Rachel
PASADO alas cinco y media na ng hapon. Karamihan sa mga katrabaho ko ay nagsisimula nang magligpit habang heto ako at halos hindi maalis ang atensyon sa ginagawang design.
Keeyan is still in our office. In my workspace to be exact. Nakayuko siya sa aking desk at nakasandal ang ulo sa mga braso. I think he's taking a nap or something. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ba siya nandito. Wala naman siyang gagawin dito pero palagi na lamang dito nakatambay.
Ganito ba talaga kapag mayayaman? Walang ginagawa sa buhay? Parang hindi naman ganito ang ibang kamag-anak niya?
"Una na kami, Rachel," paalam nina ate Sandra sa akin.
Lumingon ako sa kanila't kumaway. "Ingat po."
Vhinka went to my workspace. "Hindi ka pa uuwi?"
Umiling ako. "Marami pang gagawin, eh. Maaga pa naman."
Sinulyapan niya si Keeyan. "Gisingin mo na rin 'yang prince charming mo. Baka magulat 'yan na wala nang tao."
Tumango na lamang ako. I really didn't like the term she used for Keeyan. Hindi ko naman kasi prince charming ang lalakeng ito. Isa lang ang savior na kailangan ko. Walang iba kun'di ang bugtong anak ng Ama.
Humugot na lamang ako ng hininga't marahang tumango. "Sige."
She waved at me before she left with our other colleagues. Isa-isa na ring nag-alisan ang iba hanggang sa kami na lamang ni Keeyan ang naiwan sa opisina.
I was about to wake him up and tell him to go home when Keeyan slightly tilted his head, giving me a good view of his side features. Para akong nawala sa sarili ng ilang segundo. My gaze focused on him, unaware that I was already admiring his face.
It's not a secret that the Ducanis have a great set of genes. Gaya ni Sir Kali ay matangos din ang ilong ni Keeyan. His bone structures are well sculpted that you might think God had put Keeyan in the priority list when God made his image. May kakapalan ang pares ng mga kilay na bumagay sa hugis ng mukha. His lips are kind of pinkish and not too thin, but what I like most about him is . . . his set of obsidian eyes.
I don't know why I find comfort and safety whenever I'm looking back at him, despite him being able to make my heart beat faster sometimes. It was like his eyes were windows to an infinite promise of safety. Tila ba kahit na hindi ko pa naman siya ganoon kakilala ay nararamdaman kong mapagkakatiwalaan ko siya.
He inhaled a sharp breath. Maya-maya ay tuluyan niyang ikinurap ang kanyang mga mata. Nagmamadali naman akong kumilos at binalikan ang ginagawa ko nang hindi niya mahalatang kanina ko pa siya pinagmamasdan.
Keeyan stretched his arms while making a big yawn. Tumayo siya pagkatapos at pinasadahan ng tingin ang paligid.
"Why is everybody gone?" He checked his watch. "It's already six?"
Tumango ako. "Oo. Pwede ka na ring umuwi."
He yawned again. "Aren't you going home yet?"
"Hindi pa. Busy pa ako, eh. Marami pang gagawin."
He nodded. Maya-maya ay naglakad patungo sa pinto kaya akala ko ay uuwi na ngunit pagkalipas ng higit twenty minutes ay bumalik siyang may dala nang dalawang drinks at dalawang takeout box.
Napakunot-noo ako. "Akala ko po umuwi ka na?"
Keeyan cleared a portion of my desk so he could put the food down. "'You're still here so I'll stay."
"Pero hindi mo naman kailangang samahan ako. Mas gusto ko ring mag-stay muna rito at gawin ang mga kailangan kong gawin."
"And I don't wanna get bored in my unit so I'll stay here until you finish everything you still wanna do." He opened the takeout boxes. Humalimuyak ang amoy ng double patty burgers pati na iyong amoy ng french fries. "Let's eat first."
Napakamot na lamang ako ng batok. Ang hirap talagang hindian ng isang ito.
Naupo kami sa aming swivel chairs at nagsimulang kumain. I could feel his glances. Tila pinakikiramdaman niya ako.
Keeyan straightened his back. "We're already friends but I still don't know that much about you, aside from you being broken hearted."
Nagsawsaw ako ng french fries sa sauce. "Ano po ba ang gusto mong malaman?"
"Anything you're willing to share to me," he said while his gaze remained focused on my face.
Sige na nga. Tutal nilibre niya ako ng miryenda. Papatulan ko na lang ang pakikipagchismisan niya.
"Uhm, medyo malaki kaming pamilya. Anim kaming magkakapatid. 'Yong mama ko may negosyo po sa amin. Gumagawa sila ng pinsan niya ng mga pasalubong na inilalako sa may istasyon ng bus. Si papa naman, nagpipintura saka nagmamason sa amin. Kapag walang trabaho, tinutulungan niya sina Mama sa maliit naming negosyo."
"Are you the youngest?" he asked.
Umiling ako. "Panganay ako."
Ngumisi siya. "So that's why you're so hardworking, huh?"
"Medyo. Saka kahit hindi naman ako naging panganay, magsisipag pa rin ako kasi no choice naman. Hindi naman kami kasing yaman ninyo," sabi ko.
Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. I received a chat from my Mom, asking me if I could send some extra cash. Nawala raw ng kapatid ko iyong pambayad niya ng tuition.
I swallowed the lump in my throat. Kakapadala ko lang. Magkano na lang ang natitira sa allowance ko. Halos puro na ako de lata at instant noodles kapag nasa tirahan ko. Tapos ngayon kukurot na naman ako ng limang libo sa perang para na lang sana sa sarili ko.
Gusto kong hilutin ang ulo ko dala ng stress kaya lang ay baka mahalata ni Keeyan na na-badtrip ako. Isa pa ay ayaw kong nagtatampo ako sa pamilya ko. Sa huli ay ako lang din naman ang nahihirapan dahil inuusig ako ng kunsensya ko.
Pinunasan ko na lang ng wipes ang kamay ko't tumayo na. Maybe if I will get back to work then I will manage to shoo away the brewing heaviness in my chest.
"Balik na ko sa ginagawa ko, Sir. Thank you sa foods."
Hindi siya umalma ngunit hindi rin niya ako iniwanan sa office. Kahit nga alas otso na ng gabi ay talagang nanatili siya sa workspace ko. Tumutulong din siya sa akin kapag pakiramdam niya kailangan ko na ng alalay niya.
Umabot ang alas dies ng gabi. Masakit na ang mga binti, braso, pati ang likod ko ngunit gusto ko na talagang tapusin iyong design na balak ko nang i-submit for approval bukas. Nahihiya na rin ako kay Keeyan kasi anong oras na pero ayaw pa rin talaga niyang umuwi.
I gave my shoulders some massage. Napansin ako ni Keeyan kaya bumuntonghininga siya.
"I think we should call it a night already, love. It's past ten PM. You should rest."
Umiling ako. "Sige na, Sir mauna ka nang umuwi. Okay lang talaga ako dito."
Keeyan leaned on my desk. "You're overworking yourself, Chel. Why do this to yourself when you can still do it tomorrow? Malayo pa ang deadlines mo."
"Kailangan kong maging busy," simple kong sagot.
His brows furrowed. "Why?"
I flashed a small smile before I spoked. "Kasi kapag busy ako, nawawalan na ako ng panahon para masaktan. Walang karapatang masaktan kapag maraming nakaasa sa'yo."
I initially meant it to be a joke. Ngunit mukhang pati sarili kong sistema ay hindi na naniniwalang biro iyon. Maybe the words came out of my lips because I'm not that guarded right now. I'm exhausted and stressed, plus Keeyan somehow managed to create a safe space for me without me realizing.
Lumamlam ang mga mata ni Keeyan. "You wanna overwork yourself so you won't have to face the pain, hmm?"
Umiwas ako ng tingin nang makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Ganoon naman kasi, hindi ba? Tatakpan mo na lang kasi hindi mo naman kayang gamutin. Aasa ka na kapag inalis mo ang takip ay kusa nang naghilom.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya pilit na nginitian. "Biro lang, Sir. Okay na ako. Fresh start nga po, eh."
"No, you're not okay. No one moves on that fast, Rachel."
Napawi ang pekeng ngiti sa aking mga labi. He's right. Wala naman talaga. Hindi ko rin sigurado kung kailan talaga ako makaka-move on. Gusto ko lang namang ipakitang okay na ako kasi ayaw ko nang makunsensya sina Sir Kali at Eldritch.
Gumuhit ang awa at lungkot sa mga mata ni Keeyan matapos kong matahimik. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging kabog ng dibdib ko nang tawirin niya ang aming pagitan. He then carefully wrapped his arms around me, locking me in an embrace I never thought I needed.
"S-Sir . . ."
Keeyan sighed. "It's okay. You're gonna be okay. You don't need to rush the process."
I don't know if it's my exhaustion and stress or Keeyan just managed to hit the right spot that made me teary. Next thing I knew, I was already doing my best just so I wouldn't wet his shirt with my tears.
Hinaplos niya ang aking likod. "Are you free on Sunday?" he asked after we fell silent for a few minutes.
Suminghot ako't kumalas sa pagkakayakap niya. "Magsisimba po ako."
"Then let's attend the church together." Keeyan lifted his hand to wipe the stain of tears on my cheeks. "Allow me to hold your hand while