Chapter 12

1119 Words
Huh? Shet! Nakatayo na pala sila. Nalutang ako ng sobra dahil sa nangyari ngayong gabi! Hindi ko talaga inaasahan ito. "Bakit?" "We'll go home na." Mahinahong sabi ni Zah nang nakangiti. "Ah sige! Sorry inaantok na siguro ako kaya nalutang. May sundo na ba kayo?" "Yes, nasa labas na. Huwag mo na kaming ihatid sa labas matulog ka na" "Pero-" "Kaya na namin, you should sleep na. You look tired. Please? Sleep na okay? Alam kong pagod ka dahil maghapon kayong nagprepare dito." "Hmm." Tumango na lamang ako sa kanila. "Good night girls, ingat kayo. Pasensya na, I'm so sleepy na kasi", paalam ko sa kanila. "Good night! Sleep tight!" Nakaalis na sila at ang ibang mga bisita. Nang tinignan ko sa table nila papa ay wala na ang mga bisita nito. Bakit hindi ko namalayang nakaalis na sila? Tanging mga kamag-anak na lang ang natira. Nag-aayos na rin ng mga pagkain sila mama kaya tumulong na muna ako. "Ma nakaalis na pala bisita ni papa?" "Oo nak, inaantok na raw kasi 'yung bata kaya umalis na rin" "Ah, hindi ko po kasi napansin" "Pogi ba nak?" Huh? Ano bang sinasabi ni mama? Sino? "Po?" "Yung anak ni Mr. Montecillo, pogi ba?" "H-hindi ko po a-alam ma", utal-utal kong sagot kay mama. "Napansin kong nakatitig siya sayo kanina, siguro tipo ka noon?" Ma hindi po! Kung alam niyo lang po ma ang kagagahang ginawa ko sa boss ni papa. "Hindi siguro ma, malabo" "Bakit naman malabo? Maganda ka naman anak, sakto lang ang height mo, maputi, bilugan ang mga mata mo, matangos ang iyong ilong. May pagka-meztiza ka." Aw, sweet naman ni mama. "Ma naman e! Syempre kanino pa po ba magmamana?" Nagtawanan kami ni mama sa pinag-usapan. "San po pala si Diana ma?" "Nasa kwarto na niya, nagpapahinga" "Sige po ma, puntahan ko lang" Tumango si mama at umakyat na ako upang kunin sa kwarto ang regalo ko para sa kapatid ko. Kumatok ako sa pintuan niya nang makarating doon. "Pasok", mahinang sambit niya. Binuksan ko na ang pintuan niya. Nagbubukas pala siya ng mga regalo niya. "Oh ate, upo ka" "Happy birthday sis! I love you", bati ko sa kanya at niyakap siya. "Salamat ate" Nang kumalas ako sa pagkakayakap ay inabot ko sa kanya ang regalo ko. "Buksan mo na" "Akala ko wala kang regalo sakin, magtatampo na sana ako", nakapout na sabi niya. Kaya pala parang malungkot siya kanina. "Syempre ate mo ako, alangan namang mawala ang regalo ko para sayo?" Ngumiti naman siya at dali-daling binuksan ang regalo ko sa kanya. Nang mabukasan niya ay nagulat pa siya, nakahawak sa kanyang bibig. "Ateeee!" Napahawak ako sa tenga dahil sa sigaw niya. "Ano ka ba? Ang ingay!" Kunwaring galit na sinabi ko sa kanya. "Ate thank youuu! Alam mo talaga kung ano gusto ko. Mahal ito ate, baka naubos na pera mo para rito ha." Nakita kong maluha-luha na siya. Niregaluhan ko kasi siya ng bagong labas na Iphone, 'yung Iphone 12 pro, dati niya pang pinaparinig sa social media. Tsaka mahilig din siyang mag picture kaya iyon na ang binili ko. "Syempre nag-ipon ako, 'diba sineswelduhan ako ni mama sa shop niya" Ngumiti naman siya, sinubukan na rin niyang gamitin ang cellphone. "Alagaan mo iyang ha, naku pag nasira yan bahala ka na!" Umaaktong naiinis na wika ko sa kanya. "Opo ate, syempre galing ito sayo eh" Niyakap na naman niya ako at pinaghahalikan ako sa mukha. "Ano ka ba Diana Maurine! Kulet!" Napuno ng tawanan sa kwarto nang sandaling iyon. "I love you ate, maraming salamat talaga" "Oo na sige na, magpahinga ka na dyan. Inaantok na rin ako." "Sige po ate, goodnight!" "Good night, pahinga ka na ha" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa kwarto niya. Dahil sa pagod ko sa maghapon ay hindi ko na magawang mag half bath. Nagbihis na lamang ako ng pantulog dahil inaantok na ako. Humiga na ako pagkatapos kong magbihis dahil pumipikit na ang mga mata ko. Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang birthday ni Diana. At ngayon ay lunes na naman. Palabas na ako ngayon ng school nang nakisabay ang kaklase kong lalaki. "Kailan pala natin sisimulan 'yung project natin?" Pagtatanong niya sa akin. Siya pala ang partner ko sa project, by two lang iyon. "Siguro sa sabado, kung free ka nun. Wala naman akong pasok ng sabado." "Sige ba! Text mo na lang ako kung saan tayo magkikita. Pwede naman sa bahay kung gusto mo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Huh? "Ah ano, sige! Ikaw bahala kung saan! Sige bye!" Saka siya nagmamadaling tumakbo palabas ng gate. Napakunot ang noo ko sa kanya. Baliw yata 'yun. Naglakad na ako patungo sa may waiting area. Habang naglalakad ako papunta sa may tindahan ng mga street foods ay may biglang humila sa kamay ko. "Ano ba?" Pagpigil ko kung sino man iyon at nang lingunin siya ay nagulat ako nang makitang si Travis pala. Hinihila niya ako ngayon papalapit sa sasakyang nasa gilid. "Ano bang problema mo? Hindi na nga kita ginugulo tapos ngayon lalapitan mo ako?" "Get in." Matigas na sabi niya. "Ayoko, hindi ako sasama sayo!" "Get in or I'll get you in with my ways." Dahil sa inis ay pumasok na lang ako sa sasakyan niya. Nagdabog pa akong umupo doon. "How are you? Why aren't you replying to my texts and calls?" Tanong niya. "Huh? Hindi ko napansin, tsaka busy ako pwede ba?" "Yeah? Busy with that man? Who's that man? Your boyfriend?" Anong problema nito ay bakit ang daming tanong? "Anong pakialam mo? Ikaw nga rin may girlfriend hindi naman na kita pinapakialaman Sir!" "Sir huh?" "I'll take you home." Pagkasabi niya noon ay inandar na niya ang kotse at nagdrive na papalayo. Nag-message na rin ako kay papa na huwag na akong dadaanan dahil sa lalaking ito. "Do you want to eat something? We can go eat some food if you're hungry. Just tell me." Luh? Papansin 'yan? "Bakit ba ako ang inaaya mo? Hindi na lang 'yung girlfriend mo?" I just rolled my eyes to him when I saw him looking at me when I said those words. Kikiligin na sana ako kung hindi ko lang naalala lahat ng sakit. "Who? I don't have a girlfriend." "Wala raw girlfriend pero may kahalikan, ano kaya iyon? Ano friends with benefits ba?" "I said she isn't my girlfriend. I didn't even kiss her back, she's just my friend who likes me. But I'll tell you honestly we have something before because of boredom." Wow, haba naman ng sinabi mo. Hina na lamang ako sumagot at ipinikit ko na ang mga mata ko upang hindi siya pansinin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD