Insecurity kills the cat, di ba?" seryoso nitong biro sa akin. Kunot-noo naman na bumaling si Micah sa amin at parang may malalim na iniisip. “Hoyy, hindi ah! Curiosity 'yon! Curiosity kills the cat!” sabi nito at mas lalong humaba pa ang nguso habang nakatitig sa malayong pigura ni Ythan na may kasamang ibang babae. “Insecurity 'yon! Kaya nga insecure na yang pagmumukha mo sa babaeng kawayan na kasama ng malanding bebe mo. Eh mas hamak na maganda pa nga ako diyan. Tss...” nakaismid na saad ni Tasha. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na natawa sa huling sinabi ni Tasha. Well, this is us tatlo laban sa lahat. Absent si Shawn sa tropa dahil nagbakasyon ito sa kanilang probinsya. Mas masaya sana kung nandito siya dahil mas bibo ito pagdating sa kalandian. Lalo na sa crush nitong si Vaughn Valencia. "Fafa V ang tawag nito kay Vaughn." Naging masaya ang buong program. Pagkatapos mamigay ng awarding of certificates para sa mga new member ng Sigma Mu Epsilon ay kaagad nagbigay ng closing remarks ang bagong Principal namin. “Once again, thank you and enjoy the night, Epsilonians!” pagtatapos ng Principal sa kanyang speech. Masaya kaming lahat na nag-palakpakan at naghiyawan sa matagumpay nilang events na Math - Science Initiation Week. Nagkakasiyahan na ang lahat at nagsayawan ang iba sa gitna ng dance floor kabilang na ang dalawa kong kaibigan and I'm here left all alone in our table while drinking a glass of sponge soda. “Im glad that you’re having fun.” Sabi ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan kong hinarap ang pinanggalingan ng boses. At tama ang hinala ko sa kanyang boses pa lang. “H-hi.” Tanging nasambit ko sa kanya dahil tila umurong na ang aking dila ng makita itong nakangiti sa akin. Ngumiti lang ito at muling iginala ang mata sa loob ng UT kung saan halos lahat ng naroon ay labis na ang kasiyahan sa gitna ng dance floor. “Where are your friends?” pambasag ko sa katahimikan sa pagitan namin. “They’re enjoying others company,” kaswal nitong sabi. “And you?” "Heto, nagpahinga muna," pilit kong pinakaswal ang sagot kahit sa loob ng puso ko'y nag regodon na sa sobrang kaba at kilig. Bumaling siya sa akin na bahagyang nakakunot ang noo pero bago pa siya makapagsalita ay bigla na lang nagbago ang music sa dance floor. From hiphop to slow music at isa sa paborito kung kanta, 'I Never Thought' by Dan Hill. Medyo makaluma pero sheyt tagos sa puso ko ang kanta. Biglang napalunok ako at kusang naglakbay ang isip ko. 'Ano kaya ang feeling na sumayaw kasama ang isang Mike Hansen Jusawee?' "I guess, may tatak imported lalo pa at galing ito ng Canada," napangiti ako sa isiping iyon. Bago pa man makapag-isip ng matino ay parang may sariling buhay ang dila kung di man lang nakapag-preno. “Can I dance with you, Mike?” This is it pansit! Wala ng atrasan 'to. Napansin kong bahagya itong nagulat sa aking sinabi. “M-may I have this dance?” trying to sound cute. Kunot-noo akong tinitigan at bahagya pang natawa. Pailing-iling itong nagsalita, “I should be the one asking you for a dance, lady?” Ako naman ngayon ang natigilan at bahagyang napahiya sa inasal ko ngunit kaagad kong binawi ang aking composure. “Aishhh… C’mon Mike, let’s dance! C’mon!” hinawakan ko ang kamay nito at hinila patungong dance floor. Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa amin, or shall I say, sa akin. Pero wala na akong pakialam sa kanila dahil ang mahalaga ngayon ang makasayaw si Mike. I immediately snaked my arms around his neck and ignored the stares around us. It was just the two of us dancing together on the dance floor. Nagsimula akong humakbang at kusa namang pumalibot ang mga kamay nito sa aking baywang na halos tumindig pa ang mga balahibo sa aking batok. Tahimik lang kaming sumayaw at manaka-nakang tumitingin sa isa't-isa. Hanggang sa binasag na nito ang katahimikan. “By the way, congrats, you're now a certified Epsilonian. Welcome to the club," pabulong nitong saad. “Thanks, Mike.” Nahihiya kong tugon but deep inside kilig na kilig ang puso ko. Ngayon pa ba ako mahihiya sa kanya? Ako na nga itong walang hiyang nanghatak sa kanya patungong dance floor. Kaya todo na ito dahil baka bukas mawawala na naman ang aking Prinsipe o di kaya'y pagsapit ng hatinggabi. "Aba! Ngayon ka pa nahiya eh nakaladkad mo na nga sa gitna tapos kung makalingkis ka— gandang babae ka?!" Pambubuska ng sariling utak pero hindi ko namalayan na lumabas pala ito. “Maganda naman talaga ako!” natigilan ako ng maramdaman na nanginig bigla ang balikat ni Mike. Is he laughing at me? Wait— did I say it loud? Shocks Marie nakakahiya ka talaga! Ang tanga mo! “Ahhm.. you’re crazy lady,” natatawa nitong saad. Napanguso nalang ako at napayuko dahil sa kahihiyan. “Cute.” "Hindi cute ang pangalan ko," "Of course, Thisa! You're so cute." Tinawag niya ako sa first name ko? That only means naalala na niya ako? "Mike–" "Hmmm. What?" Nakayuko itong tiningnan ako at ng makita ko itong nakangiti ay bigla nalang akong nahawa sa kanya. Biruin mo iyon ang tinaguriang suplado at snobbish ng school ay ngumiti at tumawa dahil sa akin. "Oh well, Im Thisa Marie Adriante, famous lukaret in DVU." Nawala ang awkwardness sa pagitan namin at nagawa ko na siyang matingnan ng malaya. Mas lalo akong masaya dahil naalala na niya ako. Wala akong gaanong naririnig sa mga pinagsasabi ng host sa gitna ng stage gayong nasa gitna lang naman kami ng dance floor at naka-mikropono naman ito. Bukod tanging mukha lang ni Mike ang umuokupa ng buong isipan ko sa ngayon. “Let’s all welcome our special guest for tonight, Ms. Stephany Louisse Delima!” agad akong bumaling sa harap pero bago pa man ay nakita ko pa kung paano tumingin ang mga mata ni Mike sa babaeng nasa itaas ng entablado na may halong paghanga. Nakakabingi na ang hiyawan ng mga tao sa paligid at mas lalong nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Mike dahil nakatutok na lamang ang mga mata nito sa maganda at sexy na nakatayo sa gitna ng stage na mas lalong gumaganda habang nagsasalita. "Ouch!" Kusang bumitaw ang mga kamay nitong nakahawak sa aking baywang at walang sabi nitong nakatungo na lamang ang tingin sa gitna ng stage. Habang ako naman ay naghahabol sa kanyang paningin at sa tuwing kumikislap ang kanyang mata ay para naman itong kutsilyo na tumutusok sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD