Cong sa catapan~ga,i, bantóg si Aladín
may búhay rin namáng súcat na maquitíl;
iyóng matatantóng casimpantáy morin
sa casamáng pálad at daláng hilahil.
Sagót ni Florante, houag ding maparis
ang guerrerong bantóg sa pálad cong amis
at sa ca-auay ma,i, di co ninanais
ang lahí ng dúsang aquing napagsapit.
Matantô ni Amá ang gayóng sacunà
sa Crotonang baya,i, may balang sumirà[49]
acó,i, isinama,t, humaráp na biglá.
sa haring Linceong may gayac n~g digmá.
Camí ay bago pang nanaquiát sa hagdán
n~g Palaciong batbát n~g hiyas at yaman,
ay sumalúbong na ang Haring marangál,
niyacap si Amá,t, acó,i, quinamayán.
Ang uica,i, ó Duque, ang quiás na itó
ang siyang camuc-há n~g bunying guerrero,
aquing napan~garap na sabi sa iyó,
maguiguing haligui n~g Cetro co,t, Reino.
¿Sino ito,t, saán nangaling na Ciudad?
ang sagót ni Amá "ay bugtóng cong anác
na inihahandóg sa mahal mong yápac
ibilang sa isang vasallo,t, alagád."
Namanghâ ang harî at niyacap acó,
"mabuting panahón itóng pagdatíng mo,
icao ang general nang hocbóng dadaló
sa bayang Crotonang quinubcób nang moro.
Patotohanan mong hindî ibá,t, icao,
ang napan~garap cong guerrerong matapang,
na naglalathalá sa sangsinucuban
nang capurihán co at capangyarihan.
Iyóng cautan~gan paroong mag-adia,
nunò mo ang Hari sa bayang Crotona;
dugò cang mataás, ay dapat cumita
nang sariling dan~gál, at bunyí sa guerra."
Sa pagca,t, matouid ang sa Haring saysáy,
umayon si amá cahi,t, mapaít man,
nang agád masubò sa pagpapatayan
ang ca battan co,t, di cabihasahan.
Acó,i, ualang sagót, na na-ipahayag
cundî "_Haring poo,t,_" nagdapâ sa yapac,
nang aquing hahagcán ang mahal na bacás,
cúsang itinindíg at mulíng niyacap.
Nag-upuán cami,t, sacá nag panayám
nang balabalaqui,t, may halagáng bagay,
nang sasalitín co ang pinag-daanan
sa bayang Atenas na pinangalin~gan.
Siyang pamimitác at cúsang nag sabog
nang ningning, ang tálang ca-agáo ni Venus,[AI]
anaqui ay bagong umahon sa búbog,
buhóc ay nag lugay sa perlas na bátoc.
Touáng pan~galauá cong hindî man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig,
ó ang lualhating búcó nang ninibig
pain ni Cupidong ualáng macáraquip.[AJ]
Liuanag nang muc-há,i, ualang pinag-ibhan,
cay Febo cong anyóng bagong sumisilang,
catao-ang butihin ay timbáng na timbáng
at mistulang ayon sa hinhín nang ásal.
Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos
bulaclác na bagong uinahi nang hamóg,
anopa,t, sino mang paláring manoód
pátay ó himalâ cong hindî umirog.
Itó ay si Laurang iquinasisirà
nang pag-iisip co touing magunitâ,
at dahil nang tanáng himutóc at luhà
itinutuno co sa pagsasalitâ.
Anac ni Linceong haring napahámac,
at quinabucasan nang aquing paglíyag:
baquit itinulot lan~git na mataás,
na mapanoód co, cong dî acó dapat?
¡O haring Linceo cong dî mo pinilit
na sa salitaan nati,i, maquipanig
ang búhay co disi,i, hindî nagcasáquit
ngayong pagliluhan nang anác mong ibig!
Hindî catoto co,t, si Laura,i, dî tacsíl
¡aiuan cong ano,t, lumimot sa aquin!
ang pálad co,i, siyang alipusta,t, linsil
di laáng magtamó nang touâ sa guiliu.
¿Macacapit caya ang gauang magsucab
sa pinacayaman nang lan~git sa dilág?
cagandaha,i, báquit di macapagcalág
nang pagca capatid sa maglilong lácad?
Cong nalalagáy ca ang mamatouirín,
sa láot nang madláng súcat ipagtacsíl,
¿dili ang dan~gal mong dapat na lingapin
mahiguit sa ualáng cagandaha,t, ningning?
Itó ay hámac pa bagáng sumangsalà
ng carupucán mo, at gauíng masama?
¡cung anó ang taás, n~g pagcadaquilà,
siyaring lagapác namán cong marapá.
O bunyíng guerrerong! na-auà sa aquin,
pag silang na niyaong nabagong bitoín,
sa pagcaquita co,i, sabáy ang pag guiliu,
inagao ang púsong sa Iná co,i, hain.
Anopa,t, ang lúhang sa mata,i, nanágos
nang pagca-ulila sa Iná cong irog,
na tungcol sa sintá,t, púso,i, nan~gilabot
bacâ di marapat sa gayóng alindóg.
Hindî co maquita ang patas na uicà
sa caguluhan co,t, pagca-ualáng diuà
nang maqui-umpóc na,i, ang aquing salitâ,
anhin mang touirin, ay magcacalisiyâ.[50]
Nang malutas yaóng pagsasalitaan,
ay ualâ na acóng camahad-licaan,
caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng
sa nin~gas nang sintang bago cong naticmán.
Tatlóng arao noong piniguing nang Harì
sa Palacio Real na sa yama,i, bunyî,
ay dî nacausap ang púnong pighatî
na ina asahang ilulualhati.
Dito co naticmán ang lalong hinagpís,
higuít sa dálitang na unang tini-ís,
at binula-ang co ang lahat nang sáquit,
cong sa cahirapan mulâ sa pag ibig.
Salamat at niyaóng sa quinabucasan
hucbó co,i, lalacad sa Crotonang bayan,
sandalíng pinalad, na nacapanayam
ang Princesang nihag niyaring catauhan.
Ipinahayag co nang uicang ma-irog,
nang buntóng-hinin~gá, lúhà at himutóc,
ang matinding sintang iquina-lulunod
mag-pahangán n~gayon nang búhay cong capús.
Ang púsong matibay nang himaláng diquít
nahambál sa aquing malumbáy na hibíc
dangan ang caniyáng catutubong bait
ay humadláng, disin sintá co,i, nabihis.
N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan
naliuanagan din sintang nadidimlán
at sa pag-panao co ay pinabauanan
nang may hiyang perlas na sa matá,i, nucál.
Dumatíng ang bucas nang aquing pag-alís[51]
¿sino ang sasayod nang bumugsóng sáquit?
¿dini sa púso co,i, alíu ang hinag-pís[52]
na hindî nagtimo nang caniyang cáliz?
¿May sáquit pa cayang lalalo nang tindí
sa ang sumisinta,i, maualay sa casi?
guni-guní lamang dî na ang mang-yari,
súcat icalugmóc nang púsong bayani.
¡O nangag-aalay nang maban~gong suób
sa daquilang altar ni Cupidong Dios
sa dusa co,i, cayó ang nacatataróc,
niyaóng man~gulila sa Laura cong irog!
At cundi sa lúhang pabaon sa aquin
namatáy na muna bago co na-atím
dúsang dî lumicat hangang sa dumatíng
sa bayang Crotonang cubcób nang hilahil.
Cuta,i, lulugsó na sa bayóng madalás
nang man~ga maquinang talagáng pang-ualat
siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat
guinipít ang digmáng cumubcób sa Ciudad.
Dito,i, ang masid-híng lubháng camatayan
at Parcas Aropos ay nagdamdám pagál[53]
sa pag-gapas nila,t, pagquitíl nang búhay
nang nag-hihin~galóng sa dugo,i, nag-lutang.
Naquita nang píling general Osmalíc
ang aquing marahás na pamimiyapis
pitóng susóng hanay na dúlo nang cáliz
uinahi nang tabác nang aco,i, masapit.
Sa caliua,t, cánan niya,i, nalagalág
man~ga soldados cong pauang mararahás
lumapit sa aquin matá,i, nagninin~gas
halica aniya,t, quita ang maglamas.
Limang oras caming hindî nag-hiualay
hangang sa nahapó ang bató nang tapang
nag-lucsâ ang lan~git nang aquing mapatáy
habág sa guerrerong sa mundo,i, tinac-hán.
Siya nang pagsilid nang pan~gin~gilabot
sa calabang hucbóng parang sinasalot
nang pamuc-sáng tabác ni Minandrong bantóg;
ang campo,t, victoria,i, napa-aming lubós.
Tagumpáy na ito,i, pumauí nang lumbáy
nang man~ga nacubcób nang casacuna-an
panganib sa púso,i, naguíng catoua-án;
ang pintô nang Ciudad pagdaca,i, nabucsán.
Sinalubong camí nang Haring daquilá
casama ang boong bayang natimaua
ang pasasalamat ay dî ma-apula
sa di magca-uastóng nagpupuring dilà.
Yaóng bayang hapo,t, bagong nacatigháo[54]
sa nagbálang bangis nang man~ga ca-auay
sa pagca-timauà ay nag-aagauáng[55]
málapit sa aqui,t, damít co,i, mahagcán.
Sa lacás nang hiyao nang famang matabil[AK]
_vivang_ dugtóng-dugtóng ay naquiquisaliu
ang gulang _salamat nagtangól sa amin_.
dinin~gig sa Langit n~g m~ga bituin.
Lalò na ang touâ nang aco,i, matatap
na apó nang hari nilang liniliyag
ang monarca nama,i, dî muntî ang galác
lúhà ang nagsabi nang ligayang ganáp.
Nagsi-akiát camí sa palaciong bantóg
at nangag-pahin~gá ang soldadong pagód,
dapoua,t, ang baya,i, tatlong arao halos
na nacalimutan ang gauíng pagtulog.
Sa ligaya namin nang nunò cong harì
naquipag-itan din ang lilong pighatî
at ang pagcamatáy nang Ina cong pilî
malaon nang lantá,i, nanariuang mulî.
Dito naniuala ang batà cong loob
na sa mundo,i, ualang catoua-áng lubós,
sa minsang ligaya,i, talì nang casunód,
macapitóng lumbáy ó hangang matapos.
Maguíng limáng bouán acó sa Crotona
nag-pilit bumalíc sa Reinong Albania
¿di sinong susumáng sa acay nang sintá
cun ang tinutun~go,i, lalo,t, isang Laura?
Sa gayóng catulin nang aming paglacad
nai-inip aco,t, ang nása,i, lumipád,
¡abá,t,! nang matanao ang muóg nang Ciudad,
cumutóg sa aquing púso,i, lalong hírap!
Cayâ palá gayo,i, ang nauauagay-uay
sa cúta,i, hindî na bandilang binyagan
cundî Medialuna,t, Reino,i nasalacay[AL]
ni Aladíng sálot nang pasuquing bayan.
Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil
sa paá nang isang bundóc na mabangín,
dî caguinsa-guinsa,i, natanauán namin
pulutong nang morong lacad ay mahinhín.
Isang bini-bini ang gapós na tagláy
na sa damdám nami,i, tangcáng pupugútan
ang púsò co,i, lálong na-ipit nang lumbáy
sa gunitáng bacá si Laura cong búhay.
Cayâ dî napiguil ang ácay nang loób
at ang man~ga moro,i, bigla cong linusob,
¡palad nang tumacbó at hindî natapus,
sa aquing pamuc-sáng cáliz na may poót!
Nang ualâ na acóng pagbuntuháng gálit
sa di macaquibóng gapós ay lumapit,
ang taquip sa muc-ha,i, nang aquing i-alis
¡abá co,t, si Laura! ¿may laló pang sáquit?
Pupugutan dahil sa hindî pagtangáp
sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad,[AM]
nang mag-ásal hayop ang morong pan~gahás
tinampál sa muc-hâ ang himalang dilág.
Aquing dali-daling quinalág sa camay
ang lúbid na ualáng auà at pitagan
man~ga daliri co,i, na aalang-alang
marampî sa balát na cagalang-galang.
Dito naca-tangáp nang lúnas na titig
ang nagdaralitáng púsò sa pag-ibig,
arao nang ligayang una cong pag-din~gig
nang _sintang Florante_ sa cay Laurang bibíg.
Nang aquing matantóng na sa bilangúan
ang bunying Monarca,t, ang Amá cong hirang
nag-utos sa hocbo,t, aming sinalacay
hangang dî nabauì ang Albaniang bayan.
Pagpasoc na namin sa loob nang Reino,
bilangua,i, siyang una cong tinun~go
hinán~go ang Hari,t, ang Duqueng Amá co,
sa caguino-cha,i, isá si Adolfo.
Labis ang ligayang quinamtán ng Harì
at nang natimauang camahalang pilì
si Adolfo lamang ang nagdalamhatî[56]
sa capurihán cong tinamó ang sanhî.
Pan~gimbuló niya,i, lalò nang nag-álab
nang aco,i, tauagin tangúlan nang Ciudad,
at ipinagdiuang nang Haring mataás
sa Palacio Real nang lubós na galác.
Sacá nahalatáng aco,i minamahál
nang pinag-uusig niyáng cariquitan
ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy
dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal.
Lumagò ang binhíng mulâ sa Atenas
ipinunlang násang aco,i, ipahamac
cay Adolfo,i, ualáng bagay na masac-láp
para nang búhay cong hindi ma-úutas.
Di nag iláng buan ang sa Reinong touà
at pasasalamat sa pagca-timua,
dumating ang isang hucbong maninira
nang taga Turquiang masaquím na lubha.
Dito ang pan~ganib at pag-iiyacan
nang bagong nahugot sa dálitang bayan[57]
lalo na si Laura,t, ang capan~gambahán
ang acó ay samíng pálad sa p*****n.
Sa pagca,t, general acóng ini-átas
nang Harî sa hocbóng sa moro,i, lalabás
nag-uli ang loob nang bayang nasindác,
púsò ni Adolfo,i, parang nacamandág.
Linoob nang Lan~git na aquing nasúpil
ang hocbó nang bantóg na si Miramolín
siyang mulang arao na iquinalaguím
sa reinong Albania, nang turcong masaquím.
Bucód dito,i, madláng digmâ nang ca-auay
ang sunód-sunód cong pinag-tagumpayán
ano pa,t, sa aquing cáliz na matapang
labing-pitóng hari ang nan~gag-sigalang.
Isang arao acóng bagong nagvictoria
sa Etoliang Ciudad na cúsang binaca
tumangáp ng súlat n~g aquing Monarca
mahigpít na biling moui sa Albania.
At ang panihála sa dalá cong hocbó
ipinagtiualang iuan cay Minandro;
noón di,i, tumulac sa Etoliang Reino,
pagsunód sa Hari,t, Albania,i, tinun~go.
Nang dumatíng aco,i, gabíng cadilimán
pumasoc sa Reinong ualáng agam-agam
pagdaca,i, quinubcob ¡laquíng caliluhan!
na may tatlóng-pauong libong sandatahán.
Di binig-yang daang aquing pang mabunot
ang sacbát na cáliz at maca-pamoóc
boong catauán co,i, binidbíd ng gápos
piniit sa cárcel na catacot-tacot.
Sabihin ang aquing pamamangha,t, lumbáy
lálo nang matantóng Monarca,i, pinatáy
n~g Conde Adolfo cúsang idinamay,
ang Amá cong irog na mapagpalayao.
Ang násang yumama,t, háring mapataniág,
at uháo sa aquing dugô, ang yumacag,
sa púso ng Conde, sa gauáng magsucáb
¡o napacarauál na Albaniang Ciudad!
Mahigpit cang abá sa mapag-punuán
n~g han~gal na púnò at masamáng ásal,
sa pagca,t, ang Haring may han~gad sa yaman
ay mariing hampás nang Lan~git, sa bayan.
Aco,i, lálong abá,t, dinayà n~g ibig,
¿may cahirapan pang para n~g marin~gig,
na ang princesa co,i, nangacong mahigpit
pacasál sa Conde Adolfong balauis?
Itó ang nagcalat n~g lásong masid-hi
sa ugát ng aquing púsong mapighatí,
at pinag-nasaang búhay co,i, madalí
sa pinangalin~gang uala,i, magsaulí.
Sa pagcabilangóng labing-ualóng arao
na iiníp acó n~g di pagcamatáy,
gabí n~g hangoi,t, ipinagtuluyan
sa gúba,t, na ito,t, cúsang ipinugal.[58]
Bilang macalauang maliguid ni Febo
ang sangdaigdigan sa pagca-gapus co,
ng ina-acalang na sa ibang Mundó
imulat ang matá,i, na sa candungan mo.
Itó ang búhay cong silo-silong sáquit
at hindi pa tantô ang huling sasapit"
mahabang salitá, ay dito napatíd,
ang guerrero naman ang siyang nagsulit.
"Ang pagcabúhay mo,i, yamang natalastás,
tantoín mo namán n~gayon ang caúsap,
acó ang Aladin sa Perciang Ciudad
anác n~g balitang sultáng Alí-Adab.
Sa pagbátis niyaring mapait na lúhà
ang pagcabúhay co,i, súcat mahalatâ....
¡_ay Amá co_! _baguit_...? ¡_ay Fleridang toua_!
catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa.
Magsama na quitáng sa lúha,i, ma-agnás,
yamang pinag-isá n~g masamáng pálad
sa gúbat na ito,i, antain ang uacás
ng pagcabúhay tang nalipós n~g hirap.
Hindî na inulit ni Florante namán
luha ni Aladi,i, pina-ibayuhan;
tumahán sa gúbat na may limáng bouan,
ng isang umaga,i, nagan-yác nag-libáng.
Canilang linibot ang loób n~g gúbat
cahit bahag-ya na macaquitang landás,[59]
dito sinalità ni Alading hayág,
ang caniyáng búhay na cahabag-habag.[60]
"Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan[61]
dî acó naghirap ng paquiquilaban,
para n~g bacahin ang púsong matibay
ni Fleridang irog na tinatan~gisan.
Cong naquiqui-umpóc sa madláng princesa,i,
si Diana,i, sa guitnâ ng maraming Ninfa,[AN][62]
caya,t, cun tauaguin sa Reino n~g Percia
isá sa Houris n~g m~ga Profeta.[AO]
Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig
sa catiyaga-an ang púsong matipíd[63]
at pagcaca-ísa ng dalauang dibdib,
pagsintá ni ama,i, nabuyong gumi-it.
Dito na minulán ang pagpapahirap
sa aqui,t, ninasang búhay co,i, mautás
at n~g mag victoria sa Albaniang Ciudad
pag dating sa Percia,i, binilangóng agád.
At ang ibinuhat na casalanang co
dipa útos niya,i, iniuan ang hocbó
at n~g mabalitang Reino,i, naibauí mo,
aco,i, hinatulang pugutan ng úlo.
Nang gabíng malungcót na quinabucasan
uacás na tadhanang aco,i, pupugutan,
sa carcel ay nasoc ang isang general
dalá ang patauad na laong pamatáy.
Tadhanang mahigpit, ay malís pagdaca
houag mabucasan sa Reino n~g Percia,
sa munting pag souáy búhay co ang dusa;
sinonód co,t, útos n~g Hari co,t, amá.
N~guni,t, sa púso co,i, matamis pang lubha
natulóy naquitíl ang hiningáng aba
houag ang may búhay na nagugunita
ibá ang may candóng sa Lan~git co,t, toua.
May anim na n~gayóng taóng ualang licat[64]
nang linibot libot na casama,i, hirap...."
nápatiguil dito,t, sila,i, may nabat-yág
nagsa-salitaan sa loób nang gúbat.
Napaquingán nila,i, ang ganitóng saysay
"nang aquíng matatap na papupugutan
ang abáng sintá cong nasa bilanguan
nag dapa sa yapac nang Haring sucaban.
Inihin~gíng tauad nang luha at daing
ang caniyang anác na mutya co,t, guiliu
ang sagót ay cundi cusa cong tangapin
ang pagsintá niya,i, di patatauarin.
¿Anóng gagauín co sa ganitóng bagay?
¡ang sintá co caya,i, baya-an mamatáy!
napahinuhod na acó,t, nang mabúhay
ang Principeng írog na cahambal-hambál.
Ang dî nabalinong matibay cong dibdib
nang súyo nang hari, bála at pag hibic,[65]
naglambót na cúsa,t, humain sa sáquit
at nang ma-iligtás ang búhay nang ibig.[66]
Sa toua nang Hari, pinaualáng agád
ang dahil nang aquing lúhang pumapatác,
dapoua,t, tadhanang umalís sa Ciudad,
at sa ibáng lúpa,i, cúsang mauac-auac.
Pumanao sa Percia ang írog co,t, búhay
na hindî mang camí nagcasalita-an
¡tingní cong may lúha acóng ibubucál
na maitutumbás sa dusa cong tagláy!
Nang iguinagayác sa loob nang Reino
yaóng pagcacasál na camatayan co,
aquing na-acalang magdamit guerrero
cúsang magta-anang sa Real Palacio.