Chapter 10

1586 Words
"Guys stop it, I'm alright. I just had a headache but now I'm totally fine. Huwag na kayong mag-alala okay?" Wika ko naman sa kanila at niyakap sila. "I know something's going on. 'Yung ilang araw mong hindi pagsabay sa amin tuwing lunch, I know na may tinatago ka sa amin. But we're just waiting for you to tell us something." Dagdag pang sabi ni Let. Naluluha na ako dahil sa mga nasabi nila. I should have told them everything, kasi kaibigan ko sila. Hindi ko alam kung bakit tinago ko pa sa kanila. Nahihiya akong malaman nila na naghahabol ako sa isang lalaki na hindi naman ako gusto. "We're always ready to listen to you, but last Tuesday, I saw you going to the building. 'Yung ginagawa pa lang na building. I saw you there and I decided to follow you. Then I saw you happily eating with a man. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. I told them about that, and we're just waiting for you to tell us everything." Pagkekwento ni Zah, may bahid na lungkot sa kanyang mga mata nang sinabi iyon. Tuloy-tuloy na bumuhos ang aking luha sa mga nasabi nila. I should have known better. Ako lang itong hindi nagsasabi sa kanila. "I'm s-sorry g-guys-." Nauutal na wika ko sa kanila. Pinutol din naman iyon ni Jen. "Wala ka dapat ikahingi ng tawad. Desisyon mo naman 'yan, iyan ang nararamdaman mo. Ang gusto lang namin ay magsabi ka sa amin, lalo na kapag malungkot ka, ngayon. Magkakapatid tayo diba?" Naluluha na rin sila ngayon. "Masakit talaga? Bakit ka kasi niya pinaasa kung may iba pala siyang gusto? O kung may girlfriend nga diba? Anong klaseng lalaki ba siya?" Pagalit na sinabi ni Jen. Ikinwento ko sa kanila ang simula ng pagkikita namin ni Travis at kung paano ko siya sinuyo at hinabol. Napagtanto ko na ngayon na ang tanga ko pala. Umpisa pa lang naman sinabi na niyang hindi niya ako gusto, ako lang itong habol nang habol sa wala. "It's okay, you'll get over it soon. You'll get over him. He's so dumb! Imagine how beautiful you are and he just can't see what beauty you have inside and outside. He's not worthy of you. Don't worry, we're here." Kahit na naiinis ay malambing pa rin ang tono ni Zah. "Tanga rin naman nun! Dapat iniwasan ka niya talaga at hindi sinasabayan sa pagkain kung may girlfriend pala siya!" Nagagalit na sabi naman ni Let. Talagang galit na siya. "At ano ba kasi pangalan niya? Hindi mo man lang kasi alam ang full name." Dagdag niya pang sabi. "Yeah, how did you talk if you didn't know his name? You don't know his socials?" Tanong ni Zah. Curious talaga sila kung ano buong pangalan niya. Ako nga'y hindi ko rin alam. "Hindi talaga, 'yung number lang naman niya alam ko. Nakakalimutan ko kasing tanungin kapag magkasama kami." "What do you want to do now? Gusto mo magbar tayo para mawala sakit na nararamdaman mo?" Ngayon ay mahinanon na si Let. "Oo nga, gala tayo kung saan mo gusto! Tagal na ring hindi tayo nakakapagbonding!" Sambit naman ni Jen. "Bar tayo mamaya?" Sagot ko sa kanila. Nagsitawanan naman sila sa nasabi ko. Unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. "Yeah! Let's party later, we miss you. This past few days you are so busy with that man you like kasi", sabi ni Zah. "True!" Wika pa ng dalawa. Kinagabihan ay natuloy kami sa Plano namin, nagbar kami ulit. "Cheers for the broken hearted girl, Celestina!" Sabi ni Zah at sabay sabay kaming nag cheers. "Yeah! Let the party begin! Let's have fun people!" Sigaw ko habang umiinom ng alak. "Sayaw tayo!" Pag-anyaya ko sa kanila at nagtungo na rin kami sa dancefloor. Nagsayawan na kami, iginiling ko ang aking katawan sa kanila. "Yeaaah!" "Woooooah!" Nang mapagod sila ay bumalik na sila sa table. Si Let naman ay may fling kaya dun siya pumunta. Bumalik din ako pagkatapos sa table namin dahil napagod na ako kakasayaw. Si Jen lang ang nandoon nang nakabalik ako. "Nasaan si Zah?" "Nag Cr lang saglit" Tumango na ako sa kanya. Kumuha rin ako ng alak at nilagyan ang baso ko. "Cheers!" Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Zah, sumunod din si Let. "Thank you guys! Ang saya ko ngayon." Wika ko sa kanila habang nakangiti. Pauwi na kami ngayon, sakay sa sasakyan nila Zah. "We're friends! Bakit ka ba nagpapasalamat diyan?" Sagot ni Let. "Yeah, we're always here for you. Don't forget that okay? We must tell each other all our problems and worries okay? We shouldn't keep secrets, my ears are always ready if you need a listener." Sabi ni Zah na ngayon ay naluluha na. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula ang pasukan. At ngayon ay kaarawan ni Diana. Simple lang naman ang gusto niya, ayaw niya ng may maraming bisita. Ininvite ko lang ang mga kaibigan ko, at other relatives namin. Sa labas ng bahay kami nagdesign dahil malawak dito. Kahit konti lamang ang bisita ay mas maganda pa rin kung may magagandang design. Pink and white ang motif dahil 'yun ang favorite niyang kulay. Tumutulong pa lamang ako sa pag-aayos kahit umaga pa lamang. Sakto namang sabado ngayon at wala kaming pasok. Si Diana naman ay tumutulong rin sa amin, sinabihan ko na siyang huwag na tumulong dahil birthday niya ngunit nagpumilit siya kaya hinayaan ko na lamang. Si mama naman ay busy sa kusina kasama ang ibang mga cook na galing sa shop niya. Nagbebake yata sila at nagluluto ng pagkain. Early dinner kasi ang handa niya, mamayang 5 pm ang simula. Habang si papa ay pinag-leave muna ng amo niya ngayong araw, in-invite niya rin daw sila. Abala naman siya sa pag-aayos ng mga upuan. Tanghali na nang matapos kami sa pagdedesign. Si Diana naman ay nagpapahinga sa kwarto niya. "Kain na! Halina kayo! Tama na muna ang mga 'yan!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Nandito kami sa labas ng bahay, kasama ang ibang mga kasamang tumulong sa pag-aayos. Pumunta na ako sa kusina upang tumulong sa paghahanda ng pananghalian. Dito na pala kami sa labas kakain dahil may lamesa naman dito. Tumulong na lang ako sa pagbubuhat ng mga plato. Nagsimula na rin kaming kumain nang maihanda na ang lahat ng makakain. Pagkatapos naman ay nagpahinga muna ako sa kwarto. "Gusto ko lang po magpasalamat sa pamilya ko lalong lalo na kila mama at papa na sobrang supportive sa akin, at Kay ate Celestina at kuya Brick. Salamat po sa inyong mga pumunta, actually kayo lang po talaga ang gusto kong kasama dahil hindi pa naman debut, hindi pa kailangan ng bongga. Thank you everyone! Cheers to sweet 16!" Mahabang mensahe ni Diana. Inabot niya naman ang mic kay mama. Nag-umpisa na ang pag-celebrate namin ng birthday ni Diana. "Anak, gusto ko talagang mas bongga kesa sa ganito kaso syempre kung ano ang gusto mo iyon ang susundin namin kasi it's your day. I want you to always know that I love you okay? You're always our babygirl. Tama na, baka maiyak pa kasi ako", si mama na maiiyak na kaya tumigil na siya sa pagsasalita. Si papa ay maikli lamang ang sinabi ngunit damang-dama naman ito. "Happy birthday our babygirl Diana Maurine, ang laki niyo na talaga. Make your dreams come true, I know you can do everything and pass every battle in life. I love you sweetie." Nang turn ko na ay pumunta na ako sa harapan at inabot ang mic mula kay papa. "Uhm, hey sister alam mong nandito lang ako palagi bilang ate mo. Lapit ka lang sakin kapag may kailangan ka. Hindi man tayo palaging nagba-bonding, huwag kang mag-atubling lumapit sa akin. I love you, happy sweet 16th." Medyo naiiyak naman ako habang nagsasalita kaya tinapos ko na rin kaagad. "Feel free to eat everyone! Tayo-tayo lang naman kaya huwag na kayo ng mahihiya." Nagsalita si mama pagkatapos maipag-pray ang pagkain. Nangunguha na rin ang mga bisita ng kanilang pagkain. "Happy birthday D" "Happy sweet 16th Maurine, you look lovely" "Happy birthday Diana! I wish you good things in life" Binati naman ng mga kaibigan ko si Diana nang magawi ito sa table namin. Bumeso sila isa-isa habang inaabot ang kanilang regalo sa kanya. "Thank you mga ate! Salamat po sa pagpunta" "Salamat din at inimbita mo kami", sagot naman ni Jena. "Sige po, kain na po kayo" Ngumiti lang sila sa kapatid ko. Inaya ko na rin sila para kumuha ng pagkain. Dahil wala masyadong tao ay hindi na namin kailangan pumila. Kumuha na ako ng plato ko. Iba't-ibang putahe ang naroon sa table. May mga gulay, pasta, manok, baboy at isda at mga seafood na putahe roon. May mga desserts din. Kumuha na ako ng onti sa bawat putahe upang matikman ko lahat. Pagkatapos kong makakuha ay pumunta na ako sa table naming magkakaibigan. Nandoon na rin sila. "Hmm, ang sarap ng pagkain!" "Yes, I love this seafood, who cook by the way?" "Favorite ko talaga itong luto ni tita na kaldereta! Alam kong siya ang nagluto nito!" Natawa naman ako sa mga sinabi nila. Kahit kumakain ay nagawa pa nilang magsalita. "Sino pa ba? Edi si mama at ang mga kasama niya sa shop ang naghanda ng mga ito" Kahit may pagkain sa bunganga ko ay nagawa ko pa ring magsalita. Nang matapos ako sa pagkain ay lumapit sa akin si papa. May dumating daw na bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD