Matapos kong magpaalam ay lumabas na ako.
"You have a boyfriend and yet you go here alone and dance with another man? Are you a cheater?"
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. I don't even know his name but he keeps appearing on my sight!
"Why the hell do you care?"
Boyfriend? Who? Akala niya ba boyfriend ko ang kausap ko sa cellphone kanina? Ano namang pake niya kung ganoon nga? Hindi porket pogi siya, pwede na niya akong pakialaman. Pwede lang naman, kung wala siyang girlfriend. LoL.
"Tss"
"Travis nanjan ka lang pala". Narinig kong tinawag siya ng babaeng kahalikan niya kanina. May girlfriend nga pala talaga. Hindi na lang ang girlfriend niya ang pakialaman niya, not me.
Hindi ko na lang siya pinansin. Umalis na rin naman siya, at saktong dumating na ang taxi. Sumakay na rin ako at minessage ang mga kaibigan ko na nakasakay na ako.
Napatingin lamang ako sa labas at biglang pumasok sa isipan ko si Travis. So Travis pala name niya. Sayang, may girlfriend kasi. Pero kung wala, hindi rin naman ako mapapansin dahil iba ang tipo niya. Hays bakit ko ba iniisip iyon?
Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nasa tapat na kami ng bahay. Nag-abot ako ng 500 pesos sa driver. Nang akmang binigyan niya ako ng sukli ay agad ko itong tinanggihan. Nagpasalamat naman siya sa akin. Nakita ko sa mukha niya ang saya kahit na mahahalata mo ang pagod niya.
"Thank you po talaga ma'am"
Soft hearted ako kapag ganitong eksena na may nakikita akong nahihirapan, nakita ko ang pagod sa mata niya na kahit inaantok na siya ay nagtrabaho pa rin siya para ipangtustos sa pamilya niya. Kung kaya ko namang makatulong kahit kaunti, bakit hindi diba?
"You're welcome po. Ingat po sa pagda-drive"
Masaya akong pumasok sa bahay. Dali-dali akong pumunta sa kwarto nila mama at naabutan ko si Xia doon na naglalaro.
"Hi babyyyyyy", sigaw ko nang makita ko siya. Lumingon siya kaagad sa akin at tumayo para salubungin ako.
"I miss you tita gorgeous"
"I miss you too baby, tagal mo nang hindi dumadalaw dito a"
"Tita I've been here last week po kaya. Namimiss niyo po ako kaagad"
"Syempre miss na miss kita baby"
I hugged her and kiss her forehead. She's so sweet.
"I got you a pasalubong!"
Nilabas ko mula sa aking likod ang Jollibee spaghetti at fried chicken. This is her favorite, buti na lang at may nadaanan kaming drive thru kanina.
"Wow thank you tita!"
"You're welcome baby"
Pumunta sa may table si Xia at binuksan ang pagkain. Lumapit din ako kila mama at nagmano.
"Maaga ka ngayon ha"
"Nabored ako pa, tsaka nandito rin kasi si Xia kaya napaaga uwi ko"
"Huwag kang masyadong nag-iinom sweetie"
"Oo nga masama sa kalusugan mo iyon nak"
My parents are so sweet. Pinapayagan ako at alam ko ang limit ko. May tiwala sila sa akin.
"Opo mama at papa. Hindi naman po ako naglalasing palagi. Bonding lang naming magkakaibigan iyon"
"Alam namin nak"
"Sige po, magbihis po muna ako"
Nagpaalam muna ako at nagbihis sa kwarto.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto nila mama.
"Si mama pa?"
Tanong ko kay papa nang makitang a ala si mama.
"Kumuha ng meryenda sa ibaba. Tulungan mo pala at magtitimpla raw siya ng gatas ninyo."
Tumango lamang ako kay papa at bumaba na para pumunta sa kusina.
Nakita ko si mama roon na kumukuha ng cookies at ilang tinapay na inuwi niya galing sa shop niya. May tatlong baso rin doon ng gatas at Isang kape. Tinulungan ko na siyang buhatin ang isang tray na may dalawang gatas.
"Wow milk!" Excited na bati ni Xia sa amin. Ubos na pala niya ang pagkain niya.
"Oh meryenda muna tayo. Tawagin mo na ang kapatid mo nak"
Tumango ako kay mama at pumunta sa kwarto ni Diana. Kinatok ko ang pintuan niya at tinawag siya.
"Diana! Meryenda raw sa kwarto nila mama!"
"Palabas na!"
Bumalik na rin ako kaagad sa kwarto nila mama. Kumuha ako ng cookies at isinawsaw sa gatas.
"Ayan na! Takpan mo ang mata ni Xia para hindi niya makita!"
Bigla namang tinakpan ni papa ang mata ni Xia. Nanonood nga pala sila ng palabas at saktong naghahalikan na Ang dalawang tao.
"Meryenda nak"
Nandito na pala si Diana. Kumuha na rin siya ng tinapay at gatas.
"Here's the masungit na tita again"
"Here's the masungit na pamangkin again", panggagaya naman ni Diana sa boses ni Xia.
"Mag-away na naman kayo ha"
"Sorry po Lolo, Lola"
Mahilig kasi magbangayan itong dalawang 'to.
Pagkatapos naming magmeryenda ay pinatulog na rin nila si Xia at inaantok na. Nakabalik na rin ako sa kwarto ko para matulog na. It's such a good day and night.
One week before the opening of school, napagyayaan naming magkakaibigan na mag-beach. Nag-iimpake na ako ngayon ng dadalhin ko para sa 3 days trip namin sa Palawan. It's really our plan last month, ngayon lang nagkaroon ng time para kulayan ang drawing! Paano ba naman kasi ay kanya kanya kaming busy sa aming life. Tsaka may mga family vacations din sila.
Kanina ko pa hinahalungkat ang damitan ko, naghahanap ng mga magagandang damit. May mga napili naman na ako pero feel ko kasi may mas maganda pa at may hinahanap talaga ako.
After two hours of looking for the best, finally I got the clothes I really like. I got two piece bikini and one piece bikini, see through dress, summer dress, pants, rompers, shorts, and top blouses. I just put everything in my small luggage, including my skincare and personal hygiene kit.
Habang nag-aayos ako ng mga dadalhin ko ay biglang nagring ang phone ko. Kaya inabot ko ito mula sa bedside table ko.
'Party Girls For Life"
Sa gc pala namin, tumatawag ang mga girls. Dali-dali ko rin itong sinagot. Unang-una na namang magsalita si Scarlet.
"Aba! Pareho pala tayong lahat na nag-iimpake"
"Hindi naman halatang 3 days lang tayo doon noh? Bakit parang kinuha niyo na lahat ng mga damit niyo?". Si Jena, nakapag-ayos na yata siya dahil nakaupo na siya habang nanonood ng kung ano.
"It's for a photoshoot babe, how about you?"
Si Zariyah naman na nag-aayos din ng mga gamit niya.
"Kaya nga! For photoshoot purposes ang iba", sagot ko at nagsitawanan kami.
"Madaming papi ron! Shet ka-excite naman!"
"It's true! I can't wait to see the handsome view of Palawan!"
"I'm so excited too! Baka mahanap ko na ang 'the one' ko roon." At diniinan kong sabihin ang 'the one'.
"Basta kayo talaga puro ganyan! Naku, basta huwag lang pababayaan ang sarili"
"Opo sister Jena", sabay-sabay na pagsabi namin. Puro tuloy kami tawanan ngayon. Kahit na matagal na kaming magkakaibigan ay hindi pa rin nawawala ang saya, mas nadadagdagan pa.
Naalala ko lang na nabuo ang pagkakaibigan namin when we're in senior high school. Same school kami ni Scarlet, at sila Jena at Zariyah naman ay magkaibigan na mula pa elementary. Same kasi sila ng subdivision.
~~~
Work immersion na namin bilang grade 12 student, na-deploy kaming mga students sa mga University regarding sa kung anong course ang gusto namin o kahit anong related sa course namin.
I'm a STEM student and planning to take a Bachelor of Science in Pharmacy. Kaya sa building ng College of Allied Health Sciences ako na-deploy.
It's my first day, may mga kasama rin pala kami from the other schools. Nung una ay nagpakilala ang mga Professor, at nagpakilala rin kaming mga estudyante para raw makilala namin ang isa't-isa at hindi mag-ilangan.
Masaya naman ang naging panimula, bukas na raw kami simulang turuan at itour sa mga laboratory. Lunch break na kaya nandito ako sa cafeteria nila, nagmemeryenda mag-isa. Ayoko kasing sumasama sa mga kaklase kong plastik naman. Mas gugustuhin ko pang mag-isa.
Bumili lang ako ng spaghetti, fried chicken at shanghai, kumuha rin ako ng soft drinks ko. Nagsimula na akong kumain para makapagpahinga na mamaya.
"Hi! Nakikita kita sa school, same pala tayo ng workplace."
May babaeng nakangiti na biglang nagsalita sa harapan ko. May hawak siyang tray dala ang mga pagkain niya.
Is she talking to me? Malamang Celestina! Hindi naman siya mukhang plastik kaya nginitian ko rin pabalik.
"Uh hi! Upo ka." Pag-anyaya ka sa kanya. Umupo rin naman siya kaagad.
"I'm Scarlet nga pala. Celestina right?"
How did she know my name? Ay buang self! Syempre nagpakilala nga pala kami kanina. Habang tinititigan ko siya, namukhaan ko siya bigla, she's a dancer in our school kada may events.
"Ah oo"
"Nakikita na kita sa school! Minsan kasi naririnig kong pinag-uusapan ka ng mga kaklase ko crush ka nila. Gusto rin sana kitang i-approach back then kaso mukha ka kasing suplada kaya I never tried."
Nagpapaliwanag siya. So kilala niya pala ako?
"Hindi naman ako masungit, depende lang kung paano ako tratuhin, ganun din ang tratong ibabalik ko"
"Right! Nilapitan na kita kasi I don't like my classmates, they're so annoying. And I would like you to be my friend if you want"
She likes to be my friend? Um-oo na rin ako dahil magaan naman pakiramdam ko sa kanya. Siya na rin ang nakakasama kong kumain sa mga sumunod na araw.
Nakilala rin namin sila Zah at Jen sa work immersion, naging groupmates kasi kami kaya madalas na kaming nagkakasama.