Rachel
"SALAMAT talaga, Rachel," ani Architect Romeo nang makalabas kami ng elevator.
Ngayon ang uwi ng long-term girlfriend niya na isang OFW sa Taiwan. He asked my help to pick a bouquet for his girlfriend. Maaga rin kaming pumunta ng opisina para maipaliwanag niya sa akin iyong mga dapat kong gawin sa mga task na ipapasa niya sa akin. Tutal ako naman ang head architect ay sasaluhin ko ang ilang workloads niya na hindi niya maaasikaso habang naka-leave siya.
"Wala po 'yon. Maliit na bagay lang naman," sagot ko.
He smiled. "Oh, paano hindi na rin ako magtatagal. Tawag ka lang kung may kailangan."
"Sige po. Ingat po." Kumaway pa ako.
Ate Sandra went to me as soon as Architect Romeo left. "Bakit binawi 'yong flowers?"
"Huh?" Napakunot-noo ako. "Ay, hindi po. Hindi naman 'yon para sa akin. Ako lang ang bumuhat kasi marami na siyang bitbit kanina. Para 'yon sa girlfriend niya."
"Ay? May girlfriend pala si Romeo?" tanong niya habang hinahalo ang nakalahati nang tasa ng kape.
Hindi na ako nagulat na hindi niya alam. Gaya nga ng sabi ni kuya Romeo, hiwalay ang personal na buhay niya sa career life niya. His work friends are not his friends outside the office.
Limitado ang mga bagay na alam ng mga katrabaho namin tungkol sa kanya. Katwiran niya ay narito siya para magtrabaho. Hindi para i-broadcast ang buhay niya. Sabi naman niya, kung itatanong sa kanya ay sasagutin niya naman nang totoo. Eh, wala naman daw nagtatanong kung may girlfriend siya.
Nasurpresa nga ako na nanghingi siya ng tulong sa akin. Katwiran niya ay kampante siyang hindi ko siya huhusgahan sa paghingi niya ng pabor.
"Opo," sagot ko na lang kay ate Sandra.
"Hindi halata, ah? Akala ko nga bading 'yong si Romeo. Marami kasi akong friend na beki. Gano'n na gano'n sa kanya."
Peke na lang akong ngumiti. May ilan din akong kilala na pusong mamon, pero hindi sila mukhang pusong mamon kapag titingnan.
Tinawag ng isa sa mga inhinyero si ate Sandra kaya iniwanan na niya ako sa pwesto ko. Sinimulan ko naman ang routine ko na paglilista ng to do list ko para sa araw na ito. I then proceeded on doing the most important task. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay nadama ko ang paglapit ng pamilyar na bulto.
"I got you some munchkins. Thought you might like it."
Napaangat ako ng tingin kay Keeyan nang marinig ko ang kanyang sinabi. No, it wasn't about what he said. It's because of his tone. Parang malayo sa kinasanayan ko na. Medyo . . . seryoso ang tono niya ngayon. Kahit ang ekspresyong nakapinta sa gwapong mukha ay iba. Parang . . . galit? Nagseselos?
My forehead wrinkled. "Uhm, thank you," sabi ko na lang.
I noticed him looking around. Sumilip pa nga sa ilalim ng desk ko na tila mayroon siyang hinahanap. Hindi tuloy ako nakatiis kaya isinara ko ulit ang paper bag at tiningnan siya.
"May hinahanap ka, Sir?"
Keeyan sighed. "Neida from utility said someone gave you flowers. I'm confused. Was she lying to me?"
Lalong nalukot ang aking noo dahil sa dalawang bagay. Una, bakit niya hinahanap ang flowers? Pangalawa, bakit alam niya ang pangalan ng staff mula sa utility department? Ganoon ba siya ka-friendly at kilala niya na ang mga tauhan dito sa Cebu branch?
Bumuntonghininga ako. "Bakit po, Sir kung meron ngang ibinigay?"
Itiniklop niya ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib. Aksidente pa akong napatitig sa biceps niya.
Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa kanyang upper arm. I swear his muscles effortlessly flexed, and I hate myself for appreciating his arms right now.
"Wala lang. I'm just curious." He clicked his tongue then met my gaze. Maya-maya ay bumuntonghininga siya. "Okay, I give up. I wanna give you flowers, too so I'm a little jealous right now."
Napakurap ako kasabay ng pagdagundong ng aking dibdib. He . . . wants to give me flowers? Bakit?
Umiwas ako ng tingin nang lumala ang pagkabog ng aking puso. "H-Hindi po ako binigyan. Baka po 'yong nakita kanina na hawak ko ay 'yong bouquet na pinagmalasakitan ko lang na buhatin."
"Oh, so this Romeo guy isn't courting you or something?" he asked. This time, his voice sounded . . . happy. Relieved, even.
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Umaasang sasapat iyon para mapakalma ko ang nagwawala kong puso.
"Hindi po. Gaya ng sabi ko, Sir Keeyan, hindi pa ako ready na tumanggap ng manliligaw."
He nodded. Maya-maya ay napansin ko sa gilid ng aking mata ang tila pasimple niyang paghugot ng suntok. It was like he was celebrating or something. Hindi ko na lamang pinansin o tinanong. Marami akong kailangang asikasuhin ngayon. Nag-pile up na ang trabaho ko kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras.
Keeyan cleared his throat. "I'll get you your morning drink. Eat your munchkins."
Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang tuluyan siyang umalis. Even his walk seems happy. Nakipag-apir pa sa nakasalubong na empleyado.
I sighed while shaking my head. Kanina lang ay daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon naman ay kulang na lamang tumalon siya sa kaligayahan. Napapaano ba 'yon?
Keeyan went back with our drinks after twenty minutes. Kinuha niya pa iyong bakanteng swivel chair at idinala sa tabi ko. He wasn't bothering me while I do my work, though. Kumakain at umiinom lamang ng kape sa tabi ko na tila sapat na sa kanya iyong narito siya sa work area ko.
An hour had passed but Keeyan was still in my work space. Hindi na rin ako nakatiis kasi hindi na rin naman siya kumakain ng munchkin. Ubos na rin ang kape niya pero narito pa rin siya.
"Wala kang schedule na shoot ngayon, Sir?" I asked.
He shook his head. "After lunch pa."
My forehead wrinkled. "Bakit ka pala nandito sa branch nang maaga, Sir?"
He slouched on his seat. "I want to bring you some munchkins. That's what friends do, right?"
No? Friends don't get up early in the morning to buy more than a dozen of munchkins to bring it to a friend.
Gustong-gusto kong sabihin na hindi iyon basta lang gagawin ng isang kaibigan kaya lang ay nahiya naman ako. Hindi na lang ako kumibo. Nag-focus na ulit ako sa trabaho ko habang nanatili naman siya sa kanyang pwesto at nag-phone.
Sometimes he would stand up and peek at what I am doing. Nagtatanong-tanong din minsan at umaalalay sa akin kapag pakiramdam niya kailangan ko ng tulong. Hindi ko binibigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya kasi sinabi niya naman sa plane noon na tingin niya gay siya. I think he's just way too friendly. Baka ito talaga ang personality niya.
Lunch time came and he was able to convince me to eat with him at the cafeteria. Nakasama namin sa table ang tatlo ko pang katrabaho. Buti na lang at madaldal ang tatlo. Keeyan had someone else to entertain him.
Wala ako sa mood ngayon na makipagchikahan sa kanya. I wanted to conserve my energy. Dahil sigurado akong aabutin ako ng gabi ngayon sa office sa rami ng kailangan kong gawin.
"May kakambal ka, 'di ba, Sir?" usyoso ni Vhinka. Isa sa engineers na kasamahan ko.
Keeyan chewed his food first before he answered. "Yeah. Keegan. I'm the better twin by the way."
Pasimple ko siyang tiningnan habang pilit kong binubuksan ang bote ko ng Pocari Sweat. Medyo mahigpit kaya hirap na hirap ako sa pag-ikot ng takip.
Humagikgik si ate Sandra dahil sa naging sagot ni Keeyan. "Kasi mas gwapo ka, Sir?"
"Yeah," he said under his breath before he carefully grabbed my bottle and effortlessly opened it. Ibinigay niya iyon sa akin bago siya ulit bumaling kay ate Sandra. "But in terms of personality, I know I'm still the better twin."
Vhinka gave me and Keeyan a suspicious look as if she's putting meaning on Keeyan's simple gesture.
"Single ba kayong pareho ng kakambal mo, Sir?" tanong ni Vhinka.
"We're single, but Keegan has his eyes on his secretary even when he's still being denial about it."
"At ikaw, Sir? Single and not denial?" Vhinka asked again.
Makahulugang ngumisi si Keeyan bago niya isinangkal ang braso niya sa likod ng upuan ko.
"Single . . ." He glanced at me before he played with the tips of my hair. "And waiting . . ."
Napayuko na lamang ako kasabay ng bahagyang pag-init ng aking pisngi.
No, no. Minsan na akong naipahamak ng pagiging asado ko. Never again will I fool myself just because I think a man's gestures and words mean something . . .