Rachel
Keeyan and I left my apartment after we had breakfast. Habang kumakain pa lang ay ramdam ko nang hindi okay ang mood niya. I have a feeling that his mood dropped because of the chat he received.
Medyo bothered ako pero nahiya naman akong magtanong. Baka isipin niya ay wala siyang privacy kasi binasa ko iyong chat ng kaibigan niya nang walang consent niya.
Isa pa ay hindi ako ready na marinig na tama ang kutob ko. Na importanteng tao iyong Tim sa buhay niya. Yes, I am getting anxious but I don't have the guts to confirm that Keeyan will soon end up becoming like Eldritch.
Keeyan placed our tumblers near the fountain. Nag-warm up kami ng ilang minuto bago tuluyang nagsimulang mag-jogging.
Since I am not really used to exercising, Keeyan adjusted to my pace. Panay rin ang lingon niya sa akin tapos parang kada ten meters ay ninanakawan ako ng halik sa pisngi!
He was able to stole several kisses on my cheek before I finally looked at him with pouting lips.
"Nakakahiya sa ibang nag-e-exercise. Baka sabihin PDA tayo," reklamo ko kahit na sa totoo lang ay . . . okay lang naman talaga sa akin.
"Let them think what they wanna think," sagot lamang niya. Tila walang pakialam sa sasabihin ng iba basta maharot niya ako.
Tumigil kami sa pag-jog at ibinigay niya ang tumbler ko nang makainom ako ng tubig. Pinunasan niya rin ang mangilan-ngilang butil ng pawis sa aking noo.
I tried to calm my chest while Keeyan was busy wiping my forehead. Maya-maya ay hinawakan niya ako sa braso saka siya ngumisi. "Good job, love."
My cheeks burned. I swear the inner flirt in me is coming out because of this man without me realizing. Kung hindi lang ako nagi-guilty kasi naaalala ko ang teachings ng simbahan ay baka hinayaan ko lang siya, eh.
"Wala pa kayang isang kilometro ang natatakbo natin. Paanong good job 'yon?"
He smirked. Akmang sasagutin niya na ako nang tila mayroon siyang napansin. Napasunod din ako ng tingin sa gawing tinititigan niya ngayon nang masama.
Another guy was stretching a few meters away from me. Nakatitig sa akin ang lalake at tila walang pakialam kahit na kasama ko si Keeyan. He even smiled and jerked his head. Tila binabati ako.
I looked away and turned my gaze towards Keeyan. Hindi niya inaalis iyong matalim niyang titig sa lalake kahit na nagsimula na iyong mag-jog palayo. Hinawakan ko tuloy siya sa pisngi para lang ibaling niya ang tingin niya sa akin. Naku, kung laser beam lang ang mga mata nito ay baka natusta na iyong lalake kanina!
Hindi pa roon natapos. May ilan pang lalake na nakasalubong namin habang tumatakbo. They smiled and sometimes stared a bit longer than they should. Pero kapag napapatingin na kay Keeyan ay biglang umiiwas ng tingin.
I realized that Keeyan gives them the deadly stare. Pakiramdam ko tuloy ay dudukutin niya na ang mga mata ng mga nakakasalubong naming napapatingin sa akin!
Hindi na ako nakatiis at siniko ko siya nang mahina. "Keeyan naman, eh. Mapapaaway pa tayo niyan. Next time nga, sa apartment mo na lang tayo mag-exercise!"
Ngumisi ang loko. "Yeah. That's a better idea so I can cuddle with you after our workout."
Umawang ang aking mga labi. "H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Ayaw ko lang na kung sino-sinong tinititigan mo nang masama. Ayaw kitang mapaaway."
"Hindi ako nakikipag-away. I am just giving them a warning that you're off-limits."
Sumimangot ako kasabay ng pagpula ng aking pisngi. Nakakainis naman! Wala talagang pinipiling panahon at lugar ang mga banat ng lalakeng ito!
Bumuntonghininga ako. "Halika na nga, uwi na tayo."
Inakbayan niya ako't isinama na kung saan kami nag-park. We headed home and decided to spend the rest of the day in my apartment. Boy scout naman kasi ang isang ito. Nagdala pala siya ng mga damit niyang pamalit kaya nakiligo na sa apartment ko.
"Your shampoo really smells good." He touched his still damp hair. "And it makes my hair softer."
"Mura lang 'yon," bida ko sa gamit kong shampoo saka ko inilabas ang rekado ng iluluto kong ulam.
He hung his towel outside before he went to me. Tila binabantayan ako at paminsan-minsan ay nakikiagaw din ng gawain. Hinayaan ko na lang. Naaliw na rin naman ako nang magsimula kaming magkwentuhan.
"Grabe naman pala ang pamilya n'yo. Hindi ba kayo nagsasawang um-attend ng kasal?" tanong ko habang binabalatan ko ang patatas.
Keeyan smirked before he held me by my waist and guided me to sit on his right thigh. Nakalimutan kong nanliligaw pa lang siya sa akin dahil nauna nang gumapang ang kilig sa aking sistema. Namalayan ko na lang na nakakalong na ako sa kanya't inaalis na niya ang nakabuhol na tuwalya sa buhok ko.
"Hindi naman." Piniga niya ang buhok ko gamit ang tuwalya. "Pero mas sisipagin akong pumunta kung kasama na kita."
Of course, my body betrayed me again. Uminit na naman ang pisngi ko't nagsaya na naman ang mga lintik na paru-paro sa aking tiyan. Kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa kung paano niya ako inaasikaso ay hindi ko na alam. Bakit naman kasi alam na alam ng lalakeng ito kung paano ako kunin, eh!
I let out a silent breath. Hindi ako ganito noon kay Eldritch. Yes, nakakaramdam din naman ako ng kilig pero . . . hindi ganito katindi.
It was like Keeyan is capable of creating chaos in my system in the most beautiful way, while he can also offer me the kind of peace I never thought I'd find on someone's presence. At iyon ang nakakatakot. Baka kasi masanay ako tapos sa huli ay kakailanganin ko rin palang ibaon sa limot ang lahat.
"Natahimik ka," puna niya habang pinatutuyo ng tuwalya ang buhok ko.
"Hmm?" I looked at him. "Ah, wala. Naisip ko lang 'yong project ko," pagsisinungaling ko.
"Your design looks great. I bet they'll finally approve it," pagpapalakas niya ng loob ko.
That's another thing I like about him. Para bang ang laki-laki ng tiwala niya sa kakayahan ko. Kahit madalas akong panghinaan ng loob kasi pakiramdam ko ay ibinato lang ako rito dahil sa breakup namin ni Eldritch, Keeyan never made me feel that way.
He always reminds me that I'm good at what I do. That I deserve the role given to me here.
Keeyan and his love languages . . .
Sino bang hindi mahuhulog sa taong 'to?
My phone vibrated. Ibinaba ko ang hawak na patatas at kutsilyo. May inaasahan kasi akong chat kaya nagpunas ako ng kamay at tiningnan ang phone ko. Nagbabaka-sakaling iyon na iyong hinihintay ko pero hindi pala.
The notification came from the GC that ate Sandra created. May nakakita raw sa amin ni Keeyan na nagja-jogging kanina sa Fuente Osmena. Kinabahan tuloy ako kasi baka husgahan ako ng mga kasamahan ko ngunit mukhang iba ang priority ng mga ito!
I checked their messages and nearly turned tomato red as soon as I read them.
"Kapag ako niyaya ni Sir Keeyan mag-jogging, kahit tunog whistle na hininga ko hindi talaga ako titigil."
"Ang tanga mo naman! Kung ako 'yon, sampung hakbang pa lang nagpapa-CPR na ako!"
"Sus, ang hihina n'yo. Kung ako ang kasama niyang nag-jogging, nagwa-warm up pa lang pinupunasan ko na ang muscles."
I was about to shake my head and sigh when I felt Keeyan's minty breath fanned the side of my face. Nakikibasa na pala ang loko sa GC namin hindi ko man lang namalayan!
Tiningnan ko siya. "Ang daming nagpapantasya sa'yo, oh," biro ko.
He scoffed. Maya-maya ay inagaw niya ang aking phone. He clicked the camera option in the GC and then extended his arm so he could take a picture of us. Nakaawang pa ang mga labi ko roon sa larawan at bahagyang nanlalaki ang mga mata kasi nga nagulat ako!
Keeyan sent the photo to our GC but he immediately deleted it as soon as the members saw it.
"Keeyan!" I hissed out of embarrassment. "Baka tuksuhin nila ako lalo sa office!"
"Let them." He tapped his fingertips on my thigh. "At least the entire office will know na bumakod na ko."
Mangani-ngani kong tampalin ang sarili kong noo.
Wala na talaga akong masabi sa taong 'to . . .