Kabanata 17

1534 Words
Rachel Naging tampulan ako ng tukso sa office dahil sa picture na ipinadala ni Keeyan sa group chat namin nina ate Sandra. Tuwing pumapasok siya sa department namin at nakikitang papalapit sa akin ay iingay na naman ang buong opisina. Gaya ngayon. Akala mo ay mga bulateng binudburan ng asin ang mga katrabaho ko kasi may pa-flowers at kape na naman si Keeyan. Keeyan sat on the edge of my desk. Abala siyang lagyan ng hair pin ang buhok ko sa bandang tainga kasi nakakaabala sa ginagawa ko. Hindi kasi ako nakapagdala ng panali. Iyong hair pins lang na mayroon ako rito ang pwedeng magamit. "I'll buy you hair ties and keep it so I will always have one when you need it," said Keeyan. "Umiwas pa ako sa truck kanina, sa inggit lang pala ako mamamatay!" asik ng napadaan sa work area ko na si Vhinka. Nagtawanan ang lahat habang namula naman ako sa hiya. Meanwhile, Keeyan just smiled at my colleagues. Tila walang pakialam kahit na anong tukso sa amin. Ate Sandra stood up and went to us. "Sir, sasama ba kayo mamaya sa pa-despedida ni Basil?" tanong niya na ang tinutukoy ay iyong kasamahan naming inhinyero na magma-migrate na sa US. Hindi kami close ni Basil pero nagsabi na siya na lahat kami ay imbitado. Kaya siguro nagtatanong ngayon si ate Sandra. Keeyan looked at me as if he wanted to hear my thoughts first before he decides. Parang gusto niyang sumama. I have a feeling that he's going to say no if I'd decide not to come. Kaya para na lang sumama siya ay ngumiti ako't marahang tumango. Ngumiti siya sa akin bago siya bumaling kay ate Sandra. "We'll go." Ate Sandra grinned at me. "Iinom mamaya, Rachel ha?" "She doesn't drink," agap ni Keeyan. Natawa nang mahina si ate Sandra. "Kilalang-kilala talaga ang jowa!" I was about to say that he's not my boyfriend yet but Keeyan had already grinned before he spoke. "Like I should, ate Sandra." He pinched my cheek. "Dapat kilala para maalagaan nang maayos." Ate Sandra faked a smile before she jokingly looked around. "Guys, ingat sa paglalakad. Baka matapakan n'yo buhok ni Rachel na pakalat-kalat sa sobrang haba!" My cheeks burned out of embarrassment. Si ate Sandra talaga! Humupa lamang ang kantyawan nang pumasok ang Operations Manager ng branch. We had an informal meeting. Keeyan left the room to show respect to the OM even when the OM had already told him that it's fine if he'd stay. Bumalik lamang si Keeyan noong natapos ang informal meeting namin. Saktong magla-lunch na rin kaya siya na ang nagligpit sa mga gamit ko. Hinayaan ko na lang. Kahit naman agawin ko at sitahin siya ay hindi rin naman siya papayag. We went to the nearest fastfood. He asked me what I wanted to eat but I had a hard time deciding so he ended up choosing for me. Surprisingly, Keeyan picked the meal I actually like. Inasikaso niya ako mula sa pag-order ng pagkain hanggang sa pagbubukas ng takip ng sauce. Siya rin ang naglagay ng kutsara't tinidor sa aking plato at nagtanggal ng balot ng kanin. Honestly, I feel like I needed this in my life. Maybe every breadwinner who's used to doing everything on their own does. Kasi kahit sa sandaling panahon lang, mararamdaman mong maaari kang magpahinga. You can get out of your fight or flight mode because someone is offering you a safe space where you will be taken care of. "Do you want more gravy?" tanong niya. Ngumunguya akong tumango. Kinuha naman kaagad niya ang lagayan ko ng sauce at idinala sa counter kahit na nasa gitna rin siya ng pagkain. One thing I noticed about Keeyan is he's happy when he gets to take care of me. Kaya kung dati sinisita ko pa siya at nagi-guilty ako, ngayon hinahayaan ko na lang kasi masaya siya kapag may mga bagay siyang ginagawa para sa akin. It was like this is one of his love languages. We went back to his car after we finished our food. Humihikab ako dahil inantok noong nabusog. Mukhang napansin niya iyon kaya pagkarating sa parking lot ng office ay pinigilan niya akong lumabas. "May thirty minutes pa. You can adjust your seat and take a nap. I'll just wake you up later," he said. I wanted to protest but I realized I needed this nap, too dahil nakakaubos ng lakas iyong latest protect ko. I adjusted my seat and brought it all the way down so I can lay. Hinaplos-haplos naman niya ang aking ulo nang mas madali akong makatulog. Lihim akong napangiti. The little things really make me fall for this man faster than expected. Nakakatakot mang masanay ay parang hindi ko na rin talaga mapigilang mahulog kung ganito naman ang manliligaw mo. I was able to take a nap. Refreshed ang utak ko nang bumalik kami sa office kaya hanggang sa natapos ang shift ay may enerhiya pa ako. Keeyan and I went to the venue for Basil's farewell party. Kumain kami ng handa bago binigyan nina ate Sandra ng drinks si Keeyan. He's really good at mingling with others. Kahit iyong mga mahiyaing katrabaho namin ay naging madaldal dahil bumabangka na si Keeyan sa usapan. I accidentally glanced at the other table while Keeyan was laughing with my colleagues. May dalawang babae roon na malagkit ang tingin kay Keeyan. I even saw them taking photos of him before they will giggle and stare at him with lust. Hindi ko alam kung bakit tinamaan kaagad ako ng selos. Kaya kahit na hindi naman ako umiinom ay dinampot ko iyong beer ni Keeyan saka ko ininom. Napatingin siya sa akin. Nakakunot ang noo at tila nagtataka kung bakit ako umiinom ngayon. "Love . . ." tila naninita niyang tanong habang hinahaplos ng hinlalaki ang tuhod ko. Pinilit kong ngumiti kahit na nasa bibig ko pa ang pait ng alak. "O-Okay lang. Gusto ko lang masubukan." He sighed. Tila ayaw niyang maramdamang kinokontrol niya ako kaya hinayaan na ako ngunit pansin kong nakaalalay na rin siya sa pag-inom niya. Parang binabantayan na lang ako kahit na hindi naman ako malakas uminom. Pagkatapos ng party ay nagpaalam na kami. Nakita ko na naman iyong dalawang babae na kumaway kay Keeyan. Hindi ko alam kung sadyang hindi niya napansin o wala lang talaga siyang pakialam. Hindi niya kasi binigyang atensyon ang dalawa. I was a little tipsy when we got to his car. Tahimik ako at naiinis. Mukhang napansin niya iyon kaya pagkarating namin sa apartment ko ay kinuha niya kaagad ang kamay ko. "Why is my baby mad, hmm?" he asked. May lambing ang boses. My lips slightly pouted. "Wala." "Is it because of the girls who were trying to hit on me? Is my baby jealous?" "Hindi, ah!" sagot ko kaagad. Gosh, I sounded so defensive and guilty! Napangisi tuloy ang loko na tila alam niya na ang sagot sa tanong niya. "You don't have to get jealous. I only have my eyes on you, love." Sumimangot ako. "Hindi nga ako nagseselos--" Naputol ang sinasabi ko nang hawakan niya ako sa aking pisngi saka niya ako siniil ng halik. Malalim. Nakawawala sa katinuan . . . at nakabubuhay ng kakaibang init sa katawan. I didn't realize that I was already responding to his kisses. Tila nakahiram ako ng tapang sa alak kaya heto ako ngayon at halos iangkla ang braso sa kanyang leeg. Our lips parted. Pumungay ang kanyang mga mata at umigting ang kanyang panga habang nakatitig sa akin. Maya-maya ay humaplos pataas ng aking braso ang kanyang palad. It traveled up to my shoulder and ended on the back of my head, clutching my hair in a controlled manner. Hindi ko alam kung dala ba ng alak sa sistema ko o sadyang masyado lang malakas ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya kaya nang uminit ang pakiramdam ko dahil sa pagsabunot niya sa buhok ko ay kusang kumilos ang aking mga palad. I caressed his chest while I'm staring into his darkened eyes, my face said all the words my lips could never utter. "K-Keeyan . . ." I called. His jaw clenched. His grip on my hair tightened a bit before he finally claimed my lips once more. This time, with no more plans to stop himself from going father than kissing . . . at wala na rin akong makapang pagtanggi sa aking sistema. I knew what's about to happen, but instead of stopping him, I ended up kissing him back, wanting nothing but for him to feel the silent consent that I want to give him. Keeyan lifted me up and brought me to my bed, and as he started undoing the buttons of my blouse, I looked at him deeply his eyes before I flashed a faint smile. "Please don't ever hurt me the way Eldritch did . . ." I found myself begging. Keeyan's eyes softened. He took my hand and gave it a meaningful kiss before he said the words that finally made me surrender my defenses. "I'm going to love you in ways that will make you forget that your heart has ever been broken . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD