Chapter 06

1581 Words
"The view is so beautiful! I really love this! If only I could live here! It's so relaxing!" Sigaw ni Zariyah nang malibot namin ang aming kwarto. Kararating lang namin dito sa Palawan at dumiretso kami rito sa kwarto namin para ibaba ang mga gamit. Glass ang wall na katapat ng dagat. Kitang-kita ang pag-alon ng dagat at ang sikat ng araw. Napakaganda ng view kahit nandito lang kami sa loob ng kwarto. Kahit siguro maghapon ako dito sa loob ay hindi ako nabobored kung ganito naman kaganda ang tanawin na makikita ko. "I'm so excited to take pictures! And to try different foods here!" "Excited naman akong magwonder at maghanap ng yummy foods!" "Excited naman akong maligo at maghanap ng mga shells!" "Ako? Excited ako sa lahat!" We all laughed at that moment. Minsan lang kami nakakapag beach trip kaya dapat kapag ganitong moments ay pinapahalagahan. It's past 10 at the morning already, napagpasyahan na muna naming magpahinga dahil nakakapagod din ang kayo ng byahe. Humiga na ako sa isang higaan, apat na bed ang kinuha namin. Humiga na rin sila dala ng pagod sa maagang pagbyahe namin kanina. Inaantok din ako kaya matutulog muna ako. ~~~ Nagising ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Thank you" Narinig ko agad ang boses ni Zariyah na may kinakausap. Bumangon na rin ako. Nakita ko si Zariyah galing sa pintuan na may hawak na mga plastic Tupperware. Oh, nag-order pala siya ng pagkain namin. Iyon pala ang kausap niya kanina. I thought it's someone. "Ano 'yang mga inorder mo?" Tanong ko sa kanya. Tinulungan ko na rin siyang ilapag sa lamesa ang mga pagkain. Binuksan niya isa-isa ang mga ito. Namangha naman ako dahil nakakagutom ang mga pagkain. Natakam na agad ako kahit sa tingin pa lamang. "I ordered a lot, 'cause I know you guys are hungry. We got steak, chicken wings, pasta, adobo, buttered seafoods, and kaldereta of course." "Wow ang sarap naman! Nakakagutom tuloy, pero antayin muna nating magising sila." Nakakatakam ngunit mas masarap kumain kapag sabay-sabay kami. Pumunta muna ako sa may lababo at naghanap sa cabinets ng mga plato. Binanlawan ko muna ang mga ito. Nahugasan na ito dahil nagpa-reserved naman kami dito at pinaayos namin ang lahat ng magagamit. Habang tulog pa sila ay nag-online muna ako saglit. 11:40 pa lang naman pala, maiksi lang ang naging tulog ko. Si Zariyah naman ay busy rin sa kanyang cellphone kaya hindi ko na siya ginulo pa. Nag-f*******: muna ako at nagbasa ng mga posts online. Scroll lang ang ginagawa ko dahil wala namang magawa. Mainit pa para lumabas at maligo sa dagat. Inistory ko pala ang kuha ng araw kanina mula sa kwarto. Maganda ang kuha kaya nagustuhan kong I post. May mga nag reacts din naman kaagad doon. Mga sampung minuto ang nakalipas nang magising ang dalawa. "Buti naman at nagising pa kayo. Akala ko matulog na lang kayo maghapon." Pabiro kong sabi sa kanila. "Ano oras na ba?" Tanong ni Jena habang iniinat ang mga braso. Si Scarlet naman ay ganun din ang ginawa habang humihikab. Sumagot naman ako. "12nn na, sakto lang naman dahil maaga ang byahe natin kanina" "Naghilamos na kayo para makakain na tayo, nagugutom na rin ako", dagdag kong sabi sa kanila. Nag-stretching pa sila nang makatayo. Nauna na nag Cr si Scarlet habang si Jena ay nasa lababo at naghihilamos. "Ano pa lang pagkain? Sa resto ba tayo?" Pagtatanong niya. "I've ordered food already! It's on me" "Oo nag-order na si Zah kanina" "Talaga? Anong pagkain?" Nagpupunas na si Jena ng kanyang mukha ngayon. Sakto ring kalalabas ni Scarlet ay pumasok din si Jena sa Cr. Nagsuklay pa muna ng kanyang buhok si Scarlet saka umupo sa tabi ko. Nandito kami sa sofa nila Zah. "Kain na tayo", anyaya ni Jena nang matapos siyang mag Cr. Kumuha na rin siya ng mga plato at inilagay sa mesa. Lumapit na rin kami para makakain na. "Gorgeous! You look hot in this photo!" Sigaw ni Zah habang pinapakita ang picture ko gamit ang camera niya. Nag-pipicture taking na kami ngayon. Tapos na silang nagpicture, ako na ang nahuli dahil mas pinauna ko sila. Wow ganda mo nga Ces!" "Bagay mo 'yang two piece mo" "Hoy huwag niyong ginaganyan, lalaki ulo niyan" "'Langya ka Let!" At nagsitawanan kami. Hapon na at magandang oras ito para maligo. Marami ring mga tao, may couples at family. Meron ding gaya namin na magbabarkada. "Dun lang ako sa dulo ha!" Nagpaalam na si Let at mamamasyal daw. "Boy hunting?" "Shhh", sagot niya lang sakin. Nakita ko sila Jena at Zah na pumunta na sa dagat. Sumama na rin ako sa kanila. Naka two piece nga pala kaming lahat, syempre beach ito. "May bar dyan sa malapit, pagmamay-ari rin daw ng hotel na at kwarto na tinutuluyan natin. Do you want to go later?" Basta si Zah talaga maraming alam sa mga ganito. Marami kasi siyang kakilala. "Sige ba!" "Good idea! Baka maraming hot fafa!" Napatili naman ako sa nasabi ko. "So mamaya pa naman, after lunch na lang" Nagpatuloy kami sa pagligo, wala ng araw dahil alas sinco na ng hapon. Malapit na ring lumubog ang araw. "Sunset na mamaya!" Excited na sabi ni Jena. She loves the sunset, I do too. Sino ba namang hindi diba? Ang gandang panoorin ng lumulubog na araw. Umahon na rin kami mula sa dagat para hintayin ang paglubog ng araw. Umupo kami sa may buhangin. Unti-unti nang lumulubog ang araw, nakatutok na ang cellphone ko upang picture'an ito, ganun din ang ginawa ng dalawang kasama ko. The waves of the sea plus the sun setting is a beautiful art for me. Looking at this calms me. Matapos ang panonood ko ng sunset ay dumiretso na ako sa kwarto upang magbihis. Mag didinner na kasi kami ngayon sa restaurant dahil may pupuntahan kami mamaya. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room upang magbihis. Pupunta na kami ngayon sa bar, dito lang din naman sa malapit. Nandito na kami sa bar ngayon. Maganda at spacious dito. Marami ring tao na dumadayo. May nakikita pa akong mga artista at sikat na influencers. "Ang daming pogi!" Si Scarlet na naghahanap na ng bagong fling rito. "Sayaw lang ako, sayaw tayo!" Pagyaya ko naman Kila Zah at Jena. Ngunit umiling si Jena. "Mamaya na lang, upo muna ako" "Me too, I'll just order drinks for us" "Sige! Dun lang ako sa dancefloor, malay niyo makabingwit ako ng pogi" Tumawa lamang sila at nagtungo naman ako sa mga taong nagsasayawan. Nakisayaw rin ako sa kanila. Nang mapagod ako ay hinanap ko sila Jena upang umupo muna ngunit hindi ko mahanap kaya pumunta na lang ako sa counter para dun mag-inom. "Isa nga, margarita" Kaagad din naman akong binigyan ng bartender. Uminom ako ng kaunti habang nakatingin sa paligid, naghahanap ng pwedeng makausap. May nakita naman akong lalaking type ko, nakatingin na rin siya ngayon sa akin. "Give me one" Narinig ko ang seryosong boses ng isang lalaki sa tabi ko. Hindi ko na lamang nilingon dahil tinatamad ako. Mas tinitigan ko na lang ang lalaking kaharap ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo sa tabi ko ang lalaking nagsalita kaya nilingon ko ito. Laking gulat ko ng si Travis pala! Nandito na naman siya? Destiny ba ito? "H-hi", nauutal kong bati sa kanya. Inismiran niya lamang ako. So kanina niya pa ako nakita dito? Baka nga hindi na ako maalala nito e. Pero may girlfriend nga pala siya, kahit sobrang gwapo niya ay ayoko pa rin landiin siya. "Ay oo nga pala, may girlfriend ka", nang akmang aalis na sana ako ay nagsalita siya. "Girlfriend? I don't have one." Parang nagsaya ang dibdib ko sa narinig! Crush ko na siya ulit! Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya. "Huh? Eh Yung babae sa bar noon na kahalikan mo" "Are you a f*****g stalker?" "Hala hindi noh! Sadyang nakita ko lang" "Tss" Bakit ganito? Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Oo na inaamin ko namang crush ko talaga siya, kaya stop ka na heart baka marinig ka niya. Iwasan niya pa ako pag nagkataon. "Ako pala si Celestina...." Pinakilala ko na ang sarili ko para naman alam niya pangalan ko. "Future asawa mo" Kahit na nahiya ako sa sinabi ko ay sinikap ko pa ring titigan siya. Nakakunot-noo na naman siya. "Travis pangalan mo diba?" Tanong ko nang hindi siya nagsasalita. Lumingon siya sa akin habang nakakunot-noo pa rin. "Ilang taon ka na?" Hindi pa rin siya sumagot kaya nagsalita pa rin ako. "20 na pala ako, incoming 4th year student this school year. Siguro magka-age lang tayo o mas ahead ka sa akin" Napansin kong bigla siyang napatigil sa pag-inom. "You're still a kid" "Excuse me ha! I'm not a kid anymore, try me" Pagkasabi ko noon ay kinindatan ko siya. "Okay, you're not a kid 'cause you go to parties every night and dance with men." Bakit ang pangit ng tingin nito sakin? May galit ba siya sakin? Hindi siya tipid na sumagot ngayon ngunit nakakainis naman ang sinabi niya. "Of course! I can also kiss you right now so you'll know that I'm not a kid" "Yeah? You'll kiss me with your lips that kissed other men before?" "As if namang wala ka pang hinalikan!" Napupuno na talaga ako sa kanya! Aalis na sana ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko. Nilapit niya ako sa kanya at naramdaman ko ang malambot niyang labi. Did he just kiss me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD