"What are we doing here?"
"You should go home already."
"Bakit mo ako pinapauwi? Eh nag-eenjoy ako roon! Bakit? Hindi ka ba nakuntento sa babaeng kausap mo kanina?"
"What are you talking about?"
"Wala, sige alis na ako"
Nawala sa isip ko na hindi ko dapat sinabi iyon. Wala rin namang saysay. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na papalayo.
Hindi pa man ako nakakalayo ay hinigit niya ako sa Isang kubo.
"Let's talk"
"Anong pag-uusapan natin? Wala naman"
"What the hell are you talking about? I said I don't have a girl okay?"
"Oo na, hindi mo naman kailangan magpaliwanag sa akin"
"I don't get it! Who's the girl you're talking about?"
Dahil sa inis ko ay sumigaw na rin ako.
"'Yung sexy na babae na kausap mo kaninang Umaga nang iwan kita! Diba ganun naman ang tipo mo? Sexy!"
"What?"
Tumahimik na lamang ako. Bakit ba kasi sinasabi ko pa ito.
"She just ask something, I don't know her. And she's also not my type..."
Nagpapaliwanag na naman siya, ngunit mahinahon na ang boses niya ngayon. Bakit ganito? I should be sad but I feel butterflies in my stomach again.
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag"
"But you accused me of something!"
Ah, kaya pala...
Tumango na lamang ako.
"Sige na alis na ako, punta na ako sa kwarto namin dahil maaga pa kami bukas."
Nagpaalam na ako sa kanya, hindi ko na rin siya tinignan pa.
"Can I get your number then?"
Nagulat ako nang marinig iyon. Bakit paiba-iba siya? Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.
Sa huli ay ibinigay ko na rin ang number ko.
"Text mo ako ha?"
Nakangiti na naman ako ngayon, tumango lamang siya.
"Saan ka na pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya. Inaantok na rin ako kaya siguro mauuna na ako sa kwarto namin.
"I'll just go to my room, I'll sleep"
"Sige matutulog na rin ako"
"I'll take you there, no buts"
Tumango na lamang ako ng nagpresenta siyang ihahatid ako sa kwarto.
Tahimik lamang kaming naglalakad Hanggang sa nakarating na kami doon.
"Dito na ako, salamat. Punta ka na rin sa room mo"
Nagpasalamat na ako at tumango naman siya.
"Okay, have a safe trip tomorrow"
"Salamat"
Nagtitigan muna kami ng ilang minuto nang lapitan ko siya upang halikan sa labi. Naramdaman ko ring gumalaw ang labi niya. Nagtagal iyon ng mahigit dalawang minuto. Nang matapos ay napangiti naman ako at nakahawak na ngayon ang daliri sa labi ko.
Nagpaalam na rin siya kaya hinintay ko munang makaalis siya bago pumasok sa loob.
Nang makapasok ako sa kwarto ay sumigaw ako.
I'm so happy! We kissed! Gusto na rin ba niya ako? He also get my number! s**t! Am I in love?
Sa sobrang saya ko ay nakatulog ako kaagad. Mga ilang oras din ay narinig kong pumasok ang mga kaibigan ko.
"Himala at aga natulog ng isang 'to? Aga pa umuwi." Rinig kong bulong ni Let.
"Siguro napagod lang." Sagot naman ni Jena.
"Shhh, quiet. She's already asleep. Let's also go to bed now and rest. Maaga pa tayo bukas. Good night girls." Wika naman ni Zah at narinig kong pumunta ang Isa sa Cr.
Kinaumagahan ay nandito kami sa restaurant at kumakain ng almusal. It's still 6:00 in the morning. The view of the sea here is so beautiful! Nakakagana kumain kapag ganito kaganda ang matatanaw mo. The sun is showing up and ready to rise.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami dito sa van at nagbabyahe na pauwi.
Nagpapatugtog na lamang ako ng musi . Nakatanaw lamang ako sa labas habang nagbabyahe kami.
Habang nagpapatugtog ako ay nag-vibrate ang phone ko. Inilabas ko ito at nakitang may nagtext.
Unknown Number:
Have a safe trip. Enjoy.
Shet! It's him! I know it's him!
Masaya naman akong nagreply sa kanya. Nilagyan ko na nag nickname ang number niya at isinave ito.
To: My future husband.
Thank you! I miss you:(
Pagkasend ko noon ay kinikilig ako. Namimiss ko na ang pogi niyang mukha. Matagal din siya bago magreply. Inabot pa yata ng limang minuto habang ako ay nakakapagreply kaagad. Siguro busy siya.
My future husband:
Welcome.
Ay iyon lang? Wala man lang 'I miss you too'?
To: My future husband:
Hindi mo ba ako namimiss kaya walang 'I miss you too'?
Natawa na lamang ako sa inireply ko sa kanya. Hindi na siya nakapagreply kaya napasimangot ako.
To: My future husband:
Anong ginagawa mo? Busy ka ba?
Nagreply naman siya kaagad. Hindi niya lang talaga ako miss kaya hindi siya nagreply kanina.
My future husband:
I'm working.
To: My future husband:
Ah kaya pala nandyan ka. Sige hindi na muna kita iistorbohin. Magtrabaho ka muna para sa mga anak natin.
My future husband:
Yes, I will.
Nanlaki ang mata ko roon! Shet! Anong I will? Kumakabog na naman ang aking puso. Kasalanan mo ito Travis. Panindigan mo ang puso ko!
Nakatulog din ako dahil sa kilig.
~~~
Sinag ng araw ang gumising sa aking kinabukasan. It's a good day to start school. Inunat ko muna ang katawan ko bago bumaba upang mag-agahan.
Ilang araw na rin mula nang makauwi kami galing sa Palawan. Hindi ko na rin nakita ulit si Travis, siguro ay doon talaga siya nagtatrabaho at pumupunta lang dito sa Manila upang mamasyal.
"Good morning world!"
Sigaw ko nang makababa sa kusina. Naghahanda na si mama ng pagkain doon habang si papa ay nagkakape.
"Good morning nak"
"Good morning sweetie"
Malambing na bati nila sa akin. Hindi pa siguro gising si Diana.
Nagtimpla na rin ako ng gatas ko. Inaayos na ni mama ang mga pagkain at tumulong naman akong manguha ng plato para makakain na.
"4th year ka na anak, malapit ka na grumaduate"
Masayang sinabi ni papa. Nakatingin din siya sa akin ngayon.
"Oo nga po pa, ang bilis ng panahon"
"Ang laki niyo na rin ng kapatid mo"
"May mga dalaga na po kayo, pwede na nga rin ako mag-asawa pa e", natatawa kong biro kay papa.
"Kung mahal ka naman ng lalaki ay bakit hindi diba? Basta hindi ka niya sasaktan. Meron na ba?"
"Itong si papa chismoso! Gusto lang pala itanong kung may boyfriend na ako"
Tumawa lamang si papa, si mama naman ay nakitawa rin. Nang nakapag-ayos na kami ng pagkain ay kumain na kami.
"Wala pa po akong boyfriend pa, may nagugustuhan lang po", paliwanag ko para hindi na magtanong si papa.
"Huwag mong pilitin kung hindi ka gusto anak, maganda ka naman kaya dapat Ikaw ang hinahabol ng lalaki. Dapat nga kami Muna nililigawan nila bago ikaw. Nanliligaw na nga ba?"
Na-touch ako sa sinabi ni papa. Umiling ako upang sagutin ang tanong niya.
"Hindi po"
"Naku, baka hindi ka naman tipo?"
Nang-aasar na sabi ni mama. Tumawa lamang kami.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako upang maligo.
Nagsusuklay na ako ngayon habang nakatapat sa salamin, naglagay na rin ako ng pulbo at liptint sa mukha. Nag-spray na rin ako ng pabango.
I wore a sleeveless top paired with a skirt. Kinuha ko na rin ang bag ko.
"Ma mauna na po ako!"
Sigaw ko nang makababa, nakabihis na rin si mama dahil pupunta siya ng shop niya ngayon.
"Ingat ka nak!"
Pagkalabas ko ay nasa labas na sila papa at Diana. Umupo na rin ako sa front seat. Ihahatid kami ni papa sa umaga at kapag hapon ay nagcocommute na lang kami, minsan naman ay dinadaanan niya rin kami.
Habang nasa byahe ay minessage ko muna ang mga kaibigan ko na papunta na ako. Nagreply rin naman sila kaagad.
Jena: Nandito na ako sa room.
Scarlet: I'm here at the field, I'm with my 'you know'.
Zariyah: Malapit na ako.
Binalik ko na ang cellphone ko sa bag nang makita kong malapit na kami. Sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
Nang makarating kami ay bumaba na ako, si Diana naman ay naroon pa dahil senior highschool pa lang naman siya at magkaiba kami ng school.
"Bye papa, Diana!'
Paalam ko sa kanila.
"Bye nak, good luck on your first day!"
"Good luck ate!"
Ngumiti lamang ako sa kanila at umalis na rin sila. Pumasok na rin ako sa loob ng paaralan.
Hinanap ko muna ang building at room kung nasaan sila. Dali-dali rin naman akong nagtungo doon. Nakita kong nandoon na sila maliban kay Let. Busy na naman sa kalandian iyon, kasisimula pa lang ng klase iba na pinanggagawa niya.
"Hi! Good morning everyone!"
Malakas kong bati sa mga kaklase namin. Ngumiti naman ang iba at bumati rin pabalik.
"Ano ganap ngayong first day?"
Pagtatanong ko kila Zah nang makarating sa pwesto nila. Umupo ako sa dulo at nakaharap sa bintana.
"Baka orientation lang, hindi pa naman tayo imemeet kaagad ng mga professors natin dahil first day pa lang."
Wika ni Jena. She wore a white and pink stripe shirt and jeans.
Napatingin naman ako kay Zah, nakadress siya na sakto lamang Hanggang tuhod niya.
"You're so pretty girls! Mana sakin"
"Aww"
Pagkasabi ko noon ay niyakap ko sila. They also hugged me back.
"What's the meaning of this?"
Biglang dumating si Let at sumali sa yakapan namin.
"Bruha! Tagal mo kasi, masyadong busy sa bagong boylet."
"Ay? Nagtatampo ba kayo? Don't worry, I love you more than them."
"Huy, gross!"
"Tse! Hate you na lang din kung ayaw niyo! Arte niyo ha!"
Nagtawanan naman kami sa naging asaran namin. Umagang umaga at ganito kaagad ang kwentuhan namin.